Nang maisara ni Keith ang pinto na ikinagulat ni Alex, halos mapaatras sya ng unti unting lumapit sa kanya ang binata. Nakaramdam sya ng kaba at takot. Halos mabingi na sya sa parang tambol na pagtibok ng kanyang puso.
"K-keith." Mahina nyang sabi.
Then suddenly he grabbed her waist, pinned her on the wall and claimed her lips. She lost her senses when his lips landed on hers. Keith wrapped his arms around her waist, sa una mariin lang na nakalapat ang mga labi ni Keith sa kanya hanggang sa maramdaman nyang gumalaw ito. Nanlalaki ang mga mata ni Alex ng maramdaman nya ang paggalaw nito kaya kusa nyang nabuksan ang kanyang mga labi na agad sinamantala ni Keith. He invaded her mouth with his tongue and kissed her deeply. She tasted the liquor but it tasted sweet to her. This is her first kiss and she don't know exactly how to return his kisses. Nanghihina na ang mga tuhod nya kaya napahawak na sya sa balikat ni Keith para kumuha ng supporta dahil palalim pa lalo ang halik nito. Saka lang natigil ang halikan nila ng pareho na silang naubusan ng hangin. They are both gasping for air. Binitawan ni Keith ang kanyang baywang at tinitigan sya nito pagkatapos at pakiramdam ni Alex matutunaw sya sa klase ng titig nito.
"I'm sorry. I lost my control.. I'm sorry.."
At tinalikuran na sya nito at lumabas ng kanyang kwarto. Naiwan si Alex na tulala at nakasandal padin sa pader. Napahawak sya sa labi nyang pakiramdam nya ay nangangapal dahil sa paghalik ni Keith.
Dumiretso si Keith sa mini bar at lumaklak na naman ng alak. Kung hindi pa nya napigilan ang kanyang sarili kanina malamang kung ano na ang nagawa nya kay Alex.
"Damn it!"
Her lips tasted like a sweet apple. He wanted not to let go of her because they might ended up in bed and made love to her. Hindi nya napigilang puntahan ito sa kwarto para makita ito at ng pagbuksan sya nito and he saw her beautiful face, he couldnt control himself not to kiss her. At ngayon ang init na dala ng halikan nila kanina ay kumukulob sa kanyang buong pagkatao.
"f**k!"
Kinabukasan ng umaga, maagang nagpaalam si Alex kay Lolo Joacquin, uuwi sya ngayon sa kanyang pamilya dahil sa kontrata nila ni Keith pwede syang umuwi tuwing weekends. Pinayagan na sya nito at pinahatid pa sya kay Frank. Hindi na sana sya papayag at magtataxi nalang pero hindi sya pinahintulutan ni Lolo Joacquin.
Naabutan pa nyang nagkakape sina Tatay Arnold at Nanay Nancy. Tuwang tuwa naman ang mga ito ng makita sya. Umupo din muna sya sa hapag kainan at sumalo sa kanila.
"Kumusta ang bago kong trabaho?" Tanong ni Tatay Arnold.
"Ok naman po, mabait po si Lolo Joacquin, yung inaalagaan ko po. Kahit po sobrang yaman nila hindi sila matapobre." Paliwanag nya. "Saka malakas padin ang pangangatawan nya, iniisip ko nga kung kelangan nya po ba talaga ako eh." Dagdag pa nya.
"Baka iba ang may kailangan sayo." Tumawa pa ito.
"Ano po? Tay naman. Pinagsasabi mo dyan?"
"Kumusta naman si Keith?" Biglang tanong nito na ikinagulat nya ng bahagya.
Naalala nya bigla ang mainit na eksena nila kagabi. Nagtataka sya sa sarili nya dahil hindi nya nagawang pigilan si Keith nang halikan sya nito.
"Lagi naman po yun wala sa Mansion. May trabaho din po sya eh." Tulog pa po si Daryl?" Pag-iiba nya.
"Oo, madaling araw na yun umuwi kagabi, kumain daw sila ng mga katrabaho nya." Sagot naman ni Nanay Nancy.
"Ok po, akyat na po muna ako sa kwarto ko."
Pagbukas nya ng pinto ng kwarto nya, agad syang humiga sa kama. Naalala na naman nya ang halik na pinagsaluhan nila ni Keith.
"Bakit kasi sya biglang nanghalik?" Napayakap sya sa unan nya. "Nakainom sya, baka nadala lang sya ng kalasingan nya." First kiss ko yun. At ganon pala....ang kiss "
Namula sya sa isiping iyon. Alam nya sa sarili nya na physically attracted sya kay Keith at hindi pa sya sigurado kung hanggang dun nga lang ba yun. Nakatulugan nya ang isipin tungkol kay Keith. Nagising si Alex sa sunod sunod na ring ng kanyang phone.
"Nakatulog pala ako. Sino ba tong tawag ng tawag?"
Pagtingin nya sa screen ng phone nya, napabangon sya bigla. 30 missed calls, 25 messages mula kay Keith. Maya maya ay nagring na naman ito.
"H-hello?"
"What are you doing? Kanina pa ako tawag ng tawag sayo!" Galit na tanong nito sa kanya.
"Bakit ka sumisigaw?! Saka bakit ka tumatawag, day off ko ngaun ah." Nanahimik ito sandali.
"Yeah, I know that. It's just-" Hindi nito natapos ang sinasabi. "Fine, nevermind."
"Nakatulog ako ng hindi ko namamalayan, namiss ko kasi ang kama ko. May kelangan ka ba?"
"About what happened last night. I'm sorry, I should've controlled myself back then. I'm drunk and-"
"Ok na Keith. Kalimutan mo nalang ang nangyari, tulad nga ng sabi mo. You're drunk. Let's just forget what happened. Kung wala ka ng sasabihin, ibababa ko na to." Hindi na nagsalita si Keith. "Bye." Paalam ni Alex.
Ang totoo kasi nasaktan sya sa sinabi ni Keith, oo nga at nagsorry ito dahil naging mapangahas ito sa ginawa kagabi. Hindi nya siguro matanggap na parang hindi nagustuhan ni Keith ang nangyari.
"Nakakainis ka... First kiss ko yun eh.. tapos hindi mo pala nagustuhan." Humiga ulit si Alex at namalayan nalang nyang tumulo ang luha nya.
After makausap ni Keith sa phone si Alex kanina, nag-init ang ulo nya sa narinig na sagot ng dalaga. Nagsorry sya kasi gusto nyang iparating na naging mapangahas sya dahil pinasok nya ito sa kwarto. Nagsorry sya kasi nakainom syang humarap dito at hinalikan pa nya. Hindi nya nasabi na gusto nya un nangyari, ilang araw na syang nagtitiis na hindi sya sunggaban tuwing nakikita sya nito.
"Damn, I really like her. I want to own her. I want to make love to her."
"Have you lost your mind Bro?" Tanong sa kanya ni Zach sabay tapik sa balikat nya.
Napalakas ang tapik nito kaya nabuga nya ang iniinom nya. Nasa Legend Bar kasi sya ngayon. Nakalimutan nyang weekend ngayon at uuwi si Alex sa pamilya nya. Late na sya nagising dahil napasarap ang tulog nya, at ng magising sya at hanapin si Alex, napamura pa sya at uminit ang ulo ng malaman na maaga itong umalis.
"What the f**k asshole!" Maubo ubo pa sya. Tinawanan lang sya ni Zach.
"Lalim ng iniisip mo eh. Don't tell me iniisip mo ang performance natin bukas?"
"No," maikli nyang sagot.
"Are you thinking about Alex?" Napatingin sya dito. "And shoot! Tama nga ako."
"I kissed her. I lost control, and I'm f*****g mad because I was drunk when I kissed her."
"What did she do? Did she got mad? Or did she kissed you back?"
Natigilan si Keith, naalala nya ang eksena nila ni Alex. Oo she kissed him back, kahit alam nyang hindi ito sanay makipaghalikan. He felt something when she returned his kisses, as if she is willing to surrender herself to him. Alam nyang may nararamdaman din si Alex para sa kanya. Napangisi nalang sya. Tinapik na naman sya ni Zach.
"I have to go."
"Fire away bro."
Nagmamadaling pinaandar ni Keith ang kotse nya, pupuntahan nya si Alex to clear things out and to confess his feelings for her. He is excited about the idea, and the feeling is new to him, this is the first time he ever felt this way towards a woman. Alex is driving him crazy, he wanted to have her. He wanted to claim her as his own. At pinaharurot pa nya ang Black Audi nyang sasakyan.
Kakatapos lang ni Alex magshower, nagpalit sya ng pantulog nya, ang oversized na tshirt at dahil nasa bahay sya at nasa sarili nyang kwarto, nagshort nalang sya ng doplhin short, maiksi lang ito. Pinatuyo din nya ang kanyang buhok gamit ang blower. She opened her laptop and browsed her social media accounts. Nakita nya pang may post si Andrea kasama si Dawn at kasama si Greg, ang bading nilang friend na galing leave nung nakaraan kaya hindi nila nakasama. Hindi din nito naabutan ang pagreresign nya. Naiinggit sya bigla dahil masayang kumakain ang mga ito. Narinig nyang nagring ang cellphone nya at nakita nya ang screen name ni Keith.
"Ano na namang problema nito."
"Hello. Ano na naman problema mo Keith Kristoff Montereal, gabing gabi na tumatawag ka pa." Galit galitan nyang sagot dito.Naiinis pa din kasi sya dito.
"I know you're still awake. Pwede mo ba akong pagbuksan ng pinto. Madami kasing aso dito sa may labas nyo."
"Anong aso sinasabi mo? Pagbuksan ng pinto?"
Natigilan sya sa sinabi nito, saka nya narealized ang sinabi nito. Dali dali syang bumaba ng kanyang kwarto, at binuksan ang pintuan. Napaawang ang labi nya ng makita si Keith na nakaupo sa hood ng kotse nito. Nginisian pa sya nito ng makita sya.