Chapter 49

1502 Words

“Vek, pahiram muna ako ng pera. Nagkulang kasi ang pera ko para sa gamutan ni Nanay,” ang sabi ni Tongtong kay Vekvek. Kunot-noo ang babae sa narinig dahil ang hatian nila sa pera na kinikita kay Sir Ben ay walang lamangan at hating-hati talaga. Kaya alam ni Vekvek na malaki na rin ang naiipon ni Tongtong dahil malaki na rin ang laman ng bank account niya. “Ha? Akala ko ba ay magaling na si Nanay mo?” hindi naiwasang tanong ni Vekvek dahil nakapagtataka nga naman na mabilis naubos ang ipon ng kinakasama gayong ang ipon niya kahit pa nababawasan din ay hindi nauubos. “Vek, alam mo naman na napaka gastos ng gamutan ni nanay, hindi ba? Ang laki ng singil ng mga doktor kaya anong nakakapagtaka na maubos ang laman ng bank account ko? Palibhasa ikaw wala ka namang pinagkakagastusan. Wala kang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD