Hindi sinabi ng manager na si Ada kay Tongtong kung ano talagang nangyari kay Vekvek. At nanahimik lang din si Vekvek at hindi rin sinabi kay Tongtong ang tunay na dahilan kung bakit nawala siya sa pagserved ng alak at kung bakit marami siyang mga pasa at sugat. Dahil nga nagpapagaling pa si Vekvek ay si Tongtong na muna ang gumagawa sa mga gawain nila lalo na ang paghuhugas ng tambak na mga hugasin. “Ada, may bago pa lang boylet na pasok sa casa?” tanong ng isang matrona habang nakatingin kay Tongtong na nagsasalin ng alak sa mga baso nilang magkakaibigan na nasa iisang lamesa. “Yes, Madam. Hayan si Tongtong ang bagong pasok na lalaki sa casa gobernador,” pagpapakilala ng manager kay Tongtong sa mga matrona na kaya rin nasa ganitong klaseng lugar ay para makahanap ng panandaliang ali

