Prologue:
Nag disguise si Sebastian bilang isang delivery boy ng pizza. Kinailangan pa niyang mang harang ng pizza boy para lang makakuha ng uniform at motorsiklo na gagamitin.
Tinalian niya ang kawawang delivery rider sa basement ng hide out niya pero bago niya ito iwan ay pinangakuan niyang ibabalik ang kanyang motorsiklo na buo pati ang uniform at di siya mawawalan ng trabaho.
Mangiyak ngiyak sa takot ang rider kaso wala siyang magagawa nakatali siya at nakabusal ang bibig!
"Pasensiya na tol' kailangan kita busalan at itali baka kong anu pang gawin mo. Pero wag ka mag alala babalikan kita at sa pagbalik ko ibabalik ko din lahat ng gamit na hiniram ko. Kailangan ko lang gawin to para sa babaeng mahal ko!" paliwanag niya sa kaawa awang lalaki!!
Sakto lng sa kanya ang uniform at na gaya niya na rin ang id nito pinagawa niya sa kaibigan niyang pumepeke ng mga papeles at Id sa quiapo.
Sa loob delivery bag sa ilalim ng box ng pizza na dala niya ay andon ang kanyang dalang tali. gagamitin niya yon mamaya. Nilagay naman niya sa kanang binti niya ang kanyang loaded na 45 na baril, di na siya nagdala ng extrang bala dahil for emergency purpose lang naman iyon at di gyera ang pupuntahan niya. My hunting knife din siya sa kabilang binti niya.
Maluwag yung parang pajama n uniform ng delivery rider kaya di halata na my nakatali na baril at kutsilyo doon.
Nakahanda na ang lahat. Nagsuot siya ng facemask at shade bago nag helmet kaya di siya agad makikilala ng gwardiya sa exclusive subdivision na papasukin niya sa lugar ni Selena ang kanyang minamahal na nobya.
Strikto ang Subdivision na yon lalong lalo na ng binilin ni Senador Inriquez ang ama ni Selena na salaing mabuti kong sinung pumapasok at baka makalusot yung "Hampaslupang" nobyo daw ng kanyang anak, yon ang tawag niya ky Sebastian o Baste!!
Tinawagan kagabi ni Selena si Baste gamit ang cellphone ng yaya nito dahil kinumpiska ng kanyang ama lahat ng mga gadgets na myron siya na pweding magamit para magkaroon sila ng kumunikasyon ng " Badoy niyang Boyfriend".
Balak niyang iatakas ang babae mula sa mansyon na iyon lalo na ngayong magkaka baby na sila, hindi pweding ipakasal sa ibang lalaki ang nobya nito at iba ang kilalaning ama ng magiging anak niya.
Sinabi din ni Selena na magpapakamatay siya kong hindi siya nito kukunin!
Sa gate ng subdivision:
"Sir para saan po ang pizza na yan?" tanung ng guard.
"Order po ito sa Mansyon ng mga Inriquez"
Pwedi ba naming makita ang loob ng bag sabat ng isang gwardiya.
"Opo'' sambit niya sa pinaliit na boses, sabay bukas ng delivery bag at my tatlong box nga ng pizza na andon.
" Patingin nalang po ng Id sir"sabat ulit ng unang guard" at inilabas na man niya ang ID niyang peke!
Napatawa na man ang guard na tumingin sa kanyang Id. Sino ba naman di matatawa sa itsura niya ang kapal ng kilay at ang laki ng ilong doon sa id my malaking birthmark pa na kulay itim sa gilid ng mata papunta sa pisngi!
"Ikaw to?" tanong ng guard na pinipigilan ang tawa.
"Opo' bakit anong masama sa mukha ko?" tanong niya pabalik!
"Pwede patanggal ng helmet at facemask?" sabat ng isang gwardiya
At agad niyang tinanggal, napaghandaan naman niya iyon dahil pinaayos n niya ang mukha niya bago pa pumunta sa lugar.
" Napatawa nalang ang dalawang guard bago tinawagan ang bahay ni senador para siguraduhin kong mag nag order ng pizza at....."confirm"sabi ng guard na ikatlo. Kayat ibinalik na ang kanyang Id at binuksan gate para makapasok na siya.
Mag aalas sais na ng hapon kayat padilim na ang paligid. Pagdating niya sa mansyon ng mga Inriquez ay agad siyang nag doorbell at nakita niya ang isang katulong na medyo may katandaan na at alam niyang iyon ang yaya ni Selena ang kasabwat nila!
Binuksan ng matanda ang gate at kinuha ang bitbit na pizza ni Baste sabay abot ng isang libo na bayad daw pero sa loob ng papel ay may nakalagay na note galing kay Selena.
"Mahal ko,
hintayin mong dumilim at doon sa likod bahay wala masyadong ilaw doon mo ako hintayin.
Mahal kita.
Selena."
Kaya kinindatan niya ang matanda at tumango na man ito.
Sumakay na siya sa motorsiklo at umikot patungo sa likod ng subdivision.
6:30 at madilim na.
sumipol siya gamit ang dalawang daliri at nakita niya mula sa labas ng bakod na umilaw ang kwarto sa itaas na my veranda. At pagkalipas ng isang minuto pinatay. Hudyat na lalabas na si selena sa veranda kaya kinuha na niya ang tali at bumwelo.
Pinaikot ikot at inihagis sa my bakod at mabilis na umakyat!!
Ganong uras nila ginawa ang plano dahil hindi pa umiikot ang mga gwardiya sa buong bahay sa ganong uras at sinong mag aakalang my taong papasok o tatakas ng ganong uras! May malaking puno din ng kahoy katabi ng bakod kaya nakatulong para lalong dumilim at sinadya ng yaya ni selena na wag pailawan doon sa likod, di naman mapapansin agad ng mga gwardiya yon kaya't makakatakas pa si Selena bago maapilawan ang lugar.
Saktong nasa taas siya ng pader ng makita niya si Selena na lumabas sa likod bahay kasama ang yaya nito..
Naging look out ang yaya at siniguro munang walang tao bago tuluyang pinalabas ang yaya.
Ng makalapit na si Selena sa Pader ay siya namang labas ng gwardiya s likod kaya agad na kumubli si Selena sa malaking puno at hinarang naman ng yaya niya ang gwardiya.
"Ay bakulaw!" kuyari nagulat ang yaya pero ang gilid ng mata nakatingin kay Selena.
"Manang anung ginagawa mo dito at saka di pa yata napailawan dito?" takang tanong ng guard.
" Ayon na nga papailawan ko sana ng may nakita akong pusa papasok sa pinto hahabulin ko pa sana kaya lang nkatakbo papunta doon, (sabay turo sa unahan) habulin mo baka makapasok yun ng Mansyon malilintikan tayo kay Senador ayaw noon ng mga hayop sa bahay niya!"
Palusot ng matanda.
" Sege saan pumunta manang hahabulin ko at siguraduhin kong di makapasok!" nagmadaling sagot ng guard at tumakbo sa direksyon na itinuro ng matanda papunta sa kabilang dako na malayo s kanila.
Agad namang ibinaba ni Baste ang lubid para maabot ng nobya at agad niya itong hinila pataas.
Nag nasa taas na sila pareho ng gate at senenyasan niya ang matanda n manatili muna at doon naman nilipat niya sa kabila ang lubid at magkasunod na silang naglambitin ni Selena pababa.
Di na alam ng matanda ang susunod na naganap dahil di na niya makitanang dalawa kaya dali dali naman niyang pinailawan na ang lugar na yon saktong bumalik ang guard na humahangos!
"Manang wala namang pusa eh!" maktol nito na kumakamot sa ulo habang habol ang paghinga!
"Ewan ko baka nakatakas na"! Sagot ng matanda at masayang tumalikod na.