Chapter Eleven

1506 Words
Lagpas na ang hapunan ng mapansin ni Alex na hindi pa umuuwi si Keith, hindi tuloy ito nakakain ng niluto ni Manang Lorie. Nagluto pa naman ito ng Kare-kare na paborito ni Alex. Tinanong pa nya kung nagtira ng ulam para kay Keith pero nasabi nalang na baka daw hindi umuwi sa Mansion at sa Condo nito umuwi. Nakaramdam naman ng lungkot si Alex. "Bakit ko ba sya hinahanap, matanda na sya nuh." Naisip nya, ang laki ng mansion nila tapos may Condominium pa, may Penthouse pa nga daw sa mga Hotel nito eh. "Hayys, ang layo talaga ng agwat natin sa buhay Keith." She heaved a deep sigh. Kinuha nalang nya phone nya para maglaro ng ML. Hindi pa dinadalaw ng antok si Alex kaya hindi sya makatulog. Nagpabiling biling pa sya sa kama, kung ano anong paghiga ang ginawa nya, kung tutuusin masarap matulog sa malambot nyang kama at plus factor pa ang lamig na galing sa aircon. "Namamahay yata ako." Bumangon sya para uminom ng tubig. Narealized nyang hindi sya nakapagdala ng inumin sa kwarto kaya bumaba pa sya papuntang kusina. Binuksan na nya ang fridge at kumuha ng pitsel at kumuha ng isang basong tubig. Dirediretso nyang ininom yun na parang uhaw na uhaw sya. "Why are you still awake?" Isang baritonong boses ang narinig ni Alex mula sa kanyang likuran na ikinagulat nya. Biglang bilis ng t***k ng puso nya na parang gustong kumawala sa dibdib nya dahil sa gulat. "Holy crap! Muntik na akong atakihin sa puso sayo Sir Keith! Bigla ka nalang nagsasalita jan!" Dirediretso nyang tanong dito na para pang hinihingal. Bahagya itong ngumiti. "So, nagulat pala kita. Bakit gising ka pa ng ganitong oras?" "Ahh. ehhh. Bumaba ako para kumuha ng tubig, nakalimutan ko kasing magdala sa kwarto ko." Paliwanag nya. Tiningnan nya si Keith na nakasandal sa may gilid ng pinto. He look exhausted and tired but still handsome, nakakalas na ang necktie nito at medyo magulo na ang buhok. Lumapit ito sa upuan ng mesa at umupo." "Sabi ni Manang Lorie baka hindi ka daw dito umuwi kasi gabi na wala ka pa. Baka daw dumiretso ka na sa Condo mo." Seryosong sabi ni Alex, tinitigan sya ni Keith. "Dito na ko uuwi." Seryoso din nitong sagot at tinitigan na naman sya nito ng makahulugan. Pakiramdam ni Alex umakyat na naman ang lahat ng dugo nya sa mukha nya. "You know what, you're cute when you blush." Feeling ni Alex mas namula pa sya lalo ng marinig ang mga sinabi ni Keith. Tumayo ito at dahang dahan lumapit sa kanya. Nataranta naman si Alex at hindi alam ang gagawin. Tiningnan sya nito mula ulo hanggang paa. Naconscious sya bigla dahil ang suot nya ay oversized white shirt na may print ng Avengers, mahabang short hanggang tuhod saka nakatsinelas na lang sya. Naestatwa na sya sa kinatatayuan nya. Hinawakan sya nito sa ulo at bahagyang ginulo. "Matulog ka na. "Sabi lang nito at tinalikuran na sya. "Goodnight." Pahabol pa nito. Saka lang natauhan si Alex ng makaalis na si Keith. Napahawak sya sa ulo nya. Dali dali syang umakyat paakyat sa kwarto nya at tinalon ang kama ng nakadapa. Hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman nya. Nung una palang naman at sa tuwing nakikita nya si Keith, nagwawala ang kanyang puso sa presence nito. Dumiretso si Keith sa mini bar nya sa may second floor ng mansion at kumuha ng alak. Ganon na lamang ang pagpipigil nya sa sarili kanina ng makita nya si Alex. When he saw her in her oversized white shirt, his burning desire for her came to life. He wanted to touch her, hold her and cage her in his arms and kiss her red lips senselessly. Yun ang naglalaro sa isipan nya ng kaharap nya ito kanina sa kusina. Ang pagpipigil nya ay napunta sa paghawak nito sa ulo ni Alex. Kaya ngayon umiinom na lang sya ng alak panlaban sa nararamdaman nya at baka sakaling madaan sa alak at sa pagligo mamaya. He smirked and what Zach told him earlier flashed back on his mind. "Yeah, I'm doomed." At nilaklak ang alak sa shot glass. Kinabukasan hindi na naabutan ni Alex si Keith, maaga daw itong umalis sabi ni Manang Lorie. May bahagi ng puso nya na nakaramdam ng lungkot. Suot pa naman nya ang scrub suit na pinabigay nito kay Manang Lorie, hindi nito tinupad ang request nyang colorful at cute na scrub suits, pero naging color coordinated naman ang binigay nito, pinabili pa yata ito. Sinuot nya ang color Royal Blue na scrub suit, saktong sakto naman ang sukat sa kanya, binigyan pa sya ng white shoes. Gusto nyang makita sya ni Keith na nakascrub suit but to her dismay, Keith left the mansion earlier than the usual. Nagpunta na sya sa kwarto ni Lolo Joacquin para kumustahin at alagaan. Plano pa naman ng Lolo na mag-exercise sa labas. Kaya pinaghanda nya ito ng Refreshing na juice, all natural fresh fruits. Mabuti nalang din at maganda ang panahon hindi ganon kainit. Nasa may garden na sila ni Lolo Joacquin when her phone rings. Nagregister ang number ni Keith at ang screen name nitong Mr. Alien. Bigla na naman bumilis ang t***k ng puso ni Alex. "Hello?" "What are you doing?" "Nasa garden kami ni Lolo Joacquin, nageexercise sya." "Ah, ok." "Bakit ka napatawag?" "I'm just checking what you're doing. I'll hang up." Naputol na agad ang linya. Nagtataka naman sya bakit kelangan pang itanong yun. Pinagwalang bahala nalang ni Alex. Nakatitig lang si Keith sa cellphone nya habang nakaupo sa board meeting. Tinawagan nya si Alex kahit walang kakwenta kwenta ang reason nya para tawagan eto. He just wanted to hear her voice, that's all. At ngayon gustong gusto na nyang umuwi para makita ang dalaga. Napailing sya bigla. Lagpas hapunan na naman ng hindi na naman umuwi si Keith. Kating kati na si Alex na itext si Keith kung nasan na naman ito pero pinipigilan nya ang kanyang sarili dahil ano bang pakialam nya. May karapatan ba syang magtanong kung san ito nagpupunta at kung ano pa ang mga ginagawa. Pero hindi nya mapigilan magisip at magalala. Bago sa kanya ang mga nararamdaman na iyon. Nagulat pa sya ng biglang magring ang cellphone nya, napaupo sya sa kama ng makita ang screen name ni Keith. "Hello. Sir Keith?" Tanong nya dito. "I know youre still awake. Meet me at the pool side." "Hahh? Sa pool side? Nakauwi ka na?" "Yeah, come here." He commanded. Nagmamadali namang tumayo si Alex at tiningnan ang sarili sa salamin. Maayos naman suot nya, as usual oversized black shirt na may print ng mukha ni Monkey D Luffy ng anime na One piece, saka mahaba ulit na short at tsinelas. Kaagad na syang bumaba at nagtungo sa may pool side. At dun nya nakita si Keith na nakaupo sa pool side, nakalubog ang dalawang paa sa pool. Nilapitan nya ito at napatingin sa kanya ng papalapit na sya. "Anong ginagawa mo dito Sir Keith?" Tanong nya agad. "Bakit gising ka na naman ng gantong oras?" Balik na tanong sa kanya nito. "Hindi pa kasi ako inaantok. "Iniisip kasi kita kung uuwi ka ba o hindi." Gusto nya sanang sabihin pero wala syang lakas ng loob para gawin yun kaya nanahimik na lang sya. Umupo din sya sa tabi ng pool at nilubog din ang paa nya. Itinupi nya ng kunti at short nya sa tuhod para hindi mabasa. Nakita nyang nagiwas ng tingin si Keith. "Bakit nandito ka Sir Keith?" Tanong nya dito. "Can you please drop the Sir, it makes me old." "Ok po Sir Keith." Tiningnan sya nito ng masama. Nagpeace sign sya dito. Tumingin sila pareho sa tubig ng pool. "How's lolo, did he enjoy his exercise?" "Oo naman, masigla nga sya eh. Malakas pa ang katawan ni Lolo Joacquin." "That's good." "May itatanong ako pero about dun sa mga kaibigan mo." "What about them?" Nakita nya ang biglang pagkunot ng noo nito. "Matagal na kaung magkakaibigan? Mukha kasing ang solid nyong tingnan eh." "Yeah, we've been friends since college. We met in the US and we're schoolmates." "That's why. Tapos ang popogi pa nila. Iba iba sila ng level ng kapogian. Tapos ang gagaling pang kumanta." Napatingin sya kay Keith ng natahimik ito. "So, napopogian ka sa kanila?" Mariing tanong nito sa kanya. "Oo kasi pogi naman talaga sila. Mukhang makulit si Chivas, si Luke naman parang ang bait, si Matthew naman parang seryoso sa buhay, tapos si Zach, parang sya naman yung mysterious type-" Hindi na natapos ni Alex ang kanyang sasabihin dahil biglang tumayo si Keith at tinalikuran sya. "Wait lang Keith, sandali---Ahhhh!!!!" Tatayo na sana sya ng biglang dumulas ang paa nya sa gilid ng pool, basa nga pala ang paa nya kaya ang ending naout of balance sya at nahulog sya sa pool. Diretsong paglubog ang nangyari sa kanya hanggang ilalim. Nasa bandang 8th feet na kasi yung pwesto nila. Nagulat naman si Keith sa nangyari at agad tumalon sa pool para sagipin si Alex.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD