Namumugto ang mga mata ni Alex kakaiyak kaya wala syang nagawa kundi ang ipagtapat sa mga kaibigan ang nangyari. Nagulat ang mga ito ng malaman na sinundan pala sya ni Keith sa resort at nakaron pa silang dalawa ng confrontation which leads to her broken heart.
"Gaga ka, bakit hindi mo inamin sa kanya na mahal mo din sya, Alex." Pahayag ni Andi. "Tapos ngayon iyak iyak ka dyan. Nasan na si Keith, umalis na, bumalik na yun ng Manila na broken hearted. In denial ka pa kasi eh inlove kadin naman sa gwapong yun."
"Ano ba kasing iniisip mo? Mahal mo din naman sya diba?” Tanong ni Dawn. Napabuntong hininga si Alex.
"Hindi ko naman sinasadya na mahalin din sya, wala yun sa contract na pinirmahan ko sa kanya, pero heto ako ngayon, nainlove sa boss ko. Masaya ako nung una syang nagtapat sakin, masaya din ako nung nalaman kong seloso pala sya. Masaya ako kapag kasama ko sya at pinaparamdam nya ang pagiging possessive nya. Ngayon ko lang ito naramdaman." Paliwanag nya. Niyakap sya ni Andi.
"Ano naman ang paki ng kontrata nyo, kung malakas talaga ang attraction nyo sa isat isa eh wala kayong magagawa dun. Ano pa bang dapat mong gawin? Pagbalik natin sa Manila, kausapin mo agad si Keith." Tumango naman si Alex.
"Group hug sistersss." Maluha luhang sabi ni Greg.
Gabi na sila nakauwi ng Manila at feeling pagod na pagod si Alex. Nakatulog agad sya pagkahiga palang nya sa kama nya. Pagbalik nya bukas sa mansion kakausapin nya agad si Keith para ipagtapat din dito ang kanyang nararamdaman. Kinabukasan ay sinundo na sya ni Frank, hindi naman nya inexpect na si Keith ang susundo sa kanya. Pagdating din nya kahapon tinanong sya ni Tay Arnold kung nagkita sila ni Keith.
Pagdating nya sa mansion, sinalubong agad sya ni Kyle at dumiretso muna sya sa kwarto para magbihis ng scrub suit nya. Pagkababa nya pinapunta muna sya ni Lolo Joacquin sa dining area para kumain.
"Hey Alex, did you cry?" Nakatitig na tanong ni Kyle. Napahawak tuloy sya sa eyebags nya. Nahiya tuloy sya kay Lolo Joacquin.
"Naku wala ito. Nasobrahan lang ako sa tulog." Paliwanag nya. Tinawanan lang sya ni Kyle at mukhang hindi kumbinsido sa sagot nya. Tiningnan sya ni Kyle ng makahulugan.
"Hindi pala umuwi dito si kuya Lo. Baka nasa condo na naman un." Sabay tingin sa kanya ni Kyle. Hindi naman sya nagsalita.
"Malapit lang naman sa bar nila yun baka dun na sya dumiretso." Pahayag naman ni Lolo Joacquin. "Mukhang kelangan mo ng pahinga Alex, you look tired. Just take a rest, don't mind me Hija."
"Ok lang po ako Lo. Keri ko naman po." Nahihiya naman sya dahil magaan na nga ang trabaho nya, mababait pa sa kanya ang kanyang mga boss. Naisip nya pano nalang kung malaman nila ang namamagitan sa kanila ni Keith, matatanggap kaya sya bilang parte ng kanilang pamilya. She refused the idea, ang magiging Montereal sya.
Hindi din nakakareceived ng kahit anong message at tawag si Alex mula kay Keith. Ilang araw na din itong hindi nagpapakita at umuuwi sa mansion. Nagaalala sya dito at naalala nya ang huli nilang pagkikita. Baka nasaktan to masyado sa mga sinabi nya na pinagsisihan nya din. Hinanap ni Alex si Frank. Alam nya kasi may number ito ni Zach at nakuha naman nya. Dalawang ring palang sinagot na ni Zach.
"Hello?"
"Hello Zach. Si Alex to. Pasensya na sa istorbo. Itatanong ko lang sana kung kasama mo si Keith?” Lakas loob nyang tanong.
"Hey Alex! Hindi pa dumadating dito sa bar si Keith pero sabi ng mga staff namin dito, gabi gabi nandito yun." Sagot ni Zach sa kanya.
"Gabi gabi? Hindi kasi sya umuuwi sa Mansion."
"Baka sa condo nya un umuuwi. Mukha kasing may pinagdadaanan eh.” Tumawa din sya. “Pero kagabi daw ay may kasamang babae si Keith." Dagdag pa nito. Natigilan naman sya sa sinabi nito.
"Hah? Babae?”
" Yeah. I don’t know the details yet and the woman he's with. I’ll let you know once he's here."
"Thank you Zach." Nanlumo si Alex sa narinig na may kasamang babae si Keith. Naiiyak syang isipin na may ibang kasama si Keith. Baka kung ano na ang mga ginagawa nila.
"Why did you tell her na may kasamang babae si Keith?” Tanong ni Chivas kay Zach. Nginisian lang sya nito." Pero maganda si Trixie, baka sa penthouse yun dalawang yun hindi sa condo."
"I just told her the truth. Mamaya nandito na yun." Nagapir pa ang dalawa.
"Parang maganda nga ang eksena pag nakita ni Alex na may ibang babae si Keith. Magseselos yun."
"Kahit hindi naman sabihin ni Keith, alam kong nag-away yung dalawa sa resort. Halos gabi gabi din kung maglasing si Keith."
"The man is broken. Tsk.tsk.tsk."
And for the nth time, tinatawagan ni Alex si Keith pero hindi ito sumasagot, pati messages nya ang walang reply. Ilang araw na nya itong hindi nakikita at namimiss na nya ito ng sobra. Pagkatapos ng hapunan at nasa kwarto na si Lolo Joacquin. Dali dali syang nagbihis at lumabas ng mansion, hindi na sya nagabala na magpahatid kay Frank. Palabas palang sya ng pinto.
"Hep! Hep! Where are you going?” Harang sa kanya ni Kyle.
"Sa bar ng kuya mo. Baka nandun sya, kelangan ko syang makausap."
"I know. Let’s go, ihahatid kita. Gabing gabi na, wala kang masasakyan dyan sa labas." May point naman ito kahit siguro taxi wala na syang makikita sa daan.
"Thank you Kyle." Tinanguhan sya nito at pumunta na sila sa nakapart nitong sasakyan.
Nakarating na sila Kyle at Alex sa bar, as usual madaming tao kahit hindi pa naman weekend. Diretso na sila sa loob dahil kilala naman si Kyle ng mga guards pati mga bouncer. Nakita nila si Chivas at Zach sa may counter at umiinom.
"Hey Kyle! You look like a model ah." Hirit ni Chivas. Nagfist bump pa ang dalawa.
"Nice to see you Chi." Inakbayan naman sya ni Zach." Kuya Zach."
"Magpapainom ka ba ulit?” Tanong ni Zach kay Kyle.
"Were looking for my brother. Is he here and drinking to hell?” Diretsong tanong nya. Tiningnan ni Zach si Alex.
"Wala pa sya eh. Were trying to contact him but he doesn’t answer our calls."
"Nakowww. Baka nakabaon." Kumento ni Chivas. Sinikmuraan naman sya ni Kyle. "Awwwww. Joke lang Alex. Peace tayo." Nagpeace sign pa sa kanya si Chivas. Hindi nakapagsalita si Alex sa sinabi ni Chivas.
"Papunta na din siguro yun, hintayin nalang natin." Suggestion ni Zach. Pumunta na muna sila sa VIP Room.
Isang oras pa ang lumipas at wala pang Keith na dumadating. Ilang beses din tinatawagan ni Zach at Chivas pati nadin si Kyle si Keith pero hindi ito sumasagot sa kanila. Napapasulyap silang lahat kay Alex na tahimik lang na nakaupo sa may sofa ng bigla itong tumayo.
"Punta lang akong comfort room." Paalam nya sa mga kasama nya. Tinanguhan sya ng mga ito.
Pagkaalis ni Alex sakto naman dating ni Keith. Wala naman itong kasamang babae. Napatingin ito kay Kyle. Kinunutan sya nito ng noo.
"San ka galing kuya? You’re not answering our calls." Seryoso nito pahayag kay Keith.
"What are you doing here?” Pabalik na tanong nito sa kanya.
"Nandito si Mr. Model para magparty bro, ano pa nga ba?” Sagot ni Chivas. Sumayaw sayaw pa ito.
"Fucker." Sagot naman sa kanya ni Kyle.
"Late ka yata ngayon." Seryosong pahayag ni Zach. Tiningnan nya si Keith ng makahulugan. Uminom si Keith ng beer na nasa table nila. "Kasama ni Kyle si Alex dito. She is looking for you." Napatingin si Keith sa kanya. Nakakunot ang mga noo.
Kakalabas lang ni Alex galing sa comfort room, lumapit sya sa may bartender at humingi ng isang shot. Binigyan naman sya nito at kinindatan pa, nakilala kasi sya. Umupo muna sya sa counter at inimom ang alak. Nang may tumabi sa kanya. Napatingin sya dito.
"Hi Alex, long time no see. It's Russel, remember?” Nakangiting bati sa kanya ng gwapong binata.
"Hi, Russel, nandito kadin pala." Sagot naman nya dito. Nginitian sya nito at inorderan pa sya ng isa pang drinks.
"Kasama mo ba mga kaibigan mo ngayon?"
"Oo nandun sila sa VIP room, nagpunta lang ako sa comfort room tapos naisip ko lang humingi ng drinks. Madalas ka ba dito sa Bar na to?"
"Hindi naman ganon kadalas, kasama ko din mga kaibigan ko. Nandun sila sa dancefloor." Sabay inom sa drinks nya. "Boyfriend mo ba yung isa sa mayari nitong Bar, si Keith?” Natigilan si Alex. Tiningnan nya si Russel. Nginisian sya nito. At napatingin naman ito sa gilid nya. "Speaking of the devil, there he is."
Napatingin naman si Alex sa bandang tinitingnan ni Russel, at nakita nya ang papalapit na si Keith na nagtatagis ang mga bagang at matalim ang titig. Napatitig lang sya kay Keith at agad agad hinila sya sa braso.
"Keith..." Tiningnan nya ang pagkakahawak nito sa braso nya, sobrang higpit kasi. Napatingin sya kay Russel at nagbigay ng apologetic smile.
"And you’re drinking again with some random guy." His voice sounded like a thunder, galit na galit." Nagcr ka lang tapos makikita ko may kasama ka ng ibang lalake?" Hila hila sya nito hanggang makarating sila sa labas ng bar.
"Aray! Nasasaktan ako Keith." Nagpumiglas sya para maalis ang pagkakahawak ni Keith sa kanya.
"Are you flirting with that guy?" Mariin na tanong nito. Tiningnan nya ng masama si Keith.
"Kanina pa kita hinihintay. Hindi mo din sinasagot ang mga tawag ko not even my messages. Tapos ganyan ka kung makareact, nakita mo lang ako na may kausap na lalake." Natahimik naman ito. "Bakit ikaw may kasama ka din namang babae diba? Nasan na yun? Kasama mo din ngayon?” Bahagya itong natigilan at tiningnan sya.
"Who told you that? Did they tell you that I’m... f**k!" Napameywang pa ito.
"So totoo nga, nagaalala pa ako sayo, ilang araw kitang hindi nakita. Nambabae ka lang pala." Naging garalgal na ang boses ni Alex at gusto ng kumawala ng mga luha nya. Tinalikuran na nya si Keith at babalik na sya sa loob ng Bar.
"Alex, wait. I can explain!" Hinabol sya ni Keith at hinawakan sa braso, nagpumiglas sya.
"Let me go! Dun ka na sa babae mo at magsama kayong dalawa! The hell I care!” Hinawakan sya ng mahigpit ni Keith at hinila hanggang makarating sa sasakyan nito.
"Get in." Utos nito sa kanya.
"Hindi ako sasama sayo! Bitawan mo nga ako! Babaero ka!”
"Get in the car now!” May himig na ng galit ang boses nito, natigilan naman si Alex at napilitan sumakay na sa passenger seat. Pagkasakay ni Keith dali dali itong nagdrive paalis ng bar.