Chapter Twenty

1408 Words
Nakatingin si Alex sa madilim na kalangitan, kitang kita ang malakas na pagbuhos ng ulan mula sa bintana ng kwarto ni Keith. Hindi na sila nakaalis ni Keith ng condo nito dahil delikado daw bumyahe. Nakita nyang nakaupo ito sa sala at nasa harap ang laptop nito. Umupo sya sa may dulong bahagi ng sofa. "Anong ginagawa mo?” Tanong nya dito. "Working." Tipid nitong sagot. "Ok. Wala akong work ngayon, ikaltas mo nalang sa sahod ko." Tiningnan sya nito. Tinaasan nya ng kilay si Keith. "Bakit ganyan yung suot mo ng pinuntahan mo ako dito, ibig sabihin humarap ka kay Zach at Fran na yan ang damit mo?” Nakakunot noo pa ito. "Oo, bakit mo tinatanong?” "Are you crazy?? You’re not wearing anything inside that shirt!" "Hindi naman halata eh. Black naman tong damit ko saka printed pa." Dipensa nya sa sinabi ni Keith. Pano nya nalaman na wala akong suot na bra? "I don’t care." Iritado nitong sagot sa kanya. "Sungit mo. Ano palang kakainin natin mamayang dinner? May stock ka ba ng foods dito, yun pwedeng lutuin?" Pagiiba nya ng usapan. "Meron, gusto mong makita?" Tumango sya at nagpunta sila ng kusina. Nakita naman nyang madaming supplies ang fridge nito. Nagtataka sya kung bakit, sa mansion naman ito umuuwi. May nakitang hipon si Alex. "Magluto ako ng buttered shrimp. Gusto mo ba yun? O allergic ka sa hipon?” "Favorite ko yun. Wala akong allergy sa pagkain." "Okies. Favorite ko din yun eh." Naramdaman nalang ni Alex ang pagyakap ni Keith mula sa kanyang likuran. Napasinghap naman sya sa ginawa nito. "I’m a very possessive and a jealous man, honey. What’s mine is mine. Mine alone." With conviction pa ang pagkakasabi nito sa kanya. "Wag mong ipapakita sa iba yang legs mo, ako lang dapat nakakakita nyan." "Seryoso ka ba?" Napasinghap pa sya lalo ng maramdaman nyang pinasok ni Keith ang mga kamay nito sa loob ng kanyang tshirt at sinapo ang dalawa nyang dibdib. "These are also mine. Remember that." "Keith..." Humigpit pa lalo ang yakap nito sa kanya. "I missed you big time." Naramdaman pa nya ang paghalik nito sa leeg nya. Nanatili sila sa ganong pwesto ng ilang minuto bago sya binitawan ni Keith. After nilang kumain ng dinner, nakareceived ng tawag si Keith mula kay Zach. Kinukumusta ito pati ang pasa nito sa mukha. Hindi padin sila makaalis dahil naging bagyo na ang ulan. Pumasok daw sa PAR ang typhoon Luring kaya asahan daw ang malakas na ulan sa buong magdamag. Walang choice si Alex kundi ang magstay at matulog sa condo ni Keith. "Gusto mo ba maligo?" Tanong nito sa kanya, nakita nyang kakatapos lang din nitong magshower. "Wala naman ako pampalit eh." "Madami akong damit dito, wait." Pumasok ito ng kwarto at pagbalik may dala ng gray na tshirt at black na boxer shorts nya. "Yan muna isuot mo." Kinuha nya at tinitigan, inabutan din sya ng towel ni Keith. "Thank you." Pumasok na sya sa sa loob ng kwarto ni Keith at nagtungo na sa shower room nito. Nilabhan ang underwear nya kaya wala sya ngaun suot kundi ang boxer shorts ni Keith. Inabot sya ng 30 minutes sa paliligo at paglalaba ng damit nya. Paglabas nya ng kwarto naabutan nya si Keith na nakaupo sa kama. Natigilan naman sya ng tingnan sya nito. Tumayo ito at inabot ang blower ng buhok. "Magpatuyo ka ng buhok bago matulog. Mahirap na baka mabaliw ka...lalo saken." "Anong sabi mo? Excuse me ang feeling mo masyado." "Hindi ba?” Asar nito sa kanya. "Bwisit tong lalakeng to minsan ang lakas ng hangin sa katawan eh."Kinuha nya ang blower at ginawa ang sinabi ni Keith. She heard him chuckle and then left the room. Pagkatapos nyang magpatuyo ng buhok lumabas na sya ng kwarto, hinanap nya si Keith. Nakita nya itong nasa harap ng laptop habang may katabing isang boteng alak. "Bakit umiinom ka na naman?" Tanong nya dito. "Naglasing ka na nga kagabi diba, tapos umiinom ka na naman ngayon." Galit galitan nya dito. "Want some?" Alok pa nito sa kanya. "Ayoko nyan. Beer meron ka?” Kumunot noo nito. "Iinom ka din? Inis nitong tanong. "Inaalok mo ako ng iniinom mo tapos naghanap ako ng pwede kong inumin, ayaw mo?" "Fine." Tumayo ito at pumunta sa kusina, pagbalik nya may dala itong 3 canned beers. Natuwa naman si Alex. "Tama na yan." "Yes po Boss." Sagot nya dito. Magkatabi na sila sa sala habang umiinom ng beers. Nagbeer nalang din si Keith para sabayan sya. Kumuha pa ito ng chips para gawin nilang pulutan. "How many boyfriends did you have?" Out of the blue na tanong sa kanya ni Keith. "You’re asking me that kind of question?” "Yes, I wanted to know." "I had 1 in college pero 2 months lang kami noon kasi lumipat sya ng school then wala na kaming communication. Nalaman ko na lamang na may iba na syang gf." "Asshole. So 1 lang naging boyfriend mo?” "Meron pa akong naging boyfriend, si Jensen Ackles. LDR naman kami non." Tumawa pa sya. "Crazy. Gwapong gwapo ka dun, kitang kita mo naman na lamang na lamang ako dun." "San banda?” Tiningnan pa ni Alex ang mukha ni Keith. "Damn it." Mahina nitong mura. Sinampal ni Alex si Keith pero mahina lang naman. "Don't say bad words. Ikaw ilang babae na ang pinaiyak mo?" Balik na tanong nya dito. "Really? Pinaiyak ko? I don’t know. I’m not into serious commitment before not until I met you." Napainom ng beer si Alex. Tinitigan sya ni Keith. "My life has been such a whirlwind since I saw you I've been running round in circles in my mind And it always seems that I'm following you, girl 'Cause you take me to the places that alone I'd never find......." Kinantahan sya ni Keith, part nya ito sa last song na kinanta ng The Legend nung anniversary. Nginisian pa nya si Alex after nyang kumanta. Namula na naman sya sa ginawa nito. "Kinikilig ka noh. Inlove ka na ba saken?" "Pano pag oo, may magagawa ka ba?" Tanong din nya dito. Tinitigan na naman sya nito, yung klase ng tingin na tatagos hanggang kaluluwa. Those gaze of him, feeling nya lagi syang namamagnet. "Meron." At hinawakan sya nito sa batok at siniil sya ng halik. Nagulat pa si Alex sa ginawa ni Keith. Mariin lang na halik ang ginawa ni Keith pagkatapos binitawan na sya. "Alam mo bang ninakaw mo saken ang first kiss ko." "So, I’m your first kiss?” "Yup, hindi ako nagpapahalik basta basta noh. Ibibigay ko ang first kiss ko sa lalakeng mamahalin ko, tapos ninakaw mo yun." "Isa lang ang ibig sabihin non, ako yung lalakeng yun." Sabay inom ng beer. Kumuha ng throw pillow si Alex at niyakap yun. Hindi nya nasagot ang sinabi ni Keith. Nang matapos sila sa kanilang drinking session, iniligpit ni Alex ang mga kalat at nilinis ang table na pinagpatungan nila. Nakita nya si Keith na lumabs ng kwarto na may dalang unan at blanket. "Dun ka sa kama, dito na ko sa couch." Seryoso nitong pahayag sa kanya. Napatango nalang sya. "Ako nalang kaya dyan, ikaw na dun sa kama, nakakahiya sa may ari eh." Sagot nya dito. "O gusto mo tayong dalawa sa kama. Mamili ka." Nakaramdam sya ng kung ano sa sinabi nito. "Sige dyan ka sa couch." Inirapan nya ito. Tinawanan sya nito. Pumasok na sya sa kwarto at dumiretso sa rest room, medyo nakaramdam din sya ng hilo dahil sa beers na nainom nya, hindi lang 3 nainom nya naka 5 yata sya. Naghilamos na sya at nagtoothbrush pa. Dumiretso higa na sya sa malambot na kama ni Keith. Naamoy nya ang mabangong amoy nito pati sa loob ng kwarto. Napapikit sya at naiisip nya si Keith. "Ok lang kaya sya dun. Makapal kaya yung dala nyang blanket, ang lamig pa naman." Nagpabiling biling pa sya sa higaan. Pinipigilan ni Keith ang sarili na pasukin si Alex sa kanyang kwarto, he can’t sleep knowing Alex is inside his room, on his bed. He can’t imagine how he refrain himself from claiming her entirely, he wanted her hard. And everytime he touches her soft skin, he wanted not just to kiss her but to make love to her senselessly. And his member is saluting at him, hard as rock. "Damn it Alex.” Niyakap nya ang unan at sinubsob ang mukha nya dun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD