Nasa bar si Keith kasama si Zach at Chivas, wala si Luke dahil out of the country, si Matthew naman ay may dinner meeting kaya silang tatlo lang ang nagkita kita sa bar. Nasa may bandang sulok pa sila nakapwesto.
"I can't believe you Bro, nagawa mong tiisin ang s****l desire mo kahit magkasama kayong dalawa?" Tanong sa kanya ni Chivas. Tinatawanan pa sya nito.
"Isang daang porsyento ng pagtitimpi ang nilabas ko." Sagot naman ni Keith.
"Good thing Bro, hindi mo pinilit si Alex." Litanya ni Zach. "Nagcold shower ka na lang sana."
"I did that, 20x." Nagtawanan silang tatlo.
"Hindi ka naman ganyan dati sa mga babae Bro, anong nakita mo kay Alex at bigla kang nagkaganyan?” Seryosong tanong ni Chivas.
"I’m inlove with her." Seryoso nyang sagot. "Ayokong nakikita syang may kasamang ibang lalake, kumukulo ang dugo ko, gusto kong mambasag ng mukha. Kaya kayo stay away from her, don’t flirt with her and don’t even touch her."
"Masyado ka namang possessive, hindi naman namin aagawin sayo ang Alex mo. Mukha din naman inlove sayo si Alex eh. Nagmadali nga syang puntahan ka ng maglasing ka dahil sa selos mo sa kapatid mo." Litanya ni Zach.
"Pati si Kyle bro, pinagselosan mo. What the f**k!?” Chivas exclaimed. "Tsk tsk tsk, this is not you Keith. You’re ruthless, you’re cold and you’re an asshole pagdating sa mga babae mo. Ikaw nga ang pinakamatinik sa mga babae sating lima eh. But you’ve changed, bilis naman nyan bro. Ganyan ba nagagawa ng love sa mga tulad mo?” Umiling-iling pa ito.
"Kapag ikaw ang nainlove tatawanan din kita. Papakanta ko sayo ang Careless Whisper with matching macho dance dyan sa stage." Hamon ni Keith kay Chivas. Nginisian sya nito.
"Fire away bro. Over my drop dead gorgeous body." Binato nya ito ng pulutan nilang mani.
"Sayang ang mani oh. Hindi ka na nga nakakain ng mani nagsasayang ka pa." Pangaasar ni Chivas.
"f**k off asshole!" Nagbatuhan pa sila lalo.
Magkakausap sila Alex, Dawn, Andi at Greg thru videocall, mabuti nalang at nasa kwarto na sya. Kakacheck lang nya kay Lolo Joacquin at pinabalik na sya nito sa kwarto nya. Sakto namang tumawag ang mga kaibigan nya.
"Sige na Alex, sumama ka na." Si Andi. Sinasama sya ng mga ito sa team building ng team ni Andi na dati din nyang mga kateam.
"Makikita ko pa si TL James eh, baka may hinanakit pa saken yun." Sagot nya dito.
"Bruha ka, inisip mo pa talaga yun. Dedmahin mo nalang, gusto ka din isama ng iba nating kateam."
"Hindi ako pwede magtagal ah. Pwede lang ako overnight kung weekend yan."
"Oo naman, this coming weekend na yun ah." Si Dawn.
"Baka gusto mong isama si Papa Keith." Kinikilig na sabi ni Greg.
"Huhh. Bakit naman? Busy yung tao." Sagot nya dito.
"Kahit weekend busy?” Singit ni Dawn.
"Sa bar, remember may performance sila every weekend." Napaoo nalang ang mga kaibigan nya.
Naisip din ni Alex kung yayain nya si Keith pero naisip din nya na baka hindi ito sumama kasi nga may performance sila sa Bar, kaya hindi nalang din nya binanggit.
Nasa kusina si Alex at gumagawa sya ng herbal juice ni Lolo Joacquin, mas gusto kasi nito ang mga herbal juices. Nakita sya ni Kyle at nilapitan.
"Para kay lolo yan?"
"Yup, gusto mo din?"
"No, I have my own diet na sinusunod, you know, to maintain my sexy body." Niflex pa nito ang biceps nito. Tinawanan nya ito. Mapagbiro din talaga tong si Kyle.
"Wala ka bang dinedate Kyle?” Curious nyang tanong dito. Ngumisi lang ito.
"I’m busy. I have no time for girls." Nakangiting sagot nito. "Sinusulit ko ang bakasyon ko dito kasama ang pamilya ko. Anyways, you like sweets right?” Tanong nito sa kanya.
"Oo naman, bakit?"
"Madami akong dalang chocolates galing France eh, ayaw ni Kuya eh."
"Sige bigyan mo ako." Tuwang tuwa pa sya.
Nasa garden si Alex at Lolo Joacquin, nageexercise na naman ito. May nakalatag pang yoga mat sa malapit sa kanila. Natutuwa si Alex kay Lolo Joacquin dahil sa healthy lifestyle nito, sinasabi pa nitong naging exaggerated lamang si Keith nung minsan sumama pakiramdam nito. Kung tutuusin naman nakahealthy pa ng Lolo, balance ang diet nito puro herbal juices ang iniinom at hindi din ito masyadong mahilig sa mga meats. Nakita nyang papalapit si Kyle.
"Online ka ba, rank naman tayo." Yaya nito sa kanya para maglaro ng mobile game.
"Istorbo ka eh, may ginagawa si Lolo J."
"Lo! Steady ka lang dyan ah. Laro lang kami ni Alex." Nagthumbs up sign ito sa kanya. "Game."
Naglalaro na silang dalawa ng dumating naman si Keith. Nakakunot ang nuo at halos magdikit na ang kilay.
"Ohh Keith, hindi ka ba pumasok?” Tanong ni Lolo Joacquin na nageexercise.
"Bumalik lang ako Lo, may kinuha akong documents sa library." Tiningnan nya si Alex na abalang abala sa cellphone. Tiningnan din nya si Kyle.
"You’re here pala Kuya. Were playing ni Alex, nagrarank kami. Matatalo na kalaban, malakas heroes namin eh." Nakakunot noo padin si Keith.
"Since when you started playing online games?” Tanong ni Keith dito.
"Since I was in France, sometimes I get bored during fashion rehearsals, thanks to this, it kills time." "Stupid! Sugod ng sugod! Slain ka tuloy!" Comment nito sa isang kakampi. Tiningnan ni Alex si Keith saka ngumiti pero matiim lang sya nitong tiningnan. Hindi padin nagbabago ang expression ng mukha, para bang susugod at maninipa ng tao.
"I have to go Lo." Paalam nito saka tumalikod na. Napasunod nalang ng tingin si Alex saka bumalik sa paglalaro.
Nagpaalam na uuwi na si Alex kinagabihan ng friday dahil magpeprepare pa sya para sa out of town ng dati nyang kateam. Madaling araw ng saturday kasi ang alis nila, kay Greg sila sasakay. Pinayagan naman sya ni Lolo Joacquin at pinahatid kay Frank. Wala pa si Keith ng mga oras na yun.
Pagdating ni Alex sa kanilang bahay, naabutan nya ang pamilya nya sa sala na nanunuod ng Netflix.
"Umuwi ka agad ate?” Tanong ni Daryl.
"Oo, may lakad kami nila Andi bukas, kasama ako sa team building ng team namin dati."
"Kaya pala nandito ka na. Maaga kayo aalis bukas? San kayo? Beach?”
"Oo sa Batangas. Sa Camp Netanya."
"Wow, sama kaya ako!” Inirapan nya ito. "Joke lang."
Umakyat muna sya sa kwarto para magempake ng mga dadalhin nya. Pang overnight lang ang dadalhin nya dahil hindi naman sya pwede magstay ng matagal. Nagdala lang sya ng ilang pirasong damit, shorts, undergarments saka towel. Baka tamarin din syang magswimming. Nilagay nya sa backpack nya ang mga gamit nya. Nagalert ang phone nya. Nakita nyang may chat si Andi.
"Don’t forget to bring your swim suit." Napangiwi sya. Nireplyan nya agad to.
"Alam mo naman hindi ako nagsusuot nun."
"Basta magdala ka, pag hindi ka nagdala ako ang magpapasuot sayo ng mga swimsuits na dala ko."
"Andi!!” Sinendan na lang sya ng emoji ng bikini, dagat saka emoji na nagwink.
Nagalert ulit ang phone nya, nakita nyang may nagtext sa kanya. Pagtingin nya, si Keith.
"Bakit umuwi ka na agad? Hindi mo ako hinintay." Text nito.
"Kelangan ko ng umuwi eh." Reply nya. Maya maya pa ay nagring ang phone nya at nakita ang screen name ni Keith.
"Ako dapat maghahatid sayo pauwi, bakit hindi mo ako hinintay?” Naiinis na tanong nito. Nahihimigan nya sa boses ni Keith na galit din ito.
"Hindi ko naman alam kung anong oras ka uuwi." Sagot nalang nya.
"You should have ask me then. You can call me or text me anytime."
"Really hah. Ikaw nga hindi mo magawa yan." Naalala nya nun nagbusiness trip ito at hindi man lang sya kinontak.
"What? What the hell is that? Wala na ako magagawa nakauwi ka na eh." Inis nitong sabi sa kanya.
"Saka kaya kong umuwi magisa." Sinagot pa nya.
"I’m pissed Alex. Ganyan pa mga sinasagot mo sakin."
"Whatever. Ingat ka paguwi mo. Bye." Binabaan na nya to. Kinuha nya ang unan at pinagsusuntok. Minsan nanggigil din sya kay Keith, makaasta parang boyfriend. Natigilan sya dun.
"Ano nga ba kami?" Natanong din nya sa sarili nya. Hinahalikan sya nito, niyayakap, hinahawakan at kung makademand sa kanya kala mo ay boyfriend. "Boyfriend ko ba sya?" She refused the idea pero nakailang I love you na si Keith sa kanya na hindi nya nasagot. Naguguluhan din sya sa set up nila, ano yun walang label ang relasyon nila. Hindi na din nya nasabi kay Keith ang lakad nya kinabukasan dahil sa inis nito sa kanya.
Alas kwatro ng madaling araw ng sunduin sya ni Greg, sya na ang unang sinundo nito dahil sya naman ang out of way sa kanilang tatlo. May iba din na dalang sasakyan ang dati nyang team mates kaya hindi sila sabay sabay makakadating. Ilang oras din ang tinagal ng kanilang byahe, nagstop over lang din sila para magalmusal. Nang makarating sila sa Camp Netanya, laglag panga silang lahat dahil sa ganda ng lugar.
"Wow para tayong nasa Santorini." Manghang mangha na sabi ni Dawn.
"Oo nga, instagramable. Amazing!" Comment naman ni Andi.
"Picture picture tayis!” Excited na sabi ni Greg.
"Buti nalang sumama pala ako." Singit naman ni Alex.
Samantala, kaharap ni Tay Arnold at Nay Nancy si Keith, pumunta ito sa bahay nila Alex kinaumagahan. Nang malaman nyang umalis si Alex kasama ang dating mga kateam para sa isang team building, God kows how he refrain himself from cursing infront of Alex parents. Kaya pagkasakay nya sa sasakyan nya. Tinawagan nya agad ang mga kaibigan nya pati ang secretary nya.
"Sophie, you know Camp Netanya in Batangas, ibooked mo ako ng room na katabi ng sasabihin ko. Papunta na ko dun ngayon. Thank you." Nahampas pa nya ang manibela bago tuluyang umalis.
"What are you doing to me Alex?” Nagtatangis ang kanyang bagang at nakakuyom ang mga kamao.