Chapter Five

1726 Words
"Kasama pa yung license ko na kakarenew ko lang this year. Nakakainis talaga." Sumbong ni Alex kay Andrea habang kumakain sila sa pantry, magkasabay ulit silang nagbreak. Kinwento nya kung pano nya naiwan ang wallet nya at kung sino ang dahilan. Kinwento na din nya ang tungkol sa Alien na dalawang beses na nyang nakita. "Nakakita ka lang kasi ng poging lalake nawindang ka na." Pangaasar ni Andrea sa kanya. "Nakita ko na sya sa Coffee Shop dyan sa baba ng building natin. That's the second time I saw him Andi." "Wow naman, so you're hopeful na may third time pa?" "Pag may third time pa, baka kunin ko na number nya, baka iadd ko pa sya sa sss at IG." "Ewan ko sayo babaita ka. Ubusin mo na yang noodles mo at matatapos na ang break natin." "Oo nga, bakit kasi ang bilis ng break natin pero yung oras sa ops sobrang bagal." Sabay higop sa sabaw ng noodles. Pabalik nadin sila sa Floor para magwork. Tinititigan ni Keith ang license card ni Alex habang nakaupo sya sa swivel chair sa library ng Mansion nila. His mind is preoccupied because of the lady and it turns out that she is maybe the person he is looking for. He yanked his phone. "I need you to pull some strings for me." He commanded. "What do you need?" He is talking to Luke. "I'll send you the details. I need all the information regarding a certain person, everything." "Fire away Bro. Consider it done." " Thanks Bro." He hang up. At hindi naman sya nadisappoint dahil after 30 minutes nagsend ng message sa kanya si Luke at sinabing icheck nya ang email nya. He browsed every details that was sent. Kinuha ang phone nya at dinial ang numerong kasama sa email. Nang marinig nyang nagring sa kabilang line binaba na din nya agad. Last break ni Alex at naisipan nyang maglaro ng Mobile Legends kesa umidlip sa Zen Room. Pagbukas ng phone nakita nya ang unknown na number na may 1 missed call. "Sino na naman kaya to? Imposibleng Home Credit to, madaling araw na." Dinedma nalang nya at inopen nya ang application para maglaro. Hindi pa sya nakaenter sa game ng biglang magring ang phone nya. "Holy crap! Sino naman to? Maglalaro ako eh." Unknown number padin. Minabuti nalang nyang sagutin ang tumatawag. "Hello?... Hello?.. He..llo?" Nakatatlong hello na sya pero hindi sumasagot ang nasa kabilang linya. Nainis na sya. "Hello? Kung nangpaprank ka lang, nagkamali ka ng tinawagan. Badtrip ka, istorbo ka eh!" Pasigaw nyang sagot. Hindi padin nagsalita kaya sa inis nya binaba na nya ang phone nya. "Istorbo sa buhay eh." Hindi pa sya naguumpisang maglaro nang magring na naman ang phone nya, it's the same unknown number. Inis nyang sinagot. "Hello kung sino ka mang nangiistorbo-" Agad naputol ang sasabihin nya ng magsalita ang tao sa kabilang linya. "I got your wallet you left in the Drugstore." Natigilan si Alex sa boses na nanggaling sa kabilang linya. Nakaramdam sya bigla ng goosebumps dahil sa tono ng boses, ang lamig, low and baritone. Feeling nya narinig na nya ang boses na yun, but she refused the idea. Bumalik ang huwisyo nya ng maalala ang wallet nya. "Wallet ko? Pano napunta sayo? At saka pano mu nalaman number ko?" Bulalas nyang bigla. Kasi naman pano nalaman ng taong to ang number nya wala naman syang calling card sa wallet. "Meet me at the Coffee Shop outside your building after your shift." Utos nito sa kanya. "Hahh? Anong coffee shop? Pano mu-" "I'll wait for you. Bye." Binabaan na sya ng kausap nya. Natutulala pa din sya sa sinabi ng kausap nya. "Anu un? Pano nya nalaman, Coffee Shop?" Hindi na nawala sa isip ni Alex and sinabi ng kausap nya kanina sa phone. "Ah basta, bahala na, ang mahalaga nasa kanya ang wallet ko. Pero pano nya nalaman yun number ko?" Tanong nya sa isip nya. *** "She sounded like she's looking for trouble." Nasabi ni Keith sa sarili after ng pag-uusap nila ni Alex. Lahat ng tungkol kay Alex ay nalaman nya pati ang trabaho nito sa Call Center, salamat sa tulong ni Luke. Madami kasi itong connections dahil nga naman Multi Billionaire son. Naexcite syang makaharap ang dalaga, balewala na sa kanya kung hindi na sya makatulog, hindi naman na sya dinalaw ng antok. "Magkape nalang ako mamaya." He flashed a grin with his idea. Kinakabahan si Alex habang papasok sa sinabing Coffee Shop ng lalakeng kausap nya na nakapulot ng wallet nya. Kaunti lang ang tao ngayon dun at inikot nya ang kanyang mata para hanapin kung sino ang imemeet nya dito. Nagulat sya ng biglang magring ang phone nya, ang unknown number. "Hello, andito na ko." "I know, I can see you." Nang marinig ni Alex ang mga katagang iyon, inikot nya ang kanyang mata, at tumigil ang kanyang mundo ng makita nya ang isang lalakeng nakataas ang kanang kamay hawak ang cellphone nito. "Come here." Narinig pa nyang nagsalita ulit ito sa phone. Unti-unti syang naglakad papunta sa lalaking iyon. Napaawang ang labi nya ng makaharap nya ang pamilyar na pigura nito. Kaya pala pamilyar ang boses nya, sa isip nya. "H-Hello." Mahina nyang sabi. "Have a seat." Utos nito sa kanya. Dahan-dahang hinila ni Alex ang upuan at umupo, magkatapat na sila ngayon ng lalake at face to face pa silang dalawa. Hindi na naman nya napigilan ang sarili na titigan ito. He is wearing a gray sweat shirt na nakalilis hanggang siko, ang Black wrist watch lang nito ang tanging accesory nito. He look so fresh, neat and dashingly handsome. My God! Napakastunner naman ng lalakeng ito. Napatingin sya sa paligid nya bigla, syempre naman malamang nakakaagaw ng attention ang pagmumukha ng lalakeng kaharap nya. Hindi din napigilan ni Keith na titigan ang babaeng kaharap nya. Pagpasok palang nito ng pinto ng Coffee Shop nakita na nya agad ito. She looked so beautiful, she is wearing a White printed shirt, Avengers heroes, Black skinny jeans and a high cut white Chuck Taylor. Meron din syang suot na relo na color Black. Napapangiti ang isipan nya sa porma ng babaeng ito. She managed to still look fresh kahit pa magdamag na itong nagtatrabaho. Kaagad syang tumikhim para bumalik ang attention sa kanya ng babae at hindi naman sya nabigo dahil tumingin ito sa kanya. "Care for a cup of coffee?" He asked. Natigilan naman si Alex, hindi nya alam kung tatanggihan nya ang alok ng lalake o tatanggapin. "Hindi na siguro, baka hindi ako makatulog mamaya eh." Sagot ni Alex. "Ok." Tipid na sagot ng lalake. "I'm Keith Kristoff Montereal. Inilahad nya ang kanyang kamay for a shake hand. "I'm Alexandrea Castillo. Alex for short." Sagot naman nya at saka inabot din ang kamay kay Keith. Natigilan pa sya ng may maramdaman syang kuryente sa pagitan ng kanilang mga kamay kaya kaagad nya itong binitawan. "You can call me Keith." Sabi nito saka may kinuha sa katabi nitong upuan, ang wallet nya. Inilapag ni Keith ang wallet nya sa table. "Ang wallet ko nga." "You can check your stuff inside. Tingnan mo kung may nawawala." He commanded. Binuksan naman ni Alex ang wallet nya at tiningnan isa isa. "Kumpleto naman, andito pa yung pera ko." Napangiti si Alex at hindi yun nakaligtas sa paningin ni Keith. "Nagmamadali ka ba kaya naiwan mo yang wallet mo?" Tanong ni Keith sa kanya. Napatingin si Alex kay Keith. Hindi naman nya masasabi na sya ang dahilan ng pagmamadali nya. "Ah eh, medyo nga, nawala sa isip ko yun wallet ko. Nakauwi na nga ko sa bahay namin saka ko napansin na wala pala tong wallet ko. Anyway, super thank you Keith, naibalik mo pa saken tong wallet ko." "I tried to follow you when I saw your wallet but you're nowhere to be found so I just took and kept it for a while." Napatingin si Alex sa seryosong mukha ni Keith. "Nakasakay na yata ako ng UV express nun." Natawa pang sagot ni Alex. "Buti nakauwi ka, I mean without your wallet. Do you have some spare money back then?" Mariin na tanong ni Keith. "Yup, may coin purse pa kasi ako, buti nalang dun ko nilagay yun sukli nun pinambili ko ng gamot, kundi wala sana ako pamasahe." Sagot nya. Habang tumatagal ang paguusap nila ni Keith, mas nakikita nya ang features nito. Ang perfect pointed nose nito samahan pa ng perfect jaw, napansin nyang makinis na to, wala na yung stubbles nito nung una nyang makita to, his deep brown eyes, mahaba din pala ang mga pilik mata nito, and his lips looks naturally red, manipis at parang napakissable. Ang kinis pa ng mukha. Naconcious tuloy sya bigla. "I have something to tell you, Alex." Seryosong sabi ni Keith na nagpabalik sa huwisyo ni Alex. "Hmmm. Ano yun?" Tanong nya dito. "I opened your wallet and I saw your PRC License, you're a registered nurse." "Yup pero hindi ko pinapractice. Pang valid ID ko lang yun." "Do you have any Hospital practice or any related experience?" "Yup, during my OJT pero 2 years lang yun. Nagprivate nurse din pala ako for 2 weeks. Ayun lang ang naging experience ko. Bakit mo natanong?" Tiningnan sya ng seryoso ni Keith. Napalunok tuloy sya bigla. "I'll offer you a job and it's related to your profession." Natigilan si Alex at seryosong tumingin kay Keith. "Huh? Bakit? Saka may trabaho ako. Saka ayaw ko magnurse!" "I'ts not actually the entire job description of being a nurse but close to that." "Wait lang, bakit mo ako inoofferan ng trabaho. May trabaho naman ako, ok naman na ko sa work ko. Madaming benefits." "I'll triple your salary. And you will have your benefits too, just name it." Napaawang ang labi ni Alex sa triple salary. Parang nagecho sa isipan nya yun. Triple salary??? "Bakit mo sakin inooffer yan? Saka hindi naman ako nurse." "I just know that you are perfect for the job." "Ano namang trabaho?" Seryoso nyang tanong kay Keith. "I need a Private Nurse that will take good care of my Lolo." Seryoso ding sagot ni Keith. At mariin syang tinitigan ni Keith. Hindi na nakapagsalita si Alex. Naguguluhan sya sa mga sinabi ni Keith at madami pa syang katanungan sa lalakeng ito lalong lalo na ang sinabi nito na Triple Salary!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD