Chapter 6

2624 Words
Chaos Avery's Point of View Pagkamulat ko ng aking mga mata ay sinag agad ng araw na nanggagaling sa bintana ang bumungad saakin. Bumangon na agad ako sa kama nang bigla kong maalala 'yung panaginip ko. "Good night, Pillow." Ano na naman kaya iyon? It's kinda confusing! Kakaibang panaginip 'yon for me! Any idea? Anyways, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras kakaisip at nag-prepare na ako for my school. Because it's another new day for me to face and explore the Hendrix University! Aja! One week had passed and I can say na so far, I'm enjoying it here sa bago kong school. Hmm, update? Sa mga kasama ko, they're okay naman! Super chill lang and surprisingly, we all vibe! Actually, we're kinda close na rin. Halos laging sila ang nakakasama ko. Lammoyun, parang sila 'yung new circle of friends ko? And on that one week, I think I kinda observed their personality. Wait, let me tell you. It's just on my own observation huh! Edward seemed like a really attractive and charming guy. He was always smiling and seemed to have a way with words that could put anyone at ease. From what I observed, he was sweet to everyone and always had a kind word to say. And Tyron? He was a bit of a mystery to me at first. He was really quiet and seemed to keep to himself, but when I got to know him better, I realized he was actually quite talkative and had a lot of interesting things to say. He was a good listener too and seemed genuinely interested in what others had to say. Tyler on the other hand, was definitely a bit of a pervert, but he was also surprisingly kind. He made some inappropriate jokes at times, but he always seemed to know when to back off and be respectful. Despite his pervy tendencies, he was actually quite considerate and always willing to lend a helping hand. As for Elliot, he was a bit of a mystery. He could be really moody and standoffish at times, but other times he seemed perfectly friendly and approachable. It was hard to get a read on him, but I got the sense that he was a bit guarded and didn't let people in easily. Despite his gruff exterior, I had a feeling that there was more to him than met the eye. Ewan ba sakaniya, bipolar nga ata. 'Yun lang naman so far ang mga napansin ko. We'll see someday... And nga pala! Saka ko lang din nalaman na Tyron and Tyler were twins! Kaloka kaya pala magkamukha. Akala ko namamalikmata lang ako minsan. And yup, they are indeed different to each other. You know what I mean? Ang mas kinaloka ko pa ay magp-pinsan pala sila Tyron, Tyler, at Elliot. Oo mga madam! Kaya pala pare-parehong mga guwapo, it runs in the blood. While Edward's family naman ay malapit ding kaibigan ng mga magulang nila Tyron. Anyways, today is Monday! And here I am, kakatapos lang mag-prepare. "Good morning, people!" Simple na may ngiti kong pagbati kila Edward, Tyron, at Tyler. Ngumiti lang si Tyron. "Good morning, too!" Bati pabalik ni Edward. "Good morning to the most wonderful person in the world— Avery! My day doesn't truly begin until I hear your sweet voice and see your beautiful face. I hope you have an amazing day today, my love!" Mala-makatang pagbati naman ni Tyler. With matching tayo pa 'yan ha, tapos may mga hand gestures na pag-bow. Loko talaga. "Juice ko Tyler 'wag mo nga akong simulan." Kunwari panunungit ko rito sabay upo sa king chair sabay bungisngis. Yup! Sa one-week kong pags-stay rito ay rito na ako nasanay na umupo. 'Yung OG naman na may-ari ng pwesto na 'to ay nasa kabilang dulo ko. Kumbaga, magkatapat lang din naman kami. "Kain na." Pagkasabi no'n ni Tyron ay agad akong kumuha ng mga pagkain at naglagay sa aking plato. Siya siguro ang nagluto ngayon. Kase salitan 'tong mga ito sa pagluluto, e. At maniwala man kayo o hindi ay lahat sila magaling naman sa pagluluto. Pero ako? Ay, hindi niyo po ako maaasahan diyan. Taga-taste test, pwede! "Mamaya na 'yung sa mga club ah, anong sasalihan mo?" Tanong naman ni Tyler habang patuloy kaming apat sa aming mga kinakain. Si Elliot? Yieee, hinahanap mo ha! Ando'n pa sa taas. Baka nagpe-prepare na rin 'yon. And about sa mga club? I heard about that last week na ngayong week na pala agad ang start no'n. Ang galing nga eh, 'no? This is to provide students with opportunities to pursue their interest outside of the classroom, develop new skills, meet new people, and build a sense of community on campus. Feeling ko naman masayo 'yun! Ano nga ba ang sasalihan ko? Joklang! Actually, nakapag-decide na 'ko since last week and nakapag-prepare na rin ako para mamaya. What are weekends for, 'di ba? Edi practice! Hulaan niyo nga? It's dance club! Since magaling naman na ako kumanta. Ay yes po, opo mga mimasaur. Magaling ako kumanta kaya gusto ko namang i-enhance ang talent ko sa pagsayaw. Ayaw ko na lang ipilit ang sarili ko sa pagluluto at baka maging abo lang 'tong buong campus. "Sa dance club me." Simpleng sagot ko sakaniya. "Eh kayo ba, anong kukunin niyo?" Agad ko ring tanong sakanila. "Journalism. Gusto ko rin kasing ma-enhance pa 'yung pagkukuha ko ng mga photo at siyempre, my writings." sabi ni Edward. Oh, interesting! For sure sa photo journ siya. Nice! "Sports club. Basketball, to be specific." Sagot ni Tyler. "Sa dance club din ako, actually." Sagot naman ni Tyron. OMG! May makakasama na 'ko mga teh! Good to know! We stan talented and flexible Elites! Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sakaniya. Dahil nga sa parehas kami ay nakaramdam ako ng saya. Tumingin nga ako sakanya't sabay hingi ng favor. "Hala dance club ka rin? Pwede bang sabay na lang tayo mamaya? Please...?" Sabay pa-cute. Tignan na lang natin kung maka-hindi ka pa. Agad niyang iniwas ang mukha niya at sinuot yung salamin niya. Yup! Nakasalamin siya and it actually suits him. Pogi na nga, mukha pang matalino! Pero huyyy! Matalino nga naman talaga siya. "A-Ahm, sure! Sige, we can go together later." Saad niya na nakapag-palaki ng aking mga ngiti. Yown! After 4 minutes siguro ay nauna na rin si Tyron. Ako naman ay patapos na rin. "Kain na, Elliot." sabi ni Tyler habang nakatingin sa may bandang likuran ko. I think it's Elliot na nga. Dahil nga sa ako'y tapos na ay agad na rin akong tumayo at kinuha ang bag ko. "Tapos na ako! I'll go na, ha." Agad kong paalam at tinahak ang daan palabas. Balak ko talagang maglakad for exercise purposes ba. And yup, I'm in my uniform na and nyeah, bagay siya sa 'kin mga ate! And y'all know what? Medyo may slight difference talaga 'yung uniform ko compared sa suot ng mga dormmates ko. As in medyo lang naman ha, nothing super bongga or loud. Pero mapapansin mo pa rin 'yung pagka-iba. E 'di ba nga they're all guys, so I guess it makes sense na customized 'to for me, considering na I'm a trans girlie. Like, I honestly feel na baka pinush 'to ni daddy kase knowing him, pakana niya 'to. He probably wanted me to feel extra comfy and affirmed sa identity ko. Ugh, so sweet! Awww I love him so much, grabe! Pero ayun nga, halos hindi na masyadong visible 'yung silver keme sa design na alam niyo namang super bet ko from the start! Like, 'yun talaga 'yung nag-stand out for me when I first saw their uniforms. Pero keri lang because girl, the black ribbon na nilagay sa collar area? Super sleek! And the pleated skirt? Literal na bagay sa fit. Plus the subtle pinstripes na parang may pa-lines na design, simple lang siya tignan but it gives off this mahalin, minimalist aesthetic na parang straight outta Pinterest. Aesthetic is the word, sis! Honestly, habang tinitingnan ko sarili ko kanina sa mirror, parang feeling ko I walked out of some private boarding school in Paris, not some typical local university. Hahaha! Char, but you get me. Feeling ko talaga sobrang na-level up ako with this look because it's giving classy but still me. At habang naglalakad ang lola n'yong freshie ay may biglang unti-unting bumagal na sasakyan sa gilid ko. Like, gurl, you know that moment na parang slow-mo lahat? As in literal na bumilis 'yung heartbeat ko and napa-step forward ako agad-agad. Bilis-bilisan mo 'yan, Avery! Akala mo thriller scene sa pelikula. Kasi hello?! Sa dami ng napapabalitang abductions lately, especially in elite schools like this ay sino ba namang hindi ma-te-tense, 'di ba? I mean, ang dami kayang nai-issue na ang daming tumitiktik sa mga richie-rich students tapos boom, next day missing in action na? Jusq, hindi pa nga ako nagsa-start ng official lovelife journey, kukunin n'yo na agad ako? And girl, with this beauty and charm, hindi malabong ako talaga ang i-target. Huhu, ang morbid! I swear, I was two seconds away from running sa nearest guard post, tapos bigla na lang may narinig akong familiar na boses na parang angel from heaven. "Hey, Avery stop! Hop in!" Nang makilala ko ang boses ay natanggal bigla ang kaba ko. Shocks, si Edward lang pala. Napa-deep sigh ako like the dramatic queen that I am. Ghorl, napa-praning ka na naman! Jusko Avery, hindi lahat ng mabagal na sasakyan e kidnapper. Minsan, Edward lang pala na may pa-cute effect. Haaaay buhay. Overthinking is a full-time job, teh! Shala nag-alala lang pala ako sa wala. Pero 'di ba, mabuti nang mag-ingat noh! Baka mamaya eh if ever na ma-kidnap ako kung ano pa gawin sa 'kin at hindi na ako makabalik na buhay sa mga magulang ko. Kalowka naman 'tong mga 'to. Hindi rin kase ako maka-hindi eh kapag nago-offer sila ng rides. Agad na nga lang akong sumakay. "Tacca nagulat pa 'ko, ha. Akala ko mga kidnappers." Saad ko sakaniya pagkasakay ko. Natawa naman siya. "Kaya nga sinakay na kita, eh. Baka may mangyari pa sa 'yong masama sa daan." Sabi naman niya sabay paandar ulit ng sasakyan. Well, true naman 'di ba? Jusme kahit na marami ring mga naglalakad ay nakakatakot pa rin minsan. "Kung ako ba ang ki-kidnap sa 'yo, magpapakuha ka ba?" Pabiro nitong tanong saakin. Hala? Iba ata ang epekto ng luto ni Tyron, ah. Para naman hindi KJ ay sinakyan ko na lang siya. 'Yung joke niya, ha! "Juice ko, oo naman! Sa pogi mo ba namang 'yan." Sabay tawa ko. Hell, yeah ampogi naman kase talaga niya, 'di ba? At alam niyo ring crushiecakes ko 'yan siya. Jusme Edward ako na lang! Kimmy! Happy crush lang 'to, kayo naman! Napatingin ako sakaniya dahil napalitan ang kaniyang tawa ng isang matamis na ngiti. Then his facial reaction suddenly became serious. Tapos itinigil niya sandali ang sasakyan at nagsalita. "Pa'no kung ikaw at puso mo ang gusto ko? Papayag ka ba?" Simple ngunit dama ko ang bawat banat ng mga salitang iyon. Napaiwas naman ako ng tingin at biglang nakaramdam ng awkwardness. Shoo-ta mga mhie crush back na ba this?! "Biro lang." Sabi niya sabaw tawa ng malakas. Pagkasabi niya nun ay napatawa ako. TANGA. Sinasabi ko na nga ba, e. Pero sa true lang, hindi ako masyado nag-expect do'n. I knew it. Kaya this is a friendly reminder to stop giving meaning on everything. Liking your posts and stories is normal. Those random eye contacts were just that, random. Those signs you've wished for and manifested were all coincidental. And those gestures and small interactions were just out of courtesy. Stop reading into things too much. Because the world does not revolve around you. Repeat after me: DON'T ASSUME UNLESS OTHERWISE STATED. Ibahin na nga lang ang topic, kalerki! "Buti 'di ka nagalit no'ng nalaman niyo na may bago kayong ka-dorm? Lalo pa't I'm trans." Tanong ko na lang sakaniya habang siya ay nakatingin pa rin sa daan. "Of course, I wasn't mad, Avery. You're a great person, regardless of your s****l orientation. And honestly, it doesn't matter to me whether you're trans or straight. You're still the same person I've come to know and enjoy spending time with. Plus, I never thought of you as just a 'trans' person - you're so much more than that. You're kind, funny, and intelligent, and those are the things that really matter to me. So don't worry about what anyone else might think. You're accepted and valued just the way you are. And you're actually different. I don't know either, but you're just different." Dahil sa mga sinabi niya ay hindi ko mapigilang mapangiti. He's indeed my first friend in this new environment of mine. Grabe naman pala. Feeling ko mas magugustuhan ko pa rito. "Marami ngang nagsasabing iba raw ako. Ewan ko, dahil siguro sa pinalaki ako ng tama. Lalo pa't bantay sarado lagi sa mga bodyguards ni dad." Agad ding sagot ko nang nakangiti. "Ibang-iba ka. Buti nga e isang Avery ang naka-dorm mate namin." Jusme nao-overwhelm na ako dahil sa mga papuri ni ante. Oo na, oo na! Isa ba namang Avery Salazar? Beh, ako na 'to! "Halos nga lahat ng mga straight na guy kong classmates back then sabi nila na never daw silang magkakagusto sa isang trans. Pero look at them now." Pagyayabang ko. I feel comfortable naman while talking to him. Ngumiti ako at sabay kaming nagtawanan. Oo mga mhie! Iba ang alindog ko noh, kayo kong balikuin ang mas straight pa sa ruler. Kahit flag pole pa 'yan! Not to brag ha, pero that's real. "So, do you have any boyfriend?" Seryoso na netong tanong. Ay beh, gustuhin ko man ay hindi pa pwede. Sabi kase ni dad bawal pa raw. Huhu, imagine?! Like hello, that was way back pa nung junior high ako. Baka naman puwede na ngayon? I mean, legal age na 'ko, duh?! Hindi na ako bata. I can handle myself, and my emotions, and my man—chos! Besides, di ko naman hinahanap. Pero kung darating? Then baka it's time na. So, ang sagot ko? "Ako? Wala pa naman." "Kung gano'n, pwedeng manligaw?" Ngumiti siya ng bahagya. 'Wag ako bhie. I know naman na hindi mo ako magugustuhan. Kaya ikaw ha! Just because we like someone, it doesn't mean they should like us back or reciprocate our feelings. We can't force ourselves to people who don't want us. We can't force them to love us the way we love them. Because like you, they also have preference or you're just not their type or perhaps they like someone else and not you. Malakas ang instinct ng tao. Most of the time, hindi sila manhid. HINDI LANG TALAGA NILA TAYO GUSTO. "Sige ba!" Agad kong nasabi. Alam ko naman na nagbibiro na naman 'tong si Edward. I'll just go with the flow. Sabayan natin ang trip niya. Pagkarinig niya ng sagot ko ay biglang nag-iba ang expresion ng mukha nyia. Shocked. Dahil sa sinabi ko ay bigla siyang nanahimik. Hala, ano bang dapat kong sabihin? A defening silence prevailed on us hanggang sa makarating na kami sa school. Agad naman akong lumabas at mauuna na sana sa classroom. Baka kase mag-antayan lang din silang apat bago pumasok, eh. "Avery, wait!" Tawag saakin ni Edward at agad naman akong napalingon sakaniya. And to my surprise, niyakap niya ako. Wait wait wait! Hindi agad ma-process ng utak ko! At do'n ko rin natanaw sa malayo si Elliot. Alam kong siya 'yon! He's looking at us na mayroong hawak na cupcakes. Nasa box siya. Tinignan niya ako nang masama at bigla niyang tinapon ang mga dala niya. What is happening, people?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD