Sinubukang ikampay ni Alex ang kanyang mga kamay at paa para umangat sya sa tubig pero dahil sa pwersa ng bagsak nya naging balewala ang effort nya. Marunong syang lumangoy pero ng mga oras na yun parang naubusan sya ng lakas. Nang bigla nyang maramdaman ang matigas na braso sa kanyang katawan at dahan dahan syang inangat mula sa pagkakalubog sa tubig.
Nang maiangat sya ni Keith ng tuluyan sa may pool side, walang humpay ang kanyang pag-ubo dahil sa tubig na kanyang nainom. Nakatitig lang sa kanya si Keith at makahulugan ang tingin. Nang matapos ang pag-ubo ni Alex, agad syang humiga sa sahig ng pool side. Hinihingal pa sya dahil sa pagod.
"T-thank you Keith." Hinihingal pa syang sabi.
"Tumayo ka na dyan, sa loob ka na magpahinga." Sabi nito sa kanya.
Kinuha nito ang suit na nakapatong sa may mga upuan sa tabi ng pool at itinakip yun sa kanya. Inilahad pa nito ang kamay at inabot naman yun ni Alex. Naramdaman na naman nya ang parang kuryente na dumaloy sa kanyang kamay patungo sa buong katawan, napatingin sya kay Keith na matiim ang tingin sa kanya. At pumasok na sila sa loob ng mansion.
"Sorry kasalanan ko." Sabi ni Alex habang naglalakad.
"Magshower ka pagdating mo sa kwarto mo." Utos nito sa kanya.
"Ikaw din Keith. Nabasa ka din tuloy."
"It's nothing. Magingat ka na sa susunod."
"Bigla ka kasing tumayo tapos hahawakan sana kita kaya lang naout of balance ako."
Tiningnan sya nito ng mariin. Tumingin ito sa basa nyang damit and she saw how his jaw clenched pati ang paggalaw ng adams apple nito.
"Galit ba sya? Kasalanan nga nya eh. Bigla nalang syang umalis." Sa isip ni Alex. Inihatid pa sya nito sa kanyang kwarto.
Habang nagshoshower si Keith, tiningnan nya ang kanyang kanang braso at nakuyom nya kanyang kamao. Naalala nya ang pagsagip nya kay Alex kanina. Hindi kasi sinasadyang nahawakan nya ang dibdib ng dalaga nang iahon nya ito mula sa pool. Pakiramdam nya nararamdaman padin nya ang malambot na katawan nito. Pinalamig nya ang tubig sa shower.
"Damn it."
Nasa banyo nadin si Alex para maligo. Hinubad nya ang binigay na suit ni Keith, inamoy pa nya ito. Naiwan padin ang mabangong amoy ni Keith. Kasunod nyang hinubad ang kanyang tshirt nang matigilan sya. Napayakap sya bigla sa kanyang katawan.
"Wala nga pala akong suot na bra."
Nabatukan nya bigla ang kanyang sarili. Naalala pa nya ang ginawang pagyakap sa kanya ni Keith kanina. Napapikit sya ng mariin.
"Ano ka ba naman Alexandrea, ang dami mong kapalpakan." Agad agad syang nagshower habang nanggigil sa sarili.
Naisipang bumaba ni Alex para pumunta sa kitchen pagkatapos nyang maligo at makapagpahinga. Gusto nyang uminom ng something warm feeling nya kasi magiginhawan sya dun at mas makakatulog. Pagpasok nya sa kitchen, she froze in place when she saw Keith leaning on the counter table. Napatingin din ito sa kanya, tiningnan na naman sya nito mula ulo hanggang paa. Mukha itong nagkakape.
"Hindi ako makatulog, baka madaan sa hot drinks." Paliwanag ni Alex.
"You want coffee?"
"Hindi naman, meron ba kaung Swissmiss? Maghot chocolate nalang ako. Baka mas lalo akong hindi makatulog sa kape."
"Sige, ipagtimpla kita. Maupo ka na."
Napasunod nalang sya sa sinabi ni Keith. Maya maya inabot na ni Keith sa kanya ang isang hot chocolate in a cup. Hinawakan agad ni Alex at inamoy. How she loved the scent of chocolate.
"Hindi ka din makatulog?" Curious nyang tanong kay Keith. Tiningnan sya nito. Yung klase ng tingin na tatagos hanggang kaluluwa mo.
"Parang ganon na nga, hindi mo ako pinapatulog." Sagot nito sa kanya.
Napaawang labi nya at napamaang sa sinabi ni Keith. Tiningnan nito sa katawan nya at ngumisi. Nagtaka sya sa reaction nyang yun.
"The clothes that you are wearing, are they like your pantulog?"
"Hahhh? Napatingin sya sa suot nya. "Ahhh. Oo lahat ng damit ko pambahay oversized, comfortable kasi ako sa maluluwang na mga damit kaya ganto din yun pantulog ko." Nakita nyang ngumisi ito ng bahagya.
"Now i know why."
"Bakit mo natanong?"
"Sa susunod na magsusuot ka ng ganyan, make sure you're wearing something under that shirt." Mariin nitong sabi sa kanya.
Hindi nya naintindihan ang ibig sabihin ni Keith sa mga sinabing nyang yun pero ng marealized nya, napayakap sya bigla sa sarili at nahiyang tumingin kay Keith. Pakiramdam nya nagakyatan lahat ng dugo nya papunta sa mukha nya.
"And you're blushing again." Tiningnan nya ng masama si Keith na seryoso namang nakatingin sa kanya. "Baka sa susunod hindi ko na mapigilan ang sarili ko."
"Pervert!!" Namumulang sabi ni Alex kay Keith.
"What?? Im not a pervert. Kasalanan mo pa nga eh. Hindi ito ang bahay nyo kaya magsuot ka ng underwear. You understand!" Sagot nito sa kanya.
"Whatever, you pervert." Tinaasan pa nya ng kilay si Keith.
Kinabukasan, hindi inaasahan ni Alex na magyayayang umalis si Lolo Joacquin, gusto daw nitong pumunta sa Mall at syempre kasama sya. Hindi sya pinayagan nito na magsuot ng scrub suit, yung normal na pangalis lang daw. Kaya nagsuit sya ng white shirt na may print ng Mukha ni Iron Man, black skinny jeans saka ang kanyang black low cut chuck taylor. Natuwa naman ang Lolo sa pormahan nya.
"You look beautiful Hija. Youre simple yet attractive."
"Binola pa ako ni Lolo Joacquin. Nagpaalam po ba kayo sa apo nyo?"
"No, why should I? Lets go."
"Hindi po kayo nagpaalam? Baka pagalitan pi tayo kapag nalaman nyang lumabas po tayo at Magmamall."
"Hindi na kelangan Alex. Kasama naman kita. Isama din natin si Frank." Napasunod na lamang si Alex kay Lolo Joacquin.
Nagpunta sila sa isang mall sa may BGC. First time din magpunta ni Alex sa naturang lugar kaya tuwang tuwa din naman sya.
"Wow!! Ang ganda naman pala dito Lolo. Parang tayong nasa Italy." Manghang mangha na sabi nya.
"Maglakad lakad muna tayo, pag may nagustuhan kang bilhin Hija, sabihin mo lang saken."
"Naku Lolo, malayo pa po ang sweldo kaya hindi pa ako makakapagshopping."
"It's on me Hija."
"Ay hindi po Lolo. Nakakahiya po. Wala naman po akong gustong bilhin sa ngayon. Lo, sabihin mo po kapag nakaramdam ka ng pagod, wag nyo pong pwersahin ang sarili nyo." Payo ni Alex.
"Wag kang magalala Hija, ok na ok ang pakiramdam ko ngayon." Nginitian pa sya nito. Napatango nalang si Alex.
Naglakad lakad pa sila, kasunod lang nila si Frank. Kumain din sila sa isang restaurang ng makaramdam ng gutom si Lolo Joacquin. Napamaang na lamang si Alex ng makita kung magkano ang mga pagkain sa menu. Tinawanan nalang sya ni Lolo.
"Lo, dapat nagjollibee nalang tayo. Ang mamahal po dito."
"Magorder ka ng kakainin mo, damihan mo."
"Lo, kayo po ang dapat madami ang orderin, bawal po kayong magutom. At saka po pala, yung mga healthy foods po ang orderin natin."
"You're watching my diet Hija. Hindi nga nagkamali si Keith sayo."
"Baka nga po nagkamali sya eh. Joke lang po." Tinawanan sya ni Lolo Joacquin.
Nasa isang shop ng mga damit sila ni Lolo Joacquin ng magring ang phone ni Alex. Nakita nyang ang Mr. Alien sa screen, hindi pa din nya pinapalitan ang screen name ni Keith.
"Hello?"
"How's Lo, hindi ba sya nakaramdam ng pagod?"
"Ok naman si Lolo Keith. Kakatapos lang namin kumain. Alam mong umalis kami?"
"Yeah, I know. Lo texted me earlier. Nasa mall padin kayo?"
"Ahh. Yup, nandito padin kami. Bakit?"
"I'll go there. Wait for me."
"Huhh? Pupuntahan mo kami? Diba nasa office ka?"
"Stay where you are. I'll hang up."
Binaba na nga nito. Hindi naman makapaniwala si Alex. Wala pang 10 minutes nakita na ni Akex si Keith papalapit sa kinaroroonan nya. Napasinghap pa sya ng makita na naka3 piece na gray suit si Keith.As usual, napanganga na naman sya sa hitsura nito.
"Where's Lo?" Tanong nito.
"Andun sa loob ng store. Kasama si Frank." Tiningnan pa sya nito as if he is scanning her whole body. Nailang na naman sya sa presence nito. Paglabas ng store nila Lolo Joacquin at Frank bahagya pa itong nagulat ng makita si Keith.
"Oh Keith, sumunod ka din pala dito. Masyado ka bang nagalala, nasa mabuting mga kamay naman ako." Biro ni Lolo kay Keith.
"I'm just checking on you." Sagot naman nito."
"Checking on me ba talaga?" Tudyo ni Lolo. Keith gave him a smirk.
Si Keith na ang kasama nila ng pauwi na sila. Pinauna na nya si Frank dala ang sasakyan. Hindi na din ito bumalik sa office nito. Sa passenger seat nakaupo si Alex at si Lolo Joacquin naman ay nasa bandang likuran. Pero pagkahatid sa kanila ni Keith, umalis din ito kaagad. May pupuntahan pa daw ito, hinatid lang pala talaga sila.
PUMUNTA si Keith sa Legend dahil nandun ang tropa, paguusapan nila ang gagawin nilang pakulo sa Anniversary ng Bar nila. Mag 1 year na kasi ito, parang kelan lang nila binuksan ang nasabing Bar pero ngayon mag-iisang taon na pala. Nagbrainstorming pa silang lahat kung ano ang gagawin nila. Kanya kanyang ideas sila pero mas nangingibabaw ang mga kalokohan ni Chivas kaya aliw na aliw naman sila. And they ended up with their drinking sessions.
Naglalaro ng mobile game si Alex dahil hindi pa sya inaantok, nakailang game din sya at lagi syang nanalo, yun team nila. Nakahiga na sya ng marinig nya ang ilang katok sa pintuan ng kanyang silid. Kaagad syang tumayo at binuksan ang pinto. Tumambad sa harapan nya ang nakatayong si Keith. Bahagya pa itong nakatungo at nakahawak sa kanto ng pintuan.
"K-keith...may kelangan ka?" Tanong nya dito. Nag-angat ito ng mukha at tiningnan sya nito.
She was stunned for a moment when she met his gaze. He scoffed at nagtaka sya dun.
"Alex."
Mahina nitong sabi. Naamoy ni Alex na amoy alak si Keith.
"Nakainom ka ba? Bakit late ka na naman umuwi?"
Hindi sya nito sinagot, sa halip ay pumasok ito sa kwarto nya at isinara ang pinto. Natigilan naman si Alex sa ginawa ni Keith.