Belle POV Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang huli kaming magkausap ni Randy. Kaya medyo nagulat ako nang maabutan ko siya sa sala, kalaro si Liran. Sakto pa naman, nagbibiruan kami ni Calix noon. Hinalikan niya ang kamay ko dahil sabi ko, “’Yan na lang muna, practice.” Hindi pa kasi siya nakakahalik sa akin kaya tinutukso ko siya. Pero agad kaming parehong natigilan nang magtama ang mga mata namin ni Randy. “Anong ginagawa mo rito?” malamig kong tanong. “Bakit wala kang pasabi na pupunta ka sa bahay ko? Sino ang nagpapasok sa ’yo?” May tigas sa boses ko; ayokong masanay si Randy na basta-basta na lang pumapasok dito. “A-Ate Belle, sorry... ako po ang nagpapasok sa kanya,” sabat ni Amara, ang nakakabata kong pinsan. Halatang natataranta. “Kasi nakita na siya ni Liran, kaya pina

