Chapter Ten

1504 Words
Tiningnan ulit ni Alex ang mga gamit na dadalhin nya sa "Mansion" daw na pagdadalhan ni Keith sa kanya kung saan sya magsisimulang magtrabaho bilang isang Private Nurse. "Meron naman daw akong gagamitin na uniform kaya ok na tong mga dala ko." Tiningnan nya ang mga dalan nyang mga damit. May mga tshirts, pants, shorts, at mga undergarments nya. Nagdala din sya ng isang hoodie na jacket, nagbaon na din sya ng isang pair ng slippers. Pagkatapos nyang maimpake ang kanyang mga gamit bumaba na sya sa sala. "Anong oras ka daw susunduin ni Keith dito?" Tanong ng tatay Arnold nya. "Wow tay, close na close na kayo ah. Hindi naman po nya sinabi kung anong eksaktong oras." Sagot ko. "Oo naman, mabait na bata naman si Keith. Nagpasalamat ka ba sa kanya ng ihatid ka nya dito gabing gabi at nakainom ka pa?" Tanong nya saken. Sya kasi ang nagbukas ng pinto ng ihatid ako ni Keith dito sa bahay kagabi. "Opo, sabi ko Thank you, kaya ko naman kasing umuwing magisa nun, pahatid hatid pa syang nalalaman." Tiningnan sya ng makahulugan ng tatay nya. Nalaman din kasi nito na si Keith ang may-ari ng Bar na pinuntahan nila. Nang marinig nila ang isang busina at tunog ng sasakyan. Maya maya pa ay nakita na nila si Keith pababa ng kotse nito. Napasinghap si Alex at natulala ng makita ang fresh na fresh na si Keith, pano ba naman nakablack suit na naman ito at pormal na pormal tingnan. "Good morning po Tay." Bati nito sa tatay nya. Tiningnan din nya si Alex na nakatulala padin sa kanya. "Mukhang aakyat ka ng ligaw sa itsura mo Hijo ah." Tudyo sa kanya ni Tatay Arnold. Napangiti si Keith at sinulyapan pa si Alex. "Kung papayagan nyo po ba ako eh di itutuloy ko na." Sagot naman nito na ikinakunot ng noo ni Alex. "Pinagsasabi nitong Alien na lalakeng ito. Aga aga ang gwapo gwapo." Sa isip ni Alex at nagbawi na sya ng tingin. Narinig pa nyang tumawa ang tatay nya. "Tanungin mo muna sya kung papayag." Sagot nito kay Keith. Nagtawanan na silang dalawa. Alex rolled her eyes when Keith flashed her a smirk. "Aalis na ba tayo?" Tanong ni Alex kay Keith. "Yeah, let's go. Lolo is waiting for you." Sagot nito sa kanya. Kinuha na agad ni Alex ang backpack nya at nagsuot ng low cut na black na Chuck Taylor. Tiningnan sya ni Keith. Nakasimpleng tshirt lang sya na black na may print ng Fall Out Boy saka faded skinny jeans. Nagpaalam na sila kay Tatay Arnold at Nanay Nancy, wala si Daryl dahil pumasok na ito sa trabaho. Kagabi pa sya nagpaalam dito. Habang nasa byahe sila, pasimpleng tinitingnan ni Alex si Keith. "Do you want to ask something?" Naunang tanong nito sa kanya na kinagulat nya. "San mo ko dadalhin, umamin ka na? Bakit naka suit ka?" Tanong ni Alex kay Keith. "What? Sa bahay kita dadalhin, nandun ang lolo ko. After kitang maihatid papasok pa ako sa trabaho ko." Paliwanag nito sa kanya. "Ahh. Ok kala ko kasi dadalhin mo ako kung san eh." "You're crazy." At tumawa pa ito. Tinaasan nya ng kilay si Keith. At lumipas ang ilan pang minuto at tumambad sa harapan nila ang isang magarang subdivision. Namangha si Alex sa mga nakikitang bahay. At huminto sila sa isang malaking gate na kulay itim at kusa pang bumukas iyon. "Bumaba ka na." Utos sa kanya ni Keith. Dali daling bumaba si Alex at napamaang sa tanawin na tumambad sa kanya. "Woww!" Isa ngang mansion ang nakikita nya. May malawak pang garden. "Ang ganda." Nasabi nalang nya. "Let's go inside." Yaya ni Keith sa kanya at napasunod na lang sya dito habang iniikot ang mata sa paligid. "Totoo ngang Mansion to. Hindi pala sya talaga nagbibiro. Yayamanin talaga ang Alien na to." Sa isip ni Alex. Nadatnan nila si Lolo Joacquin sa may hapagkainan at kumakain ng Breakfast. Napatingin ito sa kanilang pagdating. "Lo, this is Alexandrea, she will be your private nurse. Alex, he is my Lolo Joaquin." Pakilala ni Keith. Kaagad lumapit si Alex at nagmano pa. Napangiti naman si Lolo Joaquin. "Good morning po Sir. Alex nalang po ang itawag nyo po sakin. Aalagaan ko po kayong mabuti sa abot ng aking makakaya." Pakilala ni Alex. "That's great to hear Alex. Take care of me then." Sabi sa kanya ng Lolo. "I'll show you your room. Come." Sabi pa ni Keith. "Ahh. Ok. Maiwan ko po muna kayo Sir Joacquin." Paalam ni Alex. "Call me Lolo Joacquin Alex." "Ahh. Ok lang po ba?" Tiningnan pa nya si Keith at hinihintay ang reaksyon nito. Nang wala naman itong naging violent reaction. "Cge po Lolo Joacquin." At dinala sya ni Keith sa second floor, malapit sa silid ni Lolo Joacquin. Namangha din sya sa paligid. At pagbukas ng pinto ng kanyang magiging silid. Napamaang na naman sya sa laki ng magiging kwarto nya. "Sure ka ba na ito ang kwarto ko?" Tanong nya kay Keith ng hindi nakatingin. "Ayaw mo ba?" Tanong nito sa kanya. "Hindi naman sa ganon, hindi lang ako makapaniwala sa laki ng kwarto na to. Kasing laki na to ng bahay namin eh isama mo pa yun labas." Tinawanan sya ng bahagya ni Keith. "Sige iexplore mo muna tong kwarto mo, paakyatin ko nalang si Manang Lorie, sya na bahalang sumama sa iyo kung gusto mong ikutin tong mansion. I have to go, i have a meeting." "Okies. Bye." Paalam ni Alex kay Keith. "Bye, see you tonight." Saka tumalikod at naglakad palabas. Sinara na din nya ang pinto. At agad agad tumalon si Alex sa malambot na puting higaan. "Wowww. Ang lambot lambot ng kama." Nagpaikot ikot pa sya at niyakap ang mga unan. Maya maya pa ay may kumatok sa pintuan at ng pagbuksan nya ay isang may edad ng babae. "Hello po." Agad na bati ni Alex. "Hello po Mam. Kung may kelangan daw po kayo agad nyo pong sabihin saken, bilin po ni Sir Keith. Ako nga pala si Manang Lorie." "Alex po ang pangalan ko. Kumusta po kayo?" Hinawakan ni Alex ang kamay nya at nagmano. Nagulat pa sandali si Manang Lorie saka ngumiti. "Magalang kang bata. Halika na at ipapasyal kita." "Sige po Manang Lorie." Excited na sagot ni Alex. Itinabi muna nya ang dala nyang gamit saka sumama palabas. Nasa gitna ng meeting si Keith kasama ang ilang bagong investors. May plano syang magtayo ng isang beach resort sa may Puerto Prinsesa, Palawan. Nacheck na nila ang location at napakafeaseble nitong tayuan ng resort. Inaayos nalang nila ang ibang detalye para maumpisahan na ang land developing at construction. Pasado lunchtime na ng matapos ang meeting nila. Pagbalik nya sa office nya, napatingin sya sa kanyang bisita. Nakasandal ito sa office table nya. "What brings you here, Zach?" Tanong nya dito. "Visiting you, I guess?" Nginisian pa sya nito. Umupo na si Keith sa may swivel chair nya at nakatayo pa din sa Zach sa may harapan nya at naglakad lakad papunta sa glass wall. "Matthew is planning something on our Anniversary." "Anniversary?" Taka nyang tanong. "Yeah, Legend Anniversary. Have you forgotten bro?" "Oh f**k. Next week right.? What he's up to?" "I dont know. Don't you have any idea?" Napakibit balikat si Keith. Tiningnan sya ni Zach ng makahulugan. "What now asshole?" "I just noticed something. That's the first time you paid attention to a woman. And based on how you react the other night, Hmmmmn. You're doomed Bro." Tinawanan pa sya nito. Tiningnan sya ng masama ni Keith. "Get out you asshole." Nakangiting sabi ni Keith. "Kain muna tayo ng Lunch. Nagutom ako sa tagal ng meeting kanina." Yaya ni Keith kay Zach. "Libre mo ako." "Ganda ng porma mo tapos wala kang pera?" Pang-aasar ni Keith kay Zach. Magkasabay na silang lumabas ng opisina. Magkasama si Lolo Joacquin at Alex sa garden ng kinahapunan. Madami na silang napagusapan kasama na ang mga naging sakit at naramdaman ni Lolo Joacquin. Naikwento nadin ni Alex kung ano ang naging trabaho nya at kung pano nya hindi napursue ang Nursing career nya. "Kung gusto mo ng magtrabaho sa Hospital, just tell me, I can recommend you to a fine hospital abroad. You can work there and I'll take care everything." Offer sa kanya ng Lolo. Nagulat naman si Alex sa sinabi nito. "Hahh? Pareho po kayo ni Keith, nagbibigay ng job offer." Sagot ni Alex na tinawanan ni Lolo Keith. "Ayoko po muna Lo, aalagaan pa kita eh. Saka baka hindi ko po kayanin lalo na kung sa abroad, hindi ko po kayang iwanan ang pamilya ko." Dagdag pa nya. "Nakakatuwa ka naman Hija, you love your family so much." "Syempre po, kahit sino naman po yata mahal nila ang pamilya nila." Napatango naman si Lolo Joacquin. "Lo, pasok na po tayo. Baka mahamugan na po kayo, sige ka po sisipunin ka." Sabi pa ni Alex. "Oh sige na nga. Tingnan natin ang lulutuin ng hapunan ni Lorie." "Sige po Lo. Let's go!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD