Chapter Nine

1602 Words
Nagsayaw pa sa dance floor sila Alex, Andrea at Dawn matapos magperform ang The Legends. Pagod silang bumalik sa table nila at nagorder pa ng beers. "I'm so fired up!" Sigaw ni Dawn."Ngayon ko nalang ulit ito naramdaman. Nakapaglabas din ng stress sa wakas." Dagdag pa nito. "Puro ka kasi OT, nabuburn out ka na din." Dagdag gatong ni Andrea. "Wahhh. Mamimiss ko kayo talaga. Hindi ko na kayo makakasama magpig ou after shift. Hindi ko na kayo makakasama magcoffee break." Sabi ni Alex na naluluha pa. "Hindi naman natatapos ang communication at friendship natin sa pagreresign mo. We are just one chat away. Pwede padin naman tayo gumala at magBar katulad nito kapag free tayong tatlo." Paliwanag ni Andrea. "Andi is right. We can still pig out, we can still eat samgyup." Dagdag ni Dawn. Natuwa naman si Alex sa nga sinabi ng mga kaibigan nya. "Dahil dyan. Cheers to our friendship!!! Sigaw nilang tatlo at sabay sabay uminom ng beer. Hindi pa naman sila mga lasing, nasa mga tamang katinuan pa naman silang tatlo. "Magcomfort room muna ako guys ah." Paalam ni Alex sa dalawa. "Ang bilis mu naman isuka un alak Lex." Pangaasar ni Dawn. "I'll just pee noh." At pumunta na sya ng ladies room. After magpee ni Alex, nagretouch pa sya sandali. Nagpowder lang sya at kunting lipstick, inamoy din nya ang sarili nya at nagspray din ng perfume. Tiningnan nya ang paligid ng comfort room. "Pati CR mukhang pangsosyal." Comment nya sa paligid. Lumabas na sya ng Ladies room at dumiretso sa may bartender. "1 tequilla shot please." Ibinigay naman ang nirequest nya. Magisa lang syang nakaupo ng may lumapit sa kanya. "Are you alone Miss? Need company?" Tiningnan ni Alex kung sino yun tumabi sa kanya. Isang lalake na gwapo din naman at naaamoy na nya ang alak sa hininga nito. "No, I'm with my friends." Tipid nyang sagot sabay inom sa shot glass. Umupo pa ito sa tabi nya. "One dry Martinni, Please." Nagorder nadin ito. "I'm Russel Rivero by the way." Itinaas pa nito ang kamay para makipagshakehands na tinanggap ni Alex. "I'm Alex." Nginitian sya ni Russel. "Andun un mga kaibigan ko." Tinuro pa nya ang table nila. "I see. Care for another shot? My treat." "I'm good." "I insist, just one more. Ladies drink for this beautiful lady beside me." Inabutan naman sya ng isa pang shot glass. Nagcheers pa silang dalawa. Papunta si Keith sa may bartender ng may makita syang pamilyar na babae. Nakaside view palang ito, nagsalubong ang kilay nya ng mamukhaan nya ang babaeng nakikipaginuman sa isang lalake. Nagigting ang kanyang mga panga at nagmamadali pinuntahan si Alex. Iinumin na ni Alex ang isa pang shot ng ladies drink ng biglang may umagaw nito sa kanya. Nagulat sya bigla at napatingin sa nangahas na agawin ang iniinom nya. Napaawang ang labi nya ng makita ang galit na hitsura ni Keith. "K-keith..." "Let's go!" Mariin nitong sabi sa kanya sabay hila sa braso nya. Napatayo sya at nadala sa paghila ni Keith sa kanya. "Hey! What do you think you're doing?" Habol na tanong ni Russel kay Keith. "Get lost!" Natameme nalang si Russel ng bigyan sya ng matalim na tingin ni Keith. Napatingin nalang si Alex kay Russel. Mariin ang paghawak ni Keith sa braso ni Alex. "Keith, nasasaktan ako." Pinilit nyang kumalas sa pagkakahawak ni Keith pero masyado itong mahigpit. Nagulat na lang sya ng dalhin sya nito sa isang VIP room sa second floor ng Bar. Padabog na sinara ni Keith ang pinto saka nya binitiwan si Alex. "Awww. Makahila ka naman wagas, ang higpit pa ng hawak mo. Tingnan mo namumula na yung braso ko." Pinakita pa nya kay Keith yung namumulang part. "What are you doing here?" Galit na tanong nito sa kanya. Nakikita nya ang pamumula ng tenga ni Keith. "Nagpaparty!" Tipid nyang sagot. "What are you doing with that guy?" Isa pa nitong tanong. Nakikita nya ang galit sa mga mata nito. "Tumabi sya saken eh, tapos nilibre ako ng ladies drink." She heard him scoffed. "Ang sabi mo saken magpapahinga ka at magdaday off bukas, but here you are, drinking with some random guy." "Kasama ko mga kaibigan ko, baka hinahanap na ako ng mga yun, bakit mo kasi ako dinala dito?" Papagalitan mo lang pala ako. Nakikita ni Alex ang pagpipigil ng galit ni Keith, pero hindi nya maintindihan kung bakit at kung para san. "And look what youre wearing." Muli na namang nagigting ang panga nito matapos syang tingnan mula ulo hanggang paa. "Anung masama sa suot ko? Alangan naman magpantulog ako sa Bar." Pilosopong sagot ni Alex. She is wearing a 3 inches above the knee black off shoulder dress, medyo fitted ito sa kanyang katawan at tinernuhan nya ng black 2 inches stilletos. Inayos pa nya ang buhok nya at nilagyan ng malalaking curls sa dulo. Sa tingin naman ni Alex sa sarili nya, maganda sya ngayong gabi. "Babalik na ko sa mga kasama ko." Palabas na ng pinto si Alex ng kusa itong bumukas at nagsipasukan ang 4 na gwapong nilalang. Kung nagulat sya sa mga ito, mas nagulat din ang mga ito. Pero agad nagbawi at napalitan ng mga ngisi. "Look what we have here, may bisita ka pala bro. Kaya ka pa biglang nawala. Nandito ka lang pala." Pangaasar ni Chivas sabay upo sa malawak na sofa. "Hi, Miss Beautiful. I'm Luke." Nakipagshakehands pa sya at sumunod din ang mga kasama pa nito. "I'm Chivas." "Zach here." "I'm Matthew. We are Keith's friends, and you are?" Tanong sa kanya ni Matthew. "I'm Alexandrea. Alex for short." Nakipagshakehands din sya sa lahat. Hindi pa sya tapos makipagshakehands kay Chivas ng hinawi na agad ni Keith ang kanilang mga kamay. Napatingin si Alex kay Keith, samantalang nagngisian naman ang mga kaibigan nito. "Bawal ba ang panget sa grupo nyo?" Seryoso nyang tanong sa mga ito, nagpalipat-lipat pa sya ng tingin sa limang lalake. Tumawa silang lahat maliban kay Keith. "Oo number 1 requirement yan sa grupo namin." Sagot ni Luke habang nangingiti. Matagal na kayong magkakilala nitong bro namin na si Keith?" Tanong nito sa kanya. "Hindi naman, magwowork ako sa kanya eh." Sagot ni Alex. Tiningnan nila si Keith. "She's the one I'm talking about Zach. She will be my Lolo's private nurse." Seryosong sagot ni Keith. "Ohhh. I see, that's why." Zach gave them a wide smile. "Did you watch our show earlier?" He added. "Yup, ang gagaling nyo nga lahat eh. Ang gaganda ng mga boses nyo. Lahat yata ng mga babae nagsisigawan at nagsisitilian eh. Ang sakit kaya sa tenga." "Si Keith, ayos ba performance nya?" Malokong tanong ni Chivas sa kanya. "Chivas." Mariin na sabi ni Keith sabay ang matalim na tingin. Ngumisi lang ito sa kanya. "O.oo naman. Galing nga nya eh. Magaling pala syang kumanta." Sagot ni Alex sabay tingin kay Keith. Nagtama ang kanilang mga mata, una ng nagiwas si Alex. Hindi nakaligtas sa mga mata ng mga kaibigan ni Keith ang tinginan nilang iyon. "Ilang taon ka na Alex?" Tanong ni Matthew sa kanya. "I'm 28." "You have a boyfriend?" Si Zach naman ang naglakas loob na itanong yun at umiling naman sya. Ngumiti lang ito sa kanya. "Enough of your questions. I'll take you home Alex." Mariin na sabi ni Keith kay Alex. "Hahhh? May mga kasama ako sa baba. Sabay sabay kaming uuwi. Baka hanapin nila ako." "Tell them that I'll take you home. And thats final." Napamaang nalang si Alex sa utos ni Keith sa kanya. Nainis na si Alex at hinarap si Keith. "May mga kasama akong nagpunta dito at sila din ang kasama kong uuwi!" Nakipagtitigan sya kay Keith. Nakatingin lang ang mga kaibigan nito. Wala din nagawa si Alex kundi ang sumunod kay Keith. Pinuntahan nya sila Dawn at Andrea na kanina pa pala sya hinahanap. Napamaang ang dalawa ng makita nilang kasama si Keith. "Kaya ka pala nawala Lex ah." Pangaasar ni Andrea. "Hi! Ikaw yung vocalist/drummer kanina diba? I'm Andrea." "And I'm Dawn. We're Alex friends." Nakangiting pakilala ng dalawa. Nakipagshake hands pa na tinanggap naman ni Keith. "I'm Keith. I'll take her home, I hope you dont mind." Paalam ni Keith sa dalawa. Nagkatinginan pa sila. "Mukhang madami na kasing syang nainom. Dont worry alam ko ang bahay nila." "Alam mo?" Sabay pa ang dalawa. "Si Keith ang magiging Boss ko. Lolo nya un aalagaan ko." Paliwanag ni Alex. "Ahh ok. Sa kanila ka pala magpaprivate nurse. Ok sige, ihatid mo na sya Keith. Kami ng bahala sa mga sarili namin." Sagot ni Andrea." Go Alex, take care and see you around." Nagyakapan pa silang tatlo. "Bye Keith, ihatid mo ng buo yang kaibigan namin." Pahabol na sabi ni Dawn. "I will. Bye." Sagot naman ni Keith. Tahimik na nagmamaneho si Keith, hindi din makapagsalita si Alex dahil nararamdaman nya ang tension sa kanilang dalawa ni Keith. "Kaya ko naman umuwi, kasama ko naman sila Andi at Dawn." Basag nya sa katahimikan. "Bakit parepareho ba kayo ng uuwian? Tanong nito sa kanya. Natigilan sya. "Hindi, magtataxi naman ako pauwi. Yun ang ibig kong sabihin." "Magtataxi ka magisa na ganyan ang itsura mo, nakainom ka pa. That's dangerous, dont you know that?" Seryoso nitong sagot. Nakaramdam si Alex ng care sa sinabi ni Keith pero may inis din dahil parang nakikialam naman ito sa kanya, hindi naman sila close. Natahimik nalang sya. Hindi nya kayang makipagtalo sa lalakeng ito. "I'll pick you up on Monday. Pack your things and I'll bring you to the mansion." Napatingin si Alex kay Keith. "Mansion?" Tiningnan din sya ni Keith at tumango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD