CHAPTER 82 - His Angel

1706 Words
[Feibulous: WARNING! sobra sobra, sobrang marahas content.] NABIGLA si Kai na makita ang lalaking nakaputi. Ngayong mas malapit ang lalaki, mas kita niya sa malapitan ang kabuuan nito. Sa tingin ni Kai ay hindi nalalayo sa edad niya ang edad nito. Halos parehas lang din sila ng bulto ng katawan. Mestizo ang lalaki na may gray na mata, samantalang halata ang pagiging asyano ni Kai. Nginisian siya nito saka umabante para ihampas sa kanya ang hawak na espada sa tagiliran niya na sinalag ni Kai gamit din ang mahabang japanese sword. *klink* matapos isalag, inikot niya iyon para siya naman ang maka-hampas ng gamit na espada. "I like you!" sabi nito saka muling umabante para tirahin siya muli. "Sorry, but I don't like you! Haahhh!" umabante rin si Kai pasulong. Nagpalitan sila ng hampas gamit ang matalim at mahabang katana kaya madidinig ang pagkalansing ng dalawang armas. "Interesting!" nagsisimula nang mapagod ang lalaki. Natutuwa siya na patas ang laban sa pagitan nila nito. Sa loob ng maraming taon si Lorenz at Cally lang ang nakapag-pa-excited sa mga kalamnan niya bago ang taong ito. "I'm not interested!" Sinipa niya ito sa mukha saka hinampas muli ang katana. Hindi man nailagan ng lalaking nakaputi ang sipa niya, nailagan nito ang katana na hinampas niya mula sa itaas saka siya sinipa sa dibdib dahilan para mapaatras si Kai. Pinigil niya ang sapatos sa sahig para hindi siya mawala sa balanse. Sumakit ng bahagya ang dibdib niya. Aminado siya na magaling ang kalaban niya na ito. "I'm sorry, I am on a mission." nakangisi na sabi nito saka umabante muli para masugatan siya. "I know you are Gon's idiot follower,” sabi niya bago ito sinuntok sa mukha. umikot para makakuha ng tyansa na maipasok ang lalaki sa pagitan niya at ng espada. Buong pag-gigil na hinihila niya ang patalim para masugatan ito. Bago iyon, binigyan siya ng headbutt sa likod. Kaya siya napaatras. "He wishes to have Cally's position." Napangisi lang si Kai "In his Dreams!" Matapos muli ang palitan ng hampas ng espada, nahuli niya ang brown na buhok nito at isinampal ang mukha nito sa hood ng kalapit na sasakyan. Siniko siya nito sa dibdib pagkatapos kaya napaatras siya. Limang metro ang layo nila sa isa't isa at kapwa hinihingal. Ilang saglit lang, parehas na nag-aapoy ang mga mata nila at sabay na umabante. "Hahhhh!!!" galit na hiyaw nilang parehas at sabay lang na dumeretso na halos hindi makita kung ano ang kinilos nilang dalawa kung hindi titingnan sa malapitan. Nagpalitan sila ng pwesto at doon lamang lumitaw ang sugat sa kanilang dalawa. Nasugatan siya nito sa braso at ang lalaking nakaputi sa tagiliran. Halata ang guhit sa braso ng itim na suot ni Kai. Namumula iyon at kita ang guhit sa balat niya na nagsugat. Gan'on din ang lalaki. May hiwa din ang tagiliran nito at mas kita ang pagkalat ng dugo dahil nakaputi ito. Alam ni Kai na nasugatan niya ng mas malaki ang lalaki, hindi lang nito pinahahalata. "He he!" ngumisi ito sa kanya. Noon lang niya napansin na nasa likuran nito ang van kung saan naroon si Bella. Nagsimulang kabahan si Kai at hindi nga siya nagkamali dahil gamit ang espada, sinira nito ang pintuan. Mabilis na tinakbo ni Kai ang pwesto, ngunit huli na. Matapos mabuksan iyon, mabilis na hinila ng lalaki mula doon si Bella. "No!" sigaw niya. Halata sa mukha ni Kai ang pagkabahala. "Subukan mong lumapit!" banta nito kaya napatigil si Kai. Nakakuyom ang mga kamao niya at hindi alam ang gagawin. Napaluhod ang nobya niya na nanghihina sa lapag. Nanlalaki ang mata ni Kai at nanggagalaiti sa galit. Hindi niya kaya ang nakikita. Hawak nito ng mahigpit ang buhok ni Bella habang naka-diin sa leeg nito ang espada. Nanlalaki ang mata ni Kai at hindi niya nagugustuhan ang nangyayari. Nagsimulang bumalot ang lamig sa pagkatao niya.  Kaunting kaunti na lang, at babawian na ito ng buhay sa talim ng espada na hawak ng lalaki. "Leave her alone!!!" galit na angil niya dito. Halos madurog na ang ngipin niya sa sobrang galit. "Tsk tsk! too bad, Leader Kai! You fell in love sa mahinang babae." "Gag* ka! Huwag mo siyang sasaktan!" sigaw niya dito. Si Bella ay nakatingin lang sa kanya at wala man lang maramdaman na takot na lalong nakadagdag sa pagkabahala ni Kai. Pero may namuo pa ring luha mula sa mata nito. Ngumiti sa kanya si Bella na lalong nagpalungkot sa kalooban niya. Alam niyang nanghihina pa ang nobya niya kaya para itong manikang de-susi na nananatiling nakaluhod. Nangingitim pa rin ang magandang mata ni Bella. Inangat nito ang kamay at hindi niya kinaya ang mga sumunod na nangyari.   SHE looked at Kai's beautiful face. In her life, this guy brings out the best in her. He always makes her feel pretty. She sang on a stage beautifully, having thoughts of him. Bawat stoke ng kamay niya sa gitara at bawat kataga na inawit niya ay nilalaan niya sa lalaki. Sa palagay ba ni Kai ay hindi niya alam na lihim itong nanonood? During that audition day, ramdam niya ang presensya ni Kai sa paligid. Before she was drugged, sinabi sa kanya ng babaeng may mapulang lipstick, na boss ng lahat ng maid, na Mommy ng nobyo niya ang dahilan kung bakit siya napunta sa gano’ng sitwasyon. Masyado daw kasi niyang inakit ang anak nito. Strange but she doesn't feel any sourness in her heart kahit nang painumin siya ng droga nang labag sa kalooban niya. Her days together with Kai are beautiful. Sa unang pagkakataon, she fell in love with the right man. Her life with him was short but beautiful. How can she blame him or his mother for whatever bad things happened to her? Kahit sa magulang niya ay hindi niya naramdaman ang pag-alaga na binigay nito sa kanya. She felt like she was the lost princess who finally found her prince. Kinikilig siya kapag kasama ang binata. Kapag binibigyan siya ng bulaklak tuwing umaga. Tuwing bibigyan siya ng matamis na halik sa labi. Tuwing kukuhaan siya ng larawan ng simple at patago, tapos ipo-post nito sa social media. She felt proud knowing that she was his first love. Okay lang kahit hindi ang binata ang una niyang nobyo, she found her true love anyway. Her every moment with Kai was really beautiful. She likes it whenever he calls her his Angel. His Angel… She will always be his Angel. She smiled sweetly looking at him at lihim siyang nagpaalam. She reached out her hand as if he was near. "Mahal na mahal kita, Kai…" narinig niyang sabi nito. Kai looks at Bella's innocent eyes na nanatiling kumikinang dahil sa liwanag ng buwan kahit ilang agwat pa ang layo niya dito. Namumutla at magaspang ang labi dahil sa droga na pinainom kay Bella. She smiled at him na lalong nagpasikip ng damdamin niya. "Wow! Ang sweet! But you know what my mission tonight?" nakangisi na tanong nito. Tila isang halimaw sa mata niya ang pagkakangiti nito "To. kill. her!" sabi saka mabilis na ginilitan sa leeg si Bella gamit ang espada. "No!!!!!!!!!!" Nanlaki ang mata ni Kai at nanginig ang lahat ng kalamnan niya sa nasaksihan. Tila parang electrical current ang lamig sa katawan niya na mabilis na dumaloy mula paa paakyat sa ulo. Parang lumobo ang ulo niya sa nasaksihan. Nag-apoy ang mata na nilapitan niya ang lalaki. "Haaahhh!!!!" para siyang sinapian na mabilis na hinampas ito ng katana. Binalewala ni Kai ang sugat sa braso. Pasulong ang ginawa niyang pagtira. Sinasalag lang nito iyon hanggang sa ma-corner niya ito sa container truck. Nakatulong siguro sa panghihina nito ang sugat nito sa tagiliran. Nanlilisik ang mga mata at parang sumapi sa kanya ang masamang espirito na sinuntok niya ito ng ubod lakas. Ginulpit niya ito at binuhos ang lahat ng galit sa lalaki. "Hahhhhhh!!!!" gigil na hiyaw niya saka mabilis na naihampas ang matalim na katana sa leeg ng lalaki. Parang slo-motion na humiwalay ang ulo nito mula sa katawan. Tumilapon ang ulo ng nakaputing lalaki at unti-unting nalaglag ang naiwan na katawan sa lupa. Mabibigat ang paghinga at parang biglang nanghina ang pakiramdam ni Kai matapos iyon. Nabitawan niya ang madugong katana na hawak. Pinihit niya ang katawan at dahan-dahan na nilapitan si Bella. Nakagat niya ang ibabang labi dalawang hakbang ang layo sa babae saka siya yumukod para harapin ito. "Ahhhh!" hindi niya alam kung paano ito hahawakan. Nananatili ang ngiti sa labi ni Bella. Sa unang pagkakataon hindi napigilan ni Kai ang humagulgol at sobrang naninikip ang dibdib niya na makita ang babae sa ganong ayos. "Bella…" mahinang tawag niya sa babae. Napapikit at kagat ang labi na lumuluha si Kai. "Ahh…" nasuntok niya pa ang simento. Kung hinayaan niya ba na mauhaw si Bella at iuwi sa bahay, mananatili ba sa bisig niya ang dalaga? Kung hindi niya iniwan si Bella sa sasakyan kahit saglit lang, mananatili bang buhay ito nang nakangiti sa kanya? "ahhhh!" nangigigil na hiyaw niya dahil sa sama ng loob. Isang malakas na paghinga ang nilabas niya. Sinimulan niyang haplusin ang buhok nito. His Angel is gone. Labis-labis na kalungkutan ang nararamdaman niya sa oras na iyon. Para siyang batang iniwan ng magulang sa oras na iyon. Naninikip ang dibdib niya sa sama ng loob. 'Put*ng in*ng buhay naman ito!' napapamura na lang siya sa sarili. He looked at her peaceful and pretty face. Nangangatog ang labi na hindi niya alam ang gagawin sa unang pagkakataon. Mariing napapikit si Kai habang baha ng luha ang pisngi. Sobrang sakit sa dibdib. "Hah... Hah..." huminga siya ng malalim ng ilang beses dahil sa sobrang sikip ng dibdib parang hindi na siya makahinga. Sinong matutuwa na mamatay ang babaeng mahal mo sa harapan mo mismo? Hindi akalain ni Kai na iyon na ang huli. Niyakap niya ang duguan na katawan nito. Wala na siyang pakialam kung magmukha siyang tanga sa ganoong ayos. Nakipagbiruan pa siya kay Mat-mat bago niya ito iwan. Kung alam niya lang sana… Nasa ganoong ayos siya nang dumating si Prin. "Oh my god!" napasinghap ito nang makita ang katawan na pugot ang ulo pati ang paghagulgol ni Kai na nasa gilid ng sasakyan.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD