"Give me a call when you have your decision." Nakatingin ng seryoso si Keith kay Alex." And it's ASAP by the way." Inisa isa pa nyang bigkasin ang letters ng ASAP.
Kumunot ang noo ni Alex sa sinabi nyang yun. Ilang minuto palang ang nakakaraan ng alukin sya nito ng trabaho. Nagpantig ang tainga nya ng marinig ang tripleng salary tapos lahat ng benefits pwede din nyang makuha. Naisip din nya na binabalak na nyang magresign sa trabaho. Poproblemahin nya ang paghahanap ng pagkakakitaan at mukhang may lumapit agad na opportunity sa kanya. Kaya lang nagaalangan sya baka ginogoyo lang sya ni Keith, hindi pa naman nya to lubusang kilala, baka mamaya kidnapper pala ito o kaya myembro ng isang sindikato baka ang pagtanggap pa sa alok nito ang maging katapusan ng buhay nya.
"Ang demanding mo naman, feeling mo naman papayag ako kaagad sa job offer mo."
"Im giving you an exemptional offer, just think about it. If youre thinking about the money I guarantee you, I'll triple your salary. We can make arrangements or anything you want."
"Wait lang Mr. Montereal, masyado ka naman nagmamadali. Hindi pa ako pumapayag sa offer mo at hindi din ako papayag, may trabaho ako at ang pinakamahalaga sa lahat ayoko." Mariing sabi ni Alex at nakipagtitigan kay Keith. Nakakaramdam na sya ng inis kay Keith." Saka mamaya kidnapper ka pala o kaya member ka ng isang sindikato, tapos ibebenta mo ako sa kung sino mang kliyente mo!. Dagdag pa nya, tinaasan pa nya ng kilay si Keith.
"Ang lawak naman ng imagination mo, mukha ba akong masamang tao? Bahagya pa itong tumawa.
"Malay ko, wala naman sa hitsura yun eh." Wala din yan sa kagwapuhan. Gusto sana nyang idagdag.
Kinuha ni Keith ang wallet nya at may inabot kay Alex. Isang business card.
"You can call my office might as well give me a visit. Hindi ako kidnapper at lalong hindi ako myembro ng sindikato." Napanguso nalang si Alex habang tinitingnan ang business card. Napatitig sa kanya si Keith. "Out mo na diba? Pauwi ka na ba? Tanong nito sa kanya.
"Oo nga pala." Tiningnan pa nya ang relo nya, hindi nya namalayan ang oras, mag 7:30 AM na pala. Tiningnan nya si Keith. "Thank you ulit sa pagsauli ng wallet ko, thank you din sa job offer mo. Thank you sa time mo." Tumayo na sya paalis.
"Ihahatid kita pauwi sa inyo." Seryosong sabi ni Keith na kinagulat nya.
"Hahh? Babalik pa ako ng office, kukunin ko pa gamit ko. Ok lang, hindi mo na kelangan gawin yun."
"Get your things and ill wait for you outside." He commanded at tumayo nadin ito. Itinuro pa nito ang daan sa kanya at pinapauna sya.
Pabalik na si Alex sa building ng tingnan nya si Keith.
"Keith, hindi mo na ko kelangan ihatid pa samen. Sobrang abala na ang ginawa mong paghatid nitong wallet ko." Seryoso nyang sabi kay Keith. Tiningnan sya ni Keith.
"I'll just get the car. Umakyat ka na, ill wait for you."
Magsasalita pa sana si Alex pero binigyan sya ng sign ni Keith na pinapaalis na sya, wala na syang nagawa kundi ang sumunod. Pagdating ni Alex sa loob ng office nila nagmamadali syang kinuha ang mga gamit nya, hindi nadin sya nakapagcr. Pagsakay nya ng elevator nakasabay pa nya ang kaibigan nyang si Clint, ibang LOB or line of business lang ito.
"Byersss. See you later." Paalam nya dito habang palabas ng building. Niyakap pa sya nito pero mabilis lang."
Sige, sige. Magingat ka!"Paalam ni Clint. Kinawayan pa nya nito. At pagkalabas nya ng building, nagulat pa sya ng makita si Keith, nakasandal ito sa isang Black Audi na sasakyan. Hinintay nga talaga sya nito. Pero napansin nyang seryoso ang tingin nito sa kanya, magkasalubong ang kilay at madilim ang mukha. Nilapitan na nya ito. Pinagbuksan sya ng pinto ng passenger seat, nagaalangan pa syang sumakay.
"Who's that?" Seryoso nitong tanong ng paandarin ang sasakyan.
"Huhh? Sino? Nagtataka nyang tanong.
"That guy who hugged you."
"Ahhh. Si Clint, friend ko yun. Kasabayan ko syang nakapasok sa office namin." Napatingin pa sya kay Keith and she saw his jaw clenched. Nagtaka naman sya. "Bakit mo natanong?"
"I just saw you together." Mariin ang pagkakasabi nito sa together.
"Ahh, ok." Hindi sinsadyang napanguso na naman si Alex, nakita yun ni Keith. Mahina syang nagmura pero narinig yun ni Alex. "Galit ka ba? Bigla kasing nagbago mood mo. Sabi ko naman sayo hindi mo ako kelangan ihatid." Naisip din kasi ni Alex na baka may trabaho din ito, may business card eh malamang may office sya.
"I'm ok." Tipid nitong sagot. Napatingin sa daan si Alex at napansin nyang nasa tamang daan sila papunta sa kanila, tiningnan nya si Keith.
"Hindi ko pa naman sinasabi kung san ako nakatira."
"I know where you live." Nakatutok padin sa daan ang mga mata ni Keith. Nagtataka syang tiningnan ni Alex.
Nang hinihintay na ni Keith si Alex sa labas ng office building nito, nakita nya itong may kasamang lalake. Nakita pa nya ng yakapin ng lalake si Alex at mukhang masaya pa ang dalawa. Nakaramdam sya bigla ng kakaibang damdamin. Damn, naginit ang kanyang ulo, pakiramdam nya kumukulo ang kanyang dugo at parang gusto nyang manapak ng tao sa nakitang eksena ng dalawa. Kaya hindi nya napigilan ang magsungit kay Alex ng puntahan na sya nito. Hindi na din sya kumibo kahit pa ng sinabi nito na matagal na nyang kaibigan ang lalakeng yumakap sa kanya.
Hanggang makarating na sila sa bahay nila Alex. Pumarada ito sa tapat mismo ng bahay nila, simple lang naman ang bahay nila, may maliit na terrace, dalawang palapag ito. Naparenovate naman na nila at pinagtulungan nilang magkapatid na magpagawa ng second floor para may sarili silang kwarto ni Daryl. Naabutan nilang nagdidilig ng mga halaman si Nanay Nancy at nakatingin sa pumaradang sasakyan.
Nagulat pa ito ng makitang bumaba si Alex.
"Oh Alex, kaninong sasakyan yan? Bakit ka nakasakay dyan? Ang gara naman ng sasakyan na yan! Bulalas nito. At napasinghap pa ito ng makitang bumaba ng sasakyan si Keith. "Kay gwapong nilalang!!.
"Nay!" Saway ni Alex kay Nanay Nancy. Pareho kasi sila ng gulat factor sa kagwapuhan ni Keith.
"Good Morning po." Masayang bati ni Keith kay Nanay Nancy.
"Good Morning din naman." Tiningnan nya si Alex na nagtatanong ang mga mata.
"Si Keith po nanay, sya po pala yung nakakuha nung wallet ko, binalik po nya kanina saken. Keith, Nanay Nancy ko." Pakilala ni Alex.
"Ah ganon ba, pagpasensyahan mo na itong anak namin Hijo, burara talaga to eh. Parang hindi babae sa gamit eh."
"Nay naman."
"Pumasok ka muna at magalmusal na kayo. Kumain na ba kayo?" Yaya nito sa kanila. Tiningnan naman ni Alex si Keith kung anu ang gagawin nito.
"Sige po Nay, pwede po bang magkape? Nagulat si Alex sa sagot ni Keith. Nay daw, feeling close naman kaagad tong lalakeng to. When Keith looked at her he flashed a grin. Naramdaman nya ang pagakyat ng dugo sa buong mukha nya. Ganon agad ang epekto ng ngiti nya. Pumasok na sila sa loob ng bahay at tamang tama na nagkakape din si Tatay Arnold. Napatingin din ito sa kasama nila.
Nagpaalam lang sandali si Alex para umakyat sa kwarto at magpalit damit. Sinuot nya ang paborito nyang pambahay, loose white shirt na may print ng mukha ni Captain America at saka hanggang tuhod na short, pinusod na din nya ang mahaba nyang buhok. Nag makuntento sa hitsura ay kaagad na syang bumaba para balikan ang bisita nila. Pababa na sya ng hagdan ng maabutan nya ang Tatay Arnold nya si Keith na nagkukwentuhan, at aba nagtatawanan pa habang nagkakape. Kaagad nagtama ang paningin nila ni Keith ng makita syang palapit at parang tiningnan pa sya nito mula ulo hanggang paa.
"Wow, mukhang close na agad kayo Tay ah."
"Oo naman, negosyante pala itong si Keith. Madami pala syang Hotel at Restaurant na pagmamayari." Napanganga si Alex ng marinig iyon, napatingin sya kay Keith. Ang cool lang nitong tignan habang nagkakape.
"Ibig sabihin yayamanin ang lalakeng ito." Naisip nya ang luxury car na gamit nito, afford na afford naman pala nito. Napansin nyang nakamedyas nalang si Keith, hinubad din pala nito ang suot na White Nike sneakers. Ilang minuto pa ang lumipas pa at nagpaalam na din si Keith, pupunta padin pala ito sa office nito.
"Bumisita ka lang dito Hijo pag may oras ka." Sabi ni Nanay Nancy kay Keith.
"Magingat ka sa daan, wag kaskasero, mamahalin ang piyesa ng sasakyan mo." Payo sa kanya ni Tatay. Napakamot ng ulo si Keith at natatawang sumagot.
"Opo Tay, marami pong salamat sa pakape nyo, Nay alis na din po ako."
Nasa labas na sila Keith at Alex ng bahay, at hindi na sya nagulat ng pinagpyepyestahan ng mga kapitbahay ang nakaparadang kotse ni Keith sa tapat ng bahay nila.
"Sorry, sobrang abala na to sayo." Sabi ni Alex kay Keith. Tiningnan sya nito as if he is scanning her whole body.
"I told your father about my job offer."
"Sinabi mo sa kanila? Gulat nyang tugon.
"He told me you are planning to resign with your company. Then file your resignation immediately and ill take care of everything." He commanded.
Ayan na naman sya sa paguutos nyang akala mo siguradong sigurado. Napaawang ang labi ni Alex sa narinig, pati pala yun napagusapan nila. Napahawak sya bigla sa batok nya. She heaved a deep sigh.
"Pwede ko bang pagisipan ng mabuti Keith. Mahirap kasing magdesisyon agad, trabaho ko nakasalalay dito. Madaming mawawala saken."
"I said ill take care of everything. Just file your resignation." He said those words with finality.
"Keith..." Mahina at pilit na boses ang lumabas sa lalamunan si Alex. Hindi pa din magsink in sa utak nya ang ibig nyang sabihin na He will take care of everything.