"Parang nun nakaraan lang kakapasa mo pa lang ng resignation letter mo, tapos last day mo na ngayon." Nalulungkot na pahayag ni Andrea kay Alex.
"Oo nga eh, ang bilis lang lumipas ng araw."
"Iiwan mo na ako sa mundong ito. Wala na akong kafood buddy."
"Si Dawn, yayain mo lagi yun, baka mangayayat yun kaka OT."
"Naku, mas pipiliin pa nung magtrabaho kesa kumain."
"Wahhhh! Mamimiss ko kayo!!! Huhuhuhu!" Iyak iyakan ni Alex.
"Bruha ka eh, mas pinili mo yung gwapo mong boss kesa samen." Reklamo ni Dawn sa kanya.
"Hindi naman sa ganon. Mas magbebenefit kasi ako sa offer ni Sir Keith."
"Sini-Sir mo na ngayon ah, nung nakaraan lang pinagpapantasyahan mo yun lalakeng yun!" Nagtawanan nalang silang dalawa ni Andrea.
Pinagisipang mabuti ni Alex ang job offer ni Keith sa kanya, pinayagan din naman sya ng mga magulang nya. Kung iisipin namang mabuti maganda yun offer nya kaya tinanggap na din naman nya. At agad na syang nagsubmit ng kanyang resignation letter sa TL James nya, hindi pa din sya pinapayagan pero wala nadin itong nagawa dahil buo na ang desisyon nya. Dinahilan nalang nya na magbabalik loob na sya sa kanyang Profession. Nagpaalam nadin sya ng maayos sa kanyang Boss Dustin, naintindihan naman sya agad nito pero nanghihinayang padin sa kanya dahil gusto nitong mapromote pa sya. At ngayon araw na nga ang last day nya sa BPO industry na bumuhay sa kanila ng 5 years.
"Mag Bar tayo mamayang gabi Alex, isama natin si Dawn." Naisipang suggestion ni Andrea, weekend na naman kasi kaya pwede na silang maghappy happy.
"Bar??Bakit naman bar?"
"Magenjoy naman tayo once in a while. Meron kasing Bar sa may BGC, patok na patok na yun at madaming celebrities na nagpupunta." Dun tayo magcelebrate ng freedom mo sa pagiging call center agent."
"Dapat bang icelebrate yun? Sasama naman kaya si Dawn?"
"Ako ng bahala sa kanya. Chat nalang tayo kung san meet up natin mamaya."
"Gora. Magpaalam ako sa bahay."
Late na nakapag-out si Alex dahil nakipagusap at nagpaalam pa sya sa kanyang mga kaibigan. Palabas na ng building si Alex nang may lumapit sa kanyang nakablack suit na lalake. Nagtaka naman sya dito.
"Mam Alexandrea, pinapasundo po kayo ni Sir Keith." Magalang na sabi nito sa kanya. Nagulat pa sya ng marinig ang pangalan ni Keith.
"Sir Keith? Bakit ako pinapasundo?" Nagtataka nyang tanong.
"Sumakay na po kayo."
Hindi sya nito sinagot, pinagbuksan pa sya nito ng pinto sa mag likuran ng kotse. Nakita nyang ibang sasakyan ito. BMW na black naman ito. Wala na syang nagawa kundi ang sumakay. Habang nasa byahe nagiisip si Alex kung bakit sya pinasundo ni Keith at kung kanina pa naghihintay sa kanya yung taong sumundo sa kanya.
"Sir, san po tayo pupunta? Kay Keith po ba?"
"Yes po Mam." Matipid nitong sagot. Napanguso nalang si Alex.
Nakarating sila sa BGC at tumambad sa harapan ni Alex ang isang matayog na Glass Building.
"Huwow! Meron palang gantong building dito. Ang gara naman." Nasabi nya sa sarili.
"Mam Alex, sumunod po kayo saken."
"Ah, ok po Sir."
Sumakay sila ng elevator at mukhang express ito dahil silang dalawa lang ang sumakay. Nakarating sila 17th floor. Nasa harap na sya ng pinto at nababasa na nya kung kaninong office ito.
"Keith Kristoff L. Montereal"
"CEO of Montereal Group of Companies"
"Bigatin talaga tong Alien na to."
Pinapasok na sya sa loob at namangha sya sa hitsura ng loob. Minimal lang ang loob ng opisina, kulay gray, white at black ang mga pintura, mas namangha din sya sa glass walls nito at kitang kita ang view mula sa labas. Isang tikhim ang nagpabalik sa huwisyo ni Alex. Nakita nya si Keith na nakaupo sa swivel chair nito.
"You're late." Sabi nito sa kanya.
"Hah? Bakit ako late?" Tanong ni Alex sa kanya.
"Your out is 6 AM right and it's almost 8:30 AM." He added.
"Last day ko sa office kaya nagstay pa ako. Nagpaalam din ako sa mga friends at officemates ko kaya late na ako nagout." Paliwanag nya. "Saka wala akong natatandaang ipapasundo mo ako."
"Yeah, I know. Pinasundo talaga kita para ihatid dito sa office ko. Let's talk about your new job. Have a seat." Pormal nitong sabi sa kanya.
Umupo si Alex sa upuan na nasa harapan ng office table ni Keith at hindi na naman nya napigilan ang sarili na titigan ito. Bagay din pala sa kanya ang corporate look, he look dashing and gorgeous. Maayos na nakasuklay ang buhok nito, he look so fresh and neat. He look so masculine and intimidating, he has this strong and proud aura that radiates from him. Makikita mo din ang authority the way he looks.
"Hayyy Alex, kelan ka ba magsasawa sa pagmumukha ng lalakeng ito. Mukhang hindi ako magsasawa." Saway nya sa sarili.
Binuksan ni Keith ang drawer nito at may kinuhang mga folder at inabot kay Alex.
"This will be our COA, read it thoroughly." Inabot sa kanya ang folder. "Nakalagay na dyan ang lahat ng napagusapan natin, kung may idadagdag ka sabihin mo lang." Utos nito sa kanya.
"Ok. Babasahin ko to talaga ng mabuti." Sagot nya kay Keith.
Tiningnan lang sya ni Keith ng magsimula syang magbasa. Napapanguso pa si Alex habang binabasa ang mga nakasulat sa mga papel. Napalunok nalang si Keith.
"Damn those lips Alex." Sa isip ni Keith habang nakatitig sa mga labi ni Alex.
"Hindi ako uwian???" Bulalas ni Alex pagkatapos mabasa ang terms and conditions. Wala syang naging problema sa mga Benefits at sa mga iba pang kondisyon, maliban nalang ng mabasa nya na stay in sya.
"Bakit uwian ba ang private nurse, hindi naman diba?" Balik na tanong sa kanya ni Keith.
"Hindi pwede to Keith, gusto ko maguwian!"
"You can go home during weekends and holidays."
"That's not my point. San ako magsstay?!"
"Malamang sa bahay ng aalagaan mo." Tiningnan nya ng masama si Keith. Tinitigan sya nito.
"Ok fine." Suko ni Alex. "Pwede bang cute na mga scrub suits ang uniform ko?" Nakangiti pa nyang tanong kay Keith.
"Hindi bata ang aalagaan mo, Senior Citizen."
"Ok fine. Hindi ako mananalo sayo Sir Keith. Kelan ako magsisimula?"
"Bukas." Seryoso nitong sagot.
"Bukas agad???" Magdaday off pa ako bukas. Magpapahinga muna ako noh. Sa Monday na lang pwede?"
"Ok. Monday then." Nakahinga ng maluwag si Alex.
"Sa wakas pumayag ka din."
"Have you eaten, breakfast I mean?" Tanong nito sa kanya.
"Oo tapos na sa office. May send off party ako kanina eh, daming foods." Nakangiting sagot ni Alex sa kanya.
"Ok, papahatid nalang kita sa inyo kay Frank. Sya un sumundo kanina sayo."
"Ok. Hindi ko din kasi alam ang way pauwi galing dito."
Tiningnan lang sya ni Keith. Iniwas nalang nya ang tingin nya kasi feeling nya matutunaw sya sa klase ng tingin ni Keith.
Napagkasunduan nila Andrea at Dawn na magmeet na mismo sa venue ng bar at sumunod nalang si Alex. Pagpasok nila sa loob ng Bar namangha sila sa structure at hitsura nito.
"Kaya pala sikat to eh, ang ganda ng loob." Sigaw ni Andrea.
"Let's Party!!!" Sigaw ni Dawn.
"Kaya pala maharlika dito eh. Maganda pala." Tiningnan ni Alex ang paligid at naagaw ang attention nya ng center stage. "Andi, mukhang may banda mamaya." Tinuro nya ang center stage.
"Oo meron, may magpeperform mamaya, yung limang nagagwapuhang may-ari nitong Bar. The Legends tawag sa banda nila."
"Alam na alam mo ah. Madalas ka cguro dito pumaparty."
"Sikat sila dito eh. Malalaman nyo mamaya kung bakit. Let's enjoy this night ladies! Napatango at napangiti nalang sila Dawn at Alex.