Chapter 5

4474 Words
Pretend Avery's Point of View Pagkamulat ko ng aking mga magagandang mata ay agad kong nasilayan ang kisame ng kwarto namin ni Elliot. Wait, what?! Ang pagkakatanda ko e nakasakay pa ako sa kotse ng bakulaw, ah! Nakatulog ako? Malapit-lapit lang 'yun, ah! Argh, I'm such a sleepy head! Agad ko na lang hinanap ang phone ko para makita ang oras. "Hala, it's already 9 PM!" Boyset na bakulaw 'yon at hindi man lang ako ginising. And the realization hits me hard this time. Shocks! Edi binuhat ako ni Elliot!? 'Di ba!? Aba't! Hindi ko alam kung magagalit ba ako o mahihiya, eh. Pwede niya naman akong gisingin, right? At ako namang si gaga e hindi man lang naliing? Wow. Just wow. Himbing ng tulog, teh? Tulog mantika? Pero ano sa tingin niyo? Binuhat niya kaya ako nang pa-bridal style? Like 'yung mga bagong kasal, tapos bubuhatin ka ng groom mo to make love. Huey! Erase! Hala, anong pinagsasasabi ko? Hoy Avery, 'wag ilusyunada! Sa dami ng aking iniisip ay bigla na lang tumunog ang tiyan ko. Senyales na nais na nitong kumain. Tumingin naman ako sa katabi ng aking kama at ewan kung tulog ba 'to or nagtutulog-tulugan lang. Hmmp! Ewan ko sa 'yo! Bumaba ako at agad akong pumunta sa kusina. Mukhang wala na atang makakain. Naku po! Should I order na lang ba? Aha! Magluluto na lang ako. The last time na naiwan ako sa kusina ay hindi maganda ang kinalabasan at nakarinig lang ako ng mga talak ni Yaya Mel. Muntik ko lang naman masunog ang buong kusina! Kaya sa bahay e, ayaw akong papuntahin sa kusina halos ni Yaya Mel. Speaking of her, I already miss her cooking! Kinuha ko muna ang phone ko at agad nag-search ng mga madadaling iluto. But unfortunately, lahat halos ng lumabas e mahirap para saakin! Somebody help me?! Nagtingin ako sa fridge ng mga frozen foods at mabuti na lang talaga at mayroon akong nakitang manok. 'Yan lang naka-caught ng attention ko e, since 'yung iba ro'n is pang-breakfast like hotdogs. Isa lang ang lulutuin ko and it's the thigh part since para saakin lang naman. Habang nagluluto ako ay hindi ko namalayan na nasusunog na 'yung piniprito kong manok. Eto na nga ba ang sinasabi ko, eh! Agad kong pinatay ang kalan dahil gumagawa na ito ng hindi magandang amoy. Kase mga mhie, naghihiwa ako ng onion para sana sa sawsawan ko. "Ouch!" Argh this s**t! Napasigaw na lang ako dahil sa sobrang sakit. Napaso lang naman ang mhiema niyo and heto ako't parang anytime e iiyak na dahil sa sakit. Hindi lang 'yon! Pa'no na lang kung malala na pala ito? Pa'no na lang kung mag-iwan ito ng scar? Ayokooo! I kennat! Ang sakit talaga juice ko! Narinig ko naman ang mga mabibilis na hakbang ng isang tao papunta sa kinalalagyan ko and it's Elliot. Agad akong tinanong nito at mahahalata mo ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. "Are you okay? What happened?" Tinignan ako neto mula ulo hanggang paa. Wari ko'y hinahanap kung saang parte ako nasaktan. And of course! Nagulat ako dahil sa expression niya. I think he cares. Gusto niya siguro ako 'no? 'Di ba? Eto na naman ako. At isa ka pa, ginagaslight mo pa ako, ha! Wala lang 'yon! 'Nung gusto-gusto?! Parang 'di ka nag-grade 2! Siguro dahil sa ka-dormmate ko siya kaya mag-aalala siya sa 'kin. Better! "Lend me your hand." Hindi ko pa nagagawa e agad na niyang kinuha ang kamay ko at tinignan 'yung parte na napaso. Pagkatingin sa aking daliri ay tinignan niya rin ako ng masama. Problema neto? Tumayo siya at umalis. Pagkabalik niya ay dala-dala nito ang first aid kit. Ayaw ko mang maramdaman ito pero oo! I felt so touch dahil sa ginagawa niya. No! Not to flirt, ha! Wala, gano'n talaga ako e. Marunong akong um-appreciate kahit na sobrang liit na bagay lang 'yan. No wonder, mabilis din akong masaktan. Dahil sa sakit ay napapaluha pa rin ako. Kinuha niya ang aking kamay at may mga inilagay. Hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin ang mga iyon basta ang alam ko e ginagamot niya ito. Which is gustong-gusto ko naman dahil hindi ko kakayanin kung magkaroon man ako ng peklat kapag hindi agad naagapan. I can't! I just can't. OA? I don't care! "Aray ha, dahan-dahan naman. Masakit ih!" Singhal ko. Napangisi naman ito dahil sa kalagayan ko. Ewan ko ba kung concern ba talaga 'to o ano. Pagkatapos linisin o kung anong mga pinaglalagay niya ay binalutan nito ang isa kong daliri, which is 'yung napaso ng kulay pink na band aid with a flower design. And I find it cute! "Next time, just buy food outside or magpa-deliver ka na lang, okay? Kung hindi ka marunong magluto, don't force it. You might end up burning the whole dorm," sermon ni bakulaw sa 'kin habang nag-aayos ng kalat sa mini kitchen. Luh? Ako pa talaga ang pinagalitan? Like, hello? Sino nga ba ang dahilan kung bakit ako nagluto in the first place? Kung ginising niya ako kanina and tinulugan pa nga ako eh, edi sana hindi ako nag-effort maglutong parang MasterChef na wala sa timing. This bakulaw talaga, oh. I was about to clap back, as in go full drag race mode, pero never mind na lang. I mean, he did help me, so baka I should chill a bit. "E sa nagutom ang ang tao, 'no? And 'yung isa kase r'yan, hindi man lang nanggising." sabay taas ng kilay ko while giving him that excuse me?! look. "You looked super pagod kaya I didn't wake you up anymore," sagot niya, parang wala lang. Hmm... do I really look that exhausted sa first day pa lang? Like, haggard? Hindi naman siguro, 'di ba? Siguro light lang. But still, point taken. Agad muling tumunog ang tiyan ko't tumawa naman ang kasama ko. Ay beh, nakakatawa 'yon? Tinignan kong muli ang nasunog kong panghapunan sana and it doesn't look appetizing. It's quite unedible! Napa-pout na lang ang inyong dyosa. "Diyan ka lang, ah. 'Wag kang aalis." Sabi ng bakulaw at agad na tumakbo sa taas ng kwarto at agad ding bumaba. May kinuha 'to e, baka 'yung susi ng kotse niya? Grabe talaga sanaol may sarili ng kotse! "Sa'n ka pupunta?" Tanong ko sakaniya. "Basta." Maikli lamang nitong sagot at agad nang lumabas. Sinungitan ba 'ko nun? Hmmp sige, balakariyan. Kinuha ko na lang ang phone ko at pinicture-an 'yung kamay ko ang posted in on my IG story. It suits me! I mean, the band aid. Bumagay ito sa maputi kong kamay. Aww, how cute! From now on favorite color ko na ang pink! As expected, hindi pa lumilipas ang five minutes, nakita na agad ng mga kaibigan kong sina Hazel, Elyza, at Daphne ang IG story ko. I mean, come on, alam niyo naman 'tong mga 'to. And of course, dahil nakita nilang may band-aid ako sa kamay? Nag-panic agad. Like full-on group concern with a side of drama. Sila talaga 'yung klase ng friends na OA sa pagmamahal, lalo na't alam nilang ayaw na ayaw kong magkaroon ng scar. One small wound and they go full crisis mode. Cute naman, but like... chill? As in, ang concern levels nila nasa level 3000. Knowing them, alam nilang super conscious ako sa skin and like... scars? Not in my aesthetic vocabulary, okay? Hazel (DM reply): WHAT IS THAT ON YOUR HAND?! Girl don't tell me may burn ka ha?! You literally told me last month you'd cry if you get a mark on your hands. That is NOT aesthetic! Elyza (DM reply): Babe?? Are you okay?? I'm lowkey freaking out. Like, I know you're making pa-cute with that band-aid pero that's serious! Pls tell me you already did first aid?? You better not be brushing this off ha. Daphne (DM reply): Hala girl... this is not it. That's your left-hand pa??? Your writing hand?? Your modeling-hand-for-pretend-jewelry pics??? Agh I swear, if that scars, I'm sending you my derma's SOS ointment. I'm not kidding. Dahil sa mga chats nila ay napagdesisyunan kong sa GC na lang ulit sila i-chat para isahang spill. Avery: Sisters, eto na nga ang real chika! Guess who ang nag-first aid sa'kin? As in siya talaga. Si Elliot! Yes, the same bakulaw na pinagmumulan ng stress ko since day one rito sa dorm. Like, can you believe it? 'Yung pinaka-kinaiinisan ko pa rito ang siyang unang tumulong. Nakakaloka! Hazel: Wait, what?! Si Elliot?! As in dormzilla mo??! Bakit siya?? He touched your hand??? Omg I need answers RN. Elyza: Stop. Hindi ko ma-process. Is this enemies to lovers na ba? Kasi girl, that's so fanfic-coded HAHAHA! Daphne: OMG GIRL 'WAG MO SABIHING NAAAMOY MO NA SIYA 😭😭 Also, are you okay?? Pls tell me walang scar. I will personally march there 'pag nagkapeklat ka. Avery: STOP. 😭 It's not that deep, okay?! Like yes, he helped... pero hindi ibig sabihin crush ko na siya, ha?! I mean, am I swooning? Maybe. But do I admit it? NEVER. Jk. Basta ayun, he was actually kinda gentle kanina. Kinda lang. Ilang minuto lang bago umalis si Elliot at sa gitna ng pakikipag-usap ko sa mga sisters ko ay bumaba naman si Edward na naka-topless. Napatitig ako nang bongga dahil sa katawan niya. Hala nawa'y hindi niya napansin 'yon. Jusko magkakasala na naman ata ako neto! Sorry na po agad huhu! Hindi ba naiilang ang mga 'to na mag-topless topless kahit na may trans na silang kasama? You know what I mean? Pero duh, hindi naman ako 'yung stereotypical gay sa Pinas na kapag nakakita ng lalaki e maggo-gow agad. Atsaka as what I've said, don't generalize. I have my standards and hindi bulok 'yung standards ko. Hindi tulad ng iba riyan, academic achiever pero pinaiyak lang ng taong walang pake sa acads. Mwhehehe hindi naman ikaw 'yon 'di ba? Ehe! May naalala tuloy ako mga teh! Once kase, sinamahan ko si Yaya Mel mag-palengke. Like literal na wet market, hindi grocery sa mall, okay? Kasi ayon sa kanya, mas fresh daw 'yung veggies ro'n. Like girl, parang lalaban sa freshness ko? Char. So ayun, sumama naman ako out of curiosity and para suportahan ang ekonomiya ng bansa. Tapos habang naglalakad kami, biglang may eksena. May grupo ng mga lalaking parang tambay lang na walang direksyon sa buhay and they're shirtless, may hawak na Red Horse at ang ingay-ingay. Then out of nowhere, bigla silang nagsisigawan ng "Wampipti! Wampipti!" At first, akala ko joke lang. Like some random jeje sound trip or meme reference. But then, I noticed na nakatingin sila sa akin habang ginagawa 'yon. Laughing, pointing, as if I was some kind of... public attraction? So I was like, "Hold up, what's going on here?" Tinanong ko si Yaya, and girl, she was so hesitant. Like literal na hindi niya masabi saakin nang diretso. Pero syempre, you know me. Persistent af. Kaya I begged, pressured, and slightly emotionally manipulated her into spilling the tea. And OMFG, when she finally explained it to me... I swear gusto ko na lang mahulog sa sako ng cabbage out of rage. Apparently, "Wampipti" is a trashy, disgusting slang. It means they're offering me to give them or pay them or like give me a ₱150 for... a service. As in, insinuating na I'm that kind of girl? Excuse me?! One hundred fifty pesos lang?! Girl. Me??? The audacity, the delusion, the poverty mindset! Do I look like someone who settles for coins? Do I look like someone na kaya mong tapatan ng pamasahe sa tricycle? Honey, I wear Prada while grocery shopping. Alam mo 'yon? Like, I didn't go all the way to embracing my identity, spending on skincare, hormone maintenance, and serving looks daily para lang bastusin ng mga lalaking amoy pawis at ang tataas ng ego! Ang kapal ng fez! Tapos ang malala, mga bata pa sila. What kind of future do we even have kung mga ganyan ang mindset ng kabataan? Predatory at 16? Disgusting. Hindi na lang ako nag-respond that day. Kasi alam kong once I open my mouth, baka hindi ko na ma-control. I might say things na too savage for public consumption. Pero girl, one thing's for sure... never again akong babalik sa palengke na 'yon. Let them rot in their fishy little corner of the world. "What is that smell?" Agad na tanong ni Edward na siyang kinagising naman ng aking ulirat. "A-Ahm nag-try kase akong magluto. Kaso ang ending nasunog lang. And eto oh, may bonus pa." Saad ko sabay taas ng aking kamay. Kinuha niya ito at chineck and suddenly, I saw the worry in his eyes. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako or what. Nakita ko na kase kay Elliot 'yan. Eto na naman ako, oh! Juice ko Elliot nahawaan mo na ata talaga ako ng pagka-abnormal mo. Pero ang cute rin kaya kapag parehas kayong abnormal ng boyfriend mo, 'di ba? AAAAAAH! Stop, Avery! "Dapat tinawag mo na lang ako at ako na lang ang nagluto. Nasaktan ka pa tuloy." Saad nito ng may halong pag-aalala. This time, kinikilig na talaga ako mga beh. I mean, girl! Basahin mo ulit 'yung sinabi niya, ah! At saka sino ba naman ako para abalahin pa siya, 'di ba? "Wait, ipagluluto kita." Wala na! Baling-bali na ang inyong mimasaur sa sobrang karupukan neto! Mima si Edward na 'yan, oh! Hindi na ako nito inantay pang makasagot at umakyat ito kaagad. Pagkabalik niya ay nakadamit na siya at sinimulan ang pagluluto. Habang nagluluto siya ay napapatitig ako sa kaniyang mukha. Grabe, ang gwapo niya. Para siyang anghel na galing sa langit at bumaba sa lupa! Juice ko isama mo po ako pabalik sa heaven! Huey! Pero mga teh... mas gwapo pa rin talaga si Elliot, eh. Pero pogi rin naman si Edward. Actually, lahat naman ng mga kasama ko rito. Ano kaya skincare ng mga 'to? Matanong nga minsan. Ang pagkakaiba-iba lang siguro nila ay sa ugali. May hambog, mabait, tahimik, at isang pervy! And oh, Elliot! Nasa'n na kaya ang bakulaw na 'yon? Super bilis lang as in at natapos na kaagad sa pagluluto si Edward. Nakita ko ang pagiging mahusay niya sa pagluluto dahil bukod sa maganda tignan ang pagkaka-plating niya sa food ay mukha pang masarap. And that makes the food really appetizing! Omelette lang naman ang niluto niya pero tinodo niya to the next level. Parang ayaw ko tuloy guluhin kase ang ganda tignan sa mata. Ginandahan talaga! O 'di ba, the effort! And to tell you honestly, hindi lang ang pagkain ang mukhang masarap. Ikaw haaa! Anong nasa isip mo? Ehe! Agad naman akong umupo sa king chair at labag man sa loob kong sirain ay kumain na ako dahil sa nagugutom na rin naman na ako. "Sige, kain ka lang." sabi ni Edward sa 'kin habang nakangiti sa harapan ko. Naku naman beh, wala namang ganiyanan! "Hala, pero uy, thank you ha! Nagugutom na rin talaga ako, eh." Pagkasabi ko no'n ay sumubo ulit ako. Oo mga mhiema! Masarap siya legit! I'm not sugarcoating ha; I'm telling the truth! "'Di ba sabi ko sa 'yo hintayin mo 'ko?" Nagulat ako sa pagsulpot ni Elliot out of nowhere at sa seryoso at malamig na tono ng kaniyang pagkakasabi. May diin at inis. Pagkatingin ko kay Elliot ay may dala-dala itong dalawang box ng pizza at two cups ng ice cream! Mayroon ding isang maliit na cake, or cupcake ata? Hindi naman ako nakasagot. As in walang pumapasok sa isip kong mga salita para magpaliwanag. Shocks, kailangan ba? Pero, 'di ba?! Ano namang alam ko na bibili naman pala siya ng makakain? Literal na the effort din ang isang 'to! "Tsk! Oh!" Sabay lapag niya sa harapan ko ng kaniyang mga dala at agad na dumeretso sa taas. Jusmiyo nakonsensiya naman ako bigla. Siya rin kase, ih! Nubayan! "Sige maiwan na kita riyan ha, eat well." Pagpapaalam sa 'kin ni Edward na naririto pa pala't nasaksihan ang lahat ng pangyayari. Shocks, nakakahiya! "S-Sige, thank you ulit!" Pagpapasalamat kong muli kay Edward. Pagkaalis niya ay agad kong pinagbubuklat ang mga pinamili ni Elliot. I know naman na unhealthy ang mga 'to pero his effort! Atsaka minsan lang din naman ako makakain ng mga gan'to kase tiyak na pagagalitan ni mom si yaya 'pag mahuli man ako. At siyempre, mas grabe ang talak sa 'kin. Kasi girl, my mom is like super duper health conscious. As in health is wealth ang mindset niya, and not the cute kind ha, but the scary type na may checklist pa ng sugar intake and calories sa pantry. You won't even find a single can of Coke sa ref namin. Promise. Like, soft drinks? We don't know that. And don't even get me started sa junk foods. Bawal na bawal. Sa'min ng kapatid ko, parang kasalanan sa pamilya kapag may nakita siyang empty wrapper ng Piattos or Nova sa trash bin. "Who bought this?" agad ang opening line niya, tapos tuloy-tuloy na 'yung sermon na parang may kasamang TED Talk. Si Dad? Medyo chill siya. Parang okay lang sa kanya basta hindi kami lalagpas ng limit. Pero syempre, at the end of the day, si Mom pa rin ang nasusunod sa mga ganiyan. Queen of the household, eh. Kaya ayun, kapag may pa-cheat day like today? G na ako. I deserve this! So kung bawal man, edi sorry not sorry, Mom. Laban lang, minsan lang naman hehe. Nilagay ko na lang muna sa refrigerator 'yung isang ice cream at cake at tinuloy ang kinakain ko. Nakakahiya naman kay Edward kapag hindi ko uubusin, 'di ba? Mga 8 more minutes siguro ako natapos at medyo nagpababa pa ng kinain. Ngayon naman ay balak kong kainin ang isang ice cream at pizza sa kwarto. Kaya ko siya actually kahit na mag-isa lang ako. Jusq, ang siba ko pero hindi ako tumataba. Ano bang secret niyo, ha? Kase kung healthy relationship lang e wala na agad, olats na 'ko niyan. Like legit, nagka-existential crisis na 'ko about this before. Kase kahit I eat like a full-grown dinosaur, wala pa rin. No weight gain. So ayun, curious ang lola mo, kaya nag-research ako. And I even asked my doctor, like "Doc, bakit parang immune ako sa fats?" Ang sabi niya, it's my BMR raw or Basal Metabolic Rate. Sabi niya mataas daw metabolism ko kaya kahit nagpapak ako ng carbs and sugar, mabilis lang siyang nasusunog. Like wow, thanks genetics. Also, apparently may something daw sa thyroid ko na sobrang active. Don't worry, not in a medical-problematic way, ha? Pero 'yun nga, my body burns calories faster than usual. Parang laging may pa-Zumba sa loob ng katawan ko kahit naka-chill mode lang ako. Tapos, another theory ng lola mong si Avery? I think 'yung stress ko rin is a factor. Like, 'di ba kapag anxious ka or mentally overloaded, minsan hindi nag-a-absorb ng maayos 'yung katawan mo? Kaya ayun, may tendency na hindi siya mag-store ng fat. Or baka sinisigaw na ng katawan ko, "Sis, we have no space for fats, we're already emotionally full!" And don't even get me started sa estrogen pills ko. One time nga, naisip ko baka 'yun 'yung reason, kaya I Googled it but no, sabi ng mga legit sources like Mayo Clinic or WebMD, 'twas not related sa sudden weight gain or loss unless in extreme dosage. So, oo na, wala pa ring excuse. Magaan pa rin ang timbang pero mabigat ang kalooban, charot! And no, I don't do workouts, I do worries. And apparently, that's enough cardio to keep me snatched. Para hindi magmukhang selfish ay niyaya ko pa sila Edward, Tyron, at Tyler kaso inaantok na raw sila kaya and ending? Ako na lang mag-isa! Mas maganda rin kaya! Solo ko ang ice cream! Pagkapasok ko ay nakita ko agad siyang natutulog na. Tulog na nga ba ito? Ay jusq, eto na naman tayo sa mga pa-topless ng mga 'to. Kulang pa ba ang lamig na aircon? 'Pag kayo nilamig. Grabehan naman po ang view! Parang tatlong beses naman akong nabusog agad! Kimmy! Agad akong naglakad sa kabilang side ng kama at nilagay ko ang dalawang pizza at ice cream sa may mini table. Oo mga beh, may TV pa rito at saka mini sala. Cool, right? Kinuha ko yung remote at sinindi 'yung TV na pagkalaki-laki. Naghanap ako ng magandang palabas ngayon sa Netflix. Guess what? It's Wednesday! Habang nanunuod ako ay napabaling ang tingin ko sa kama ni Elliot. Nakaisip naman ako agad ng kalokohan. Gaga huhuliin ko lang naman siya kung talagang natutulog na ang bakulaw. 'Kaw ha! Nang makarating ako sa harap niya ay yumuko ako nang kaunti. Ngayon ko mas naa-appreciate ang mukha ng bakulaw na 'to. Grabe napaka-amo ng mukha niya! Yung mabangis na leon ay naging isang kuting. Napangiti ako dahil sa naiisip ko. Sobrang amo ng features niya up close. As in, from wild beast to domesticated kitten levels! 'Yung tipong kung dati ay gusto ko siyang sabunutan, ngayon parang gusto ko na lang siyang alagaan or i-display sa vanity ko. Napadako ang tingin ko sa labi niya. Girl, ang lips? Pinkish and soft-looking! Hindi halatang lalaki siya, ha. Lip tint check? Vaseline check? Or baka natural lang talaga? Like literal na 'kiss me now or forever hold your peace' ang vibes ng labi niya. Tapos ang upper lip niya ay may konting arch and ugh, I live for that kind of detail! At hindi lang 'yon. 'Yung ilong niya? Super matangos. Parang 'yung mga nakikita ko sa perfume ads sa magazines. 'Yung tipong kahit hindi ka makahinga, worth it pa rin maamoy siya. Pero pinaka-nakakainis? 'Yung kilay niya. Diyos ko, kilay pa lang pang-multiverse na! Makakapal pero groomed, ang ganda ng arch, parang may sariling character! Alam mo 'yung meme na kilay is life? Sa kaniya ko lang ata ma-aapply 'yon literally. Tinitigan ko nang mabuti ang kilay niya, as in close-up kung close-up. Parang may magnetic pull siya na gusto kong iabot 'yung kamay ko at i-brush gently gamit 'yung daliri ko. Ang arte ko, I know pero kung makita mo rin siya ngayon, maiintindihan mo ako, swear. May lahi nga siguro talaga 'tong bakulaw na 'to. Kaya kahit anong inis ko sa kaniya, hindi ko ma-deny na ang gwapo-gwapo niya up close. Nakakabastos sa kagandahan ko, charot. Kusa namang gumalaw ang mga kamay ko papunta sa kaniyang mukha. I was about to touch his eyebrows hanggang sa bigla na lang dumilat ang dalawa nitong mata. O_O Uh-oh! I'm dead! AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! "What are you doing?" Seryosong tanong agad nito habang hawak-hawak ang kamay ko. Shocks! What to do?! What to do?! "A-Ahh m-may dumi ka lang kase sa mukha kaya tatanggalin ko sana. O-Oo 'yun nga!" Pagpapalusot ko and it seems like hindi siya naniniwala. Shemay! Sa sobrang kaba ko ay nanginginig na tuloy 'yung tuhod ko. "Saang banda?" Seryoso pa rin siya. "Sa lips." Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o sa katangahan ko kung bakit iyon ang nasabi ko. Jusmiyo Marimar Avery! Nabigla naman ito. Jusko kahit ako'y hindi rin makapaniwala! Lupa, kainin mo ako! Ang pagkabigla ay napalitan ng isang ngising nakakaloko. Jusq, iba na 'to! Baka akala niya e nagte-take advantage ako sakaniya habang tulog siya! Hala, hindi naman 'di ba?! Andiyan kayo ha! Kayo ang saksi! Explain to him, now! Ina-appreciate ko lang ang gawa ng mga magulang mo huhu! Agad naman itong tumayo mula sa pagkakahiga at humarap sa akin, hawak pa rin niya ang kaliwa kong kamay. "Oww?" Mapanuyang tanong nito. "Talagaaa?" Dagdag niya pa. "Sige, tanggalin mo." Saad niya at ibinalik ang boses nito sa pagiging seryoso. Para matapos na ay kunwaring may tatanggalin na sana ako sa kaniyang mga labi hanggang sa... "Oops! Ayokong kamay ang gamitin mo." He interrupted. "It should be your lips." Dagdag pa niya na siyang nakapagpanganga sa akin dahil sa kaniyang sinabi. Mga mimasaur, ang seryoso pa rin kase like you know, 'yung kailangan at kailangan mong sundin?! Hindi ako agad nakagalaw and he's making his way para ilapit ang mukha nito sa mukha ko. Hep! Hep! Hep! "Neknek mo!" Sigaw ko sabay tulak sakaniya at hatak ng kamay ko. Ang lakas ng kurimaw at hindi man lang natumba. "Ikaw ha, nakahanap ka lang ng opportunity para asarin ako e, noh!" Dagdag ko. Bigla naman itong nag-transform from serious to grabeng humalakhak mode. "You know what, you're cute." Sabi pa nito habang ang lakas pa rin tumawa. Bumalik na lang ako sa pwesto ko at agad kumuha ng pizza. "Hmmp! Ewan ko sa 'yong abnoy ka." Sumunod naman ito saakin at kumuha na rin ng pagkain at sabay kaming nanood. Episode 1 pa lang 'to mga mhie pero ang ganda na! Slay ka riyan, Wednesday! Naging normal lang ang panonood namin habang kumakain. "Bakit hindi mo ako hinintay? Mas hinintay mo pa talaga na ipagluto ka ni Edward." Napalingon ako sa sinabi niya habang siya naman ay nakatingin lang sa TV. Pero yup, mahahalata mo rin 'yung disappointment sa mukha niya. Napairap ako. "Hala, excuse me? How would I even know na bibili ka pala ng food? Wala kang sinabi, so how is that my fault?" defensive ko, habang kinukutsara ang ice cream ko. "Tsaka it's Edward who offered food, and I was starving na rin. Gutom is gutom, okay?!" "So kapag ba nag-date tayo na hindi mo alam, isasama mo si Edward? Tsk!" Haaa? You mean, a surprise date?! Tama ako nang narinig, hindi ba? Ayownn! Nabitin siguro ang tulog ng bakulaw na 'to, 'no? "Date? Ikaw kung ano-ano na naman pinagsasasabi mo riyan. Siguro kinabag ka na kaka-topless mo." Saad ko't sumubo muli ng isang kutsarang puno ng ice cream. Tumawa siya nang malakas. And here's the realization keme again! Gano'n pala tumawa ang isang Elliot! Shocks ngayon ko lang napansin! "I'm serious." Simpleng saad nito ngunit mararamdam mo ang sinseredad. Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Amacana accla! Hindi ko na lang pinansin ang kaniyang sinabi hanggang sa natapos na naming dalawa hanggang sa episode 2. Wala nang gustong magsalita sa aming dalawa marahil ay dahil na rin sa antok kaya napagdesisyunan na naming matulog. Jusmiyo anong oras na rin pala. Nakapag-Netfix and chill pa. Naalala ko 'yung nangyari kaninang umaga kaya nilagyan ko na ng harang ang gitna naming dalawa para wala nang yakapang maganap! Mapagkamalan pa akong unan niyan, eh. I don't know either pero alam niya kaya 'yung nangyari? Hindi niya nga ata alam yun, eh. What do you think? Magkatalikod kami habang natutulog. Alam kong tulog na siya dahil naririnig ko na ang kaunti niyang paghilik. Ako naman eto, hindi na naman makatulog dahil sa iniisip ko kung paano nangyaring magkatabi na kami kaninang umaga. Isip lang ako nang isip ng mga theory ko hanggang sa tuluyan na rin akong lamunin ng dilim. "Good night, Pillow."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD