HAPLOS ni Kai ang pisngi ng kanyang Angel. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya nang mahalikan niya ito.
"I'll stay here… go and help them to save my sister… She was in cabin 3 with the other girls," hiling ni Bella.
Nagdadalawang-isip si Kai sa hiling nito dahil pansin niya na nanghihina pa si Bella.
"A-are you sure?" tanong niya.
"Hmmm."
Kinuha niya ang earphone na nakasabit sa unahang bahagi ng sasakyan kung ano ang gamit ni Cobra nang kausap nito si Mat-mat. Nagbabakasakali na baka nasa linya pa ang manyak na hacker.
"Mat?" tawag niya. Laking pasasalamat niya nang sumagot ito.
"Yes, Ryan Driller? Mukhang na-save mo na ang iyong Angel. Inggit ako sa sweetness niyong dalawa," komento nito.
Mukhang nadinig nito ang pinag-usapan nila ni Bella dahil naka-on pa ang koneksyon ng sasakyan sa computer nito.
"I almost thought na may aksyon din kayong gagawin sa Van e." dagdag pa nito.
'What a pervert hacker?!'
"Mabuti pa sabihin mo sa akin kung saan banda ‘yung cabin 3. Saka, nasaan ang armas dito sa van?"
"Wow! Mukhang mas matalino ka kay Cobra. Pahanap na rin ng main switch ng yate habang papunta ka sa cabin 3. Anyway, itulak mo lang gamit 'yung kanang kisame diyan sa itaas ng pintuan kung saan kayo pumasok ng Angel mo."
Tinanggal ni Kai ang headset, saka sinunod ang payo ni Mat-mat. May naka-ukit naman na salitang 'PUSH' kaya hindi siya nahirapan.
*klink*
Bumukas ang gilid na parte ng sasakyan, ang ibabang bahagi ng bintana matapos niyang itulak ang tinuro nito sa kanya at lumitaw ang ibat-ibang uri ng armas.
May M-16, katana, baril at kung ano pa. Nilagay niyang muli ang earphone sa tenga.
"May armas ka dito at hindi mo man lang sinabi sa'min?" tanong niya kay Mat-mat.
"Wala namang nag-request e, ikaw pa lang. O siya, pili ka lang ng isa ha. Kay uncle Rob iyan.”
"Sure, anyway, nasaan ang camera dito sa van?" habang tinatanong ito ay nakita niya ang bilog na bagay na parang mata ng stuffed toy, naka-gitna iyon sa aircon ng sasakyan at tutok na tutok kay Bella.
"Why?" tanong nito.
Inayos niya ang coat na nakatakip kay Bella.
"Dahil ayokong bosohan mo ang Angel ko. Akala mo ba ay hindi ko alam na may kopya ka ng mga larawan ni Prin nang mag-laro kami ng beach volleyball?"
Bago pa ito makatanggi ay kumuha na siya ng electrical tape na nakakalat sa ibabaw ng sasakyan at tinakpan ang sa palagay niya ay ang camera.
"Ano ba iyan, ang boring!" reklamo nito agad kaya alam niya na tama ang hinala niya.
Gustong magtaas ng kilay ni Kai sa manyak na si Mat-mat. "babalik na ko sa loob.”
"Ok. Ingat! Pasalubong ko ha."
"Gagu!"
Tumawa lang ito sa kabilang linya. Napapailing si Kai sa pinsan na ito ni Cally. Hindi lingid sa kanya na mas mayaman pa sa kanilang lahat ang lalaki. Kaya nitong kumita ng milyon sa isang oras lang.
Binalingan niya si Bella.
"See you later, My Angel," saka niya ito hinalikan sa noo.
SI ROB sa kabilang banda ay hinagisan ni Hitomi ng maliit na bomba.
"Ha ha ha!" tumawa ito ng nakakaloko pagkatapos.
"F*ck!" mabilis na gumalaw ang utak niya at tinungo niya ang pinakamalapit na pintuan bago muling sinara iyon. Eksakto naman na sumabog ang bomba.
Hindi naman ganoon kalakas ang pagsabog pero dumagundong pa rin sa labas ng pintuan. Nangigigil na siya sa gurang na babaeng ito.
Sinipa niya ang pintuan dahil nasira ang knob nito na bahagyang uminit at hinabol muli ang babae.
Pagdating sa dulo ay nakita niya na nakabantay ang isang Dark Guard sa pintuan. May mga pasahero na gustong lumabas pero mahigpit ito.
"Hindi dumaan dito si Hitomi?" Takang tanong niya dahil mukhang walang komosyon na naganap doon.
Nakakunot ang noo nito na sumagot. "Master, kanina pa ko nandito. Wala po akong nakitang Hitomi."
Nangigigil si Rob. Saan napunta ang gurang na iyon?
Isang Dark Guard na si GW35 ang narinig nila sa earpiece.
"Master, nakita ko si Hitomi lumabas sa secret door. sinusundan ko siya papuntang North ahhh!!!--" matapos iyon ay isang sabog ang nadinig nila.
Nag-aapoy na ang mata ni Rob at gusto niya nang ekisan ang pagmumukha ng babae.
"Palabasin mo ako!" hindi niya na hinintay pa ang sagot nito. Binuksan niya ang pintuan at tinungo ang lugar na sinabi ni GW35 na lugar.
Nakita na lang niya na nasa lapag na ang Dark Guard na si GW35 hawak ang isang isang maliit na pintuan na gawa sa bakal na galing sa eksaktong butas na nasa gilid. Nagkalukot-lukot na ang bakal nito na sa tingin ni Rob ay hinagisan ni Hitomi ng Bomba. Mabuti at nasalag ng dalaga. Gayunpaman, may kakaunting sunog pa rin ang balat nito gawa ng pagsabog.
Ilang saglit pa, umingay sa bandang likuran at nakita niya na sakay na si Hitomi ng isang isang speed boat.
"s**t!" mura niya. Tinakbo niya ang likuran kung saan normal na nakaparada ang mga jet ski para mas mabilis na mahabol ang babae. Patungo na siya doon nang makita niya si Prin at Cally na sakay ng jet ski at habol ang gurang na babae.
"Dark Guards, this is an order! Walang paaalisin sa lugar!" sabi niya sa ear piece.
KINULONG ni Cally si Mr Sy sa isa sa mga cage kung ano ang ginamit ng mga ito para ikulong ang mga babae. Pinabantay niya ang intsik sa isang Dark Guard kasama ng iba pang nawalan ng malay na kalaban.
Nagkita si Prin at Cally sa hallway at sumimangot agad ang asawa niya nang makita nito ang suot niyang kaunti na lang ay mahuhubo na lang iyon ng kusa. Hinubad nito ang buong kasuotan at lumitaw sa mata ni Prin ang itim na Dark Guard suit. Sinuot sa kanya ang itim na polo na hinubad nito..
"How come, I don't have a suit?" reklamo ni Prin. nabigla kasi siya na may suot itong Dark suit.
"Because you are Mia Khalifa and you should be wearing a red gown.”
"Who is that anyway?" usisa niya dito.
"A P0rn star."
Prin "...."
Nanlalaki ang mata ni Prin, kaya pala ganoon na lang ang tawa ng mga kasama niya nang buong tapang niyang sabihin sa gwardiya ang pangalan niya at saka kung gaano ka-grabe tumawa si Kai. Kapag nakita niya ang Mat-mat na ito sa personal ay isasampal niya talaga dito ang keyboard na gamit nito.
Habang binubutones ni Cally ang polo sa katawan niya ay nakarinig sila ng pagsabog. Nagkatinginan silang dalawa at saka tumakbo palabas ng pasilyo. Isang palapag mula sa kinatatayuan ay nakita nila si Hitomi na pasakay ng isang speed boat. Hindi na sila nag-aksaya pa ng panahon, pinaputukan ito ni Prin pero agad itong nakailag.
"This old biatch!" ngayon ay naiintindihan na rin niya kung bakit asar and Daddy niya sa babae. Sabay sila na tumalon ni Cally pababa para mahabol ito, saka tumakbo pagawi sa pwesto ng babae.
"Ha ha ha!" tawa lang ito ng tawa. Hanggang sa makita nila na umandar na ang gamit na speedboat palayo.
Nakakita sila ng jet ski sa tabi at hindi na nag-aksaya ng oras na magkasunod na sumakay doon at hinabol si Hitomi. Si Cally ang nagmamaneho habang nakasakay si Prin sa likuran.
Naging problema nila ang dilim ng paligid. At umaasa lang sa kakaunting liwanag na nagmumula sa half-moon. Binatuhan sila nito ng bomba. Para makaiwas, umikot ang sinasakyan nilang Jet ski sa ere. Kumapit ng mabuti si Prin sa leeg ni Cally para hindi mahulog.
Bumalik naman sa pwesto ang sinasakyan at patuloy na umandar para sundan si Hitomi. Hindi niya hahayaan na makatakas sa paningin niya ang walang hiyang babae. Nang makalapit dito ay hinagisan niya ng patalim ang babae. Nakaiwas ito pero hindi ang speedboat na gamit dahilan para mabutas iyon.
"Sh*t!" Nangigigil si Hitomi na naghagis muli ng bomba at umiwas muli sila ni Cally.
Pero hindi nito nakita ang pasalubong dito na isa pang jet ski na sakay si Rob. Tumalon si Rob mula sa sasakyang pandagat patungo sa speedboat kung nasaan si Hitomi.
"I am so waiting for this," nakangisi na sabi ni Rob. Hindi na niya hinintay pa ang sagot mula rito na binali ang leeg saka sinaksak sa dibdib ang babae.
Ilang saglit lang umingay na ang buong paligid mula sa limang helicopter na tulong mula sa Heneral. May mga ilaw o spotlight na nanggagaling mula sa mga ito at nakatutok sa kabuuan ng yate. Ilang saglit lang bumaba ang Heneral gamit ang lubid mula sa isang helicopter.
"General, Nakatakas si Hitomi pero nasa loob si Mr. Sy at ang nagtatago na si Major Jaime," pagbibigay-alam ng isang dark Guard.
Tumango ito. "I want to see that bastard! Let's go!" Utos nito sa iba pang kasama para inspeksyunin ang lugar at makuha ang mga ebidensya.
MATAPOS hubarin ang tuxedo, lumitaw ang itim na suit ni Kai bilang Dark Guard saka siya nagpaalam kay Bella.
May tatlong metro na ang nalalakad ni Kai palayo sa sasakyan bitbit ang mahabang katana when he felt something wasn't right. Huminto siya at nakiramdam. Nang maramdaman na may pasulong sa kanya na kung anong bagay ay umikot siya at hinampas ang katanang hawak para pigilin ang pwersa mula sa kung kanino..
*klink* tunog ng dalawang nagkiskis na metal. He pushed his sword against his enemy.
"Ha! What a small world, I see you again!" sabi niya sa lalaking naka-white suit na may pulang marka sa dibdib na nakita nila ni Prin nang hapon na dinukot si Bella.