“Napakiusapan ko na si Ma'am Ada na huwag ka na munang pagtrabahuhin kasi nga hindi ka pa masyadong magaling,” sabi ni Tongtong na nag-aayos na ng sarili bilang paghahanda sa pagseserved ng mga alak sa pagbubukas ng casa. Nakapagpagupit na si Tongtong ng buhok dahil pinapayagan na raw ito ng kanilang babaeng manager na makalabas para makabili ng mga pangunahing pangangailangan dahil hindi naman libre sa casa. Ang libre lang ay tirahan at pagkain ngunit ang personal na gamit ay hindi. Dahil nga naging malapit na si Tongtong sa manager na si Ada kaya naging maalwan na ang pakitungo ng babae sa bagong mga tao ng casa. Hindi na rin nila kailangan na maghugas ng tambak ba hugasan dahil may ibang taong ng gagawa. Marami na naman kasing bagong lalaki at babae na pinasok sa casa kaya sila nam

