Napangiwi si Alex ng ipakita sa kanya ni Andi ang mga swimsuits na dala nito. Kung hindi masyadong revealing ang titingkad pa ng mga kulay.
"Eto na lang color black. Hindi masyadong kita ang kaluluwa ko dito." Kinuha nya ang color black na 2 piece, di tali ang magkabilang side ng panty nito at pahalter naman ang top.
"Ewww. Anu yan?” Umarte pang nandidiri sa mga bikinis na nakikita nya.
"Ikaw Greg, magsiswimming trunks ka ba?”Asar sa kanya ni Dawn.
"Of course, imomodel ko ang fit kong katawan noh, baka may makita pa akong papa sa beach." Kinikilig pa ito habang kunwari ay nagiimagine. Nagtawanan na lang silang apat.
Habang nasa byahe si Keith, kapit na kapit ang katabi nyang si Chivas na nasa passenger seat pati si Zach na nasa likod, halos paliparin kasi ni Keith ang sasakyan nito sa pagdadrive. Nang tawagan nya ang mga ito para ipaalam na pupunta sya sa Camp Netanya nagpumilit na sumama ang mga kaibigan nya, maliban nalang kay Luke at Matthew na parehong out of the country. Inggit na inggit ang mga ito sa kanila.
"Tang ina naman Keith, walang pakpak itong Audi mo! Hindi pa tayo nakakarating ng Batangas ubos na ang gulong mo!” Reklamo ni Chivas na kapit na kapit sa kinauupuan. Tumawa si Zach mula sa likod.
"Relax bro. Chill ka lang, makakarating din tayo sa kinaroroonan ni Alex mo!" Pangaasar pa ni Zach na napapahiga na sa backseat.
"Sinabi ko bang sumama kayo? Kung puro kayo reklamo sisipain ko kayo palabas ng sasakyan ko." Walang kangiti ngiting sagot ni Keith.
Hindi na sumagot yun dalawa. Umakto pa si Chivas na zinizipper ang kanyang bibig. Napangisi nalang si Zach.
Kasama na ni Alex ang dati nyang kateam, tuwang tuwa ang mga ito dahil nakasama sya. Tulong tulong din silang gumawa ng boodle fight na pagsasaluhan nila ng lunch. Gusto din nilang magbanana boat, meron din ibang activities like kayaking, wake boarding, fish feeding at pati Island hopping sa Sombrero Island. Napagpasyahan nilang magswimming sa may infinity pool kapag gabi na. Sinuot ni Alex ang binigay na swim suit ni Andi saka nagsuot nalang sya ng bath robe, tatanggalin nalang nya pag magsiswimming na sila. Nang magpunta sila sa pool nandun nadin ang iba nilang mga kasama at masayang masaya ng nagsiswimming.
"Lets go Lex." Yaya ni Andi at sumunod na sya. Halos lahat ng mga dati nyang kateam na mga babae ay nakaswimsuit. Wala naman kasing malisya sa mga lalake nilang kateam, yun iba kasi kundi pamilyado na ay may mga girlfriend din.
"Hey Alex! Mabuti at nakasama ka dito. Akala namin nakalimutan mo na kami agad." Panimula sa kanya ng dati nyang TL na si James.
"Off ko din naman ng weekends Tl kaya sumama nadin ako." Sagot nya dito.
"Kumusta naman sa bago mong work. Nagbalik loob ka na pala eh. Kaya pala ayaw mo nang magpapromote." Pangasar nito sa kanya. Natawa nalang sya sa sinabi nito.
"Hindi naman sa ganon Tl. Pero masaya ako ngayon sa bago kong trabaho."
"Good Job! Thats great to here." Inakbayan pa niya si Alex.
At sa hindi kalayuan, nakatayo si Keith at nagtatangis ang mga bagang, nakakuyom ang kamao at nagliliyab ang mga mata sa galit. Nakikita nya si Alex at kung sino mang hudas na lalakeng kausap nito. Nakuha pa nitong akbayan si Alex. Gusto gusto na nyang sugurin ang lalake at lunurin sa pool pero kanina pa sya pinipigilan ni Zach at Chivas. Pinipigilan sya na huwag manggulo. To hell with them! Sa isip nya. At mas lalong nagpapakulo ng dugo nya ang suot na swimsuit ni Alex. "f**k that 2 piece of her." Magsuot nga lang ng short ayaw na nya, tapos ngayon nakaswim suit ito na halos kitang kita na ang buo nitong katawan. Gusto na nyang puntahan si Alex para ilayo sa mga nagpipyestang mga mata sa katawan nito.
"Damn it!" Napapamura na lang sya sa mga nasasaksihan.
"You'll find time bro. Just relax for now." Sabay ngisi pa si Chivas.
"Dun na kami ni Chivas sa katabi ng kwarto mo. Buti nalang naisipan mo pang dumaan sa Mall kanina, overnight stay pala tayo dito." Pahayag ni Zach na umiiling iling pa.
"Hindi ko kayo pinilit sumama dito kaya wag na kayo magreklamo." Inis na pahayag ni Keith.
"Wag na init ulo Baby." Pangaasar pa ni Chivas. Tiningnan sya ng masama ni Keith and he just flashed a grin. Natawa nalang si Zach. Kitang kita nya kasi ang mga reaction ni Keith pagdating kay Alex. Alam nyang ngayon lang naging ganito sa babae ang kaibigan. He is really inlove with her but somehow to him, what they have is somewhat confusing. He knew how much Keith loves Alex, but he is confused with Alex feelings for Keith.
Nagbanlaw muna si Alex at sinuot ang bath robe bago bumalik sa room nilang apat. Nagpareserved kasi si Greg ng sarili nilang room. Naglalakad na sya sa hallway at namamangha padin sya sa design ng Camp Netanya. Feeling nasa Greece talaga sila. Malapit na sya sa room nila ng bumukas ang isang pinto at may humila sa kanya at pinasok sya sa loob ng kwarto. Hindi sya nakasigaw dahil sa gulat. The person who grabbed her pinned her on the wall and when she opened her eyes, nanlaki ang mga mata nya at napaawang ang labi nya. Nasa harapan nya si Keith at ilang inches lang ang pagitan nilang dalawa.
"K-keith?” Nang makabawi sya sa gulat. "Anong ginagawa mo dito? Papano ka napunta dito?” Sunod sunod na tanong ni Alex.
"I have my f*****g ways. We followed you here. Are you surprised?" Seryoso nitong pahayag sa kanya at hindi padin natitinag sa harap nya.
"We? May kasama ka dito?” Tiningnan nya ang kwarto. May nakita syang mga gamit sa kama.
"Zach and Chivas, sumama sila saken papunta dito."
"Pano mo nalaman kung nasan ako?” Taka nyang tanong dito.
" I went to your house this morning and to my surprise and without my knowlede, umalis ka pala at sumama dito. Tay Arnold told me where you are. You didn’t bother to inform me about this, magkausap pa tayo kagabi." Natahimik si Alex, hindi nya sinabi kay Keith dahil sa inis nya dito kagabi.
"It wasn’t intentional, I forgot to tell you. Naexcite kasi ako." Paliwanag nya. He heard him scoffed at lumayo ito sa kanya. Tiningnan sya nito mula ulo hanggang paa at nakita nyang nagigting ang panga nito.
"You don’t know how I loathed what you’re wearing right now. I told you to do not show too much of your skin but you did. And I want to kill those men that gives you a f*****g lustful stare!" Tumaas na ang boses ni Keith. Nakaramdam ng takot si Alex at inis.
"At yung kausap mo kanina, gustong gusto ko na syang sugurin at lunurin sa pool dahil sa pakikipagusap sayo, and he even put his hands on your shoulder. What was that?” Iritado nitong tanong. Nakikita nya sa mga mata ni Keith ang galit nito.
"Ano bang kinagagalit mo? Ano naman sayo kung magsuot ako ng ganto, nasa beach ako kaya ganto isusuot ko. At saka hindi ko naman sinabi na puntahan mo ako dito Keith. Tapos magagalit ka sa mga makikita mo. FYI, they were my team mates before, they were also my friends. And the person you’re talking about that you wanted to drown for touching me is my former boss, he is my former TL. They are all good people, mas nauna ko silang makasama kesa sayo." Mariin nyang litanya dito. Natahimik si Keith.
"You're being unreasonable Keith. I don’t understand if you’re just jealous or what. I don’t even know why you’re acting that way. As far as i know we don’t have any commitment". Ayun, nasabi na nya. And she saw that it hits him. It hits him hard, based on his reaction. “We don’t even have a relationship to begin with!”
"Were exclusive to each other." Mahinang sabi ni Keith. "You’re mine and I’m yours too."
"Baka ikaw lang ang nakakaalam na ganyan pala ang set up natin. I know we kiss, and you even touched my body. Pero Keith sabihin mo nga sakin, anong meron saten, sapat na ba yun para malaman ko kung ano tayo??” Tanong nya dito. Tinitigan sya nito, he scoffed. Inihilamos nito ang dalawang kamay sa mukha.
"Hindi pa ba sapat sayo ang lahat ng ipinaparamdam ko. How many times did I tell you that I love you? Ilang beses ko din sinasabi sayo na nagseselos ako kapag may kasama kang ibang lalake. It kills me Alex. Now youre asking me what are we? God damn it!” He cursed. "Ako lang ba ang may gusto ng kung ano mang meron saten na hindi mo pala alam! Parang ako lang yung naghahabol at nagpupumimilit na may relasyon tayo? The f**k! Oh well, you never told me that you love me too. He cursed again. Nagpalakad lakad si Keith at hinahawakan ang kanyang batok. "Now tell me Alex, do you love me?" Mariin nitong tanong sa kanya habang nakatitig sa kanya.
Natigilan si Alex, he put her right on the spot by asking her if she loves him. She can see some emotions on Keith's eyes. Nakikita nya dito ang sakit at pagmamakaawa. He is hurting with what she had said. Napaawang lang ang labi nya at kasabay nun ang pagtulo ng luha nya. Napatakip sya sa bibig nya dahil hindi nya nasagot ang tanong ni Keith.
Nilapitan sya ni Keith, at sa gulat nya hinalikan sya nito sa ulo, he heard him heaved a deep sigh and a chuckle.
"Don't cry Hon. Don't worry, I understand." At pagkatapos nun lumabas na ito ng pinto at iniwan sya sa kwartong yun. Saka nya pinakawalan ang mas madami pang luha. She knows deep inside her heart how much he loves him pero hindi nya nagawang sabihin dito. Bumalik sya sa kwarto nila at dun umiyak ng umiyak. Nagsisisi sya na hindi nya sinabi kay Keith ang totoo nyang nararamdaman.
Nagtataka naman si Zach at Chivas dahil bigla nang nagyaya na umuwi si Keith pabalik ng Manila nang hindi kasama si Alex. Tahimik lang ito at hindi ito nagsasalita, alam at nararamdaman nila na may hindi magandang nangyari sa kanilang dalawa ni Alex. Hindi na nila naisipang magtanong dahil baka umuwi silang commute. Mahinahon naman ang pagmamaneho ni Keith hindi katulad kanina na halos paliparan ang sasakyan nito. Hindi na sila nagtaka ng sa bar ito dumiretso at agad agad lumaklak ng alak. Napailing nalang sila Zach at Chivas.