Almira POV Nurse on duty siya ngayong umaga pero parang hinahabol siya ng orasan habang nagmamadaling dumidiretso sa corridor. Marami rin ang nainom nila ng mga kaibigan niya. Hindi uminom dahil nabalitaan niya na si Calix at Belle na ppala. No Hurts feeling. Happy ako sa kanila. Sa pagmamadali niya—BLAG!—nabungo niya ang isang lalaking naka-hood at naka-mask. Muntik na siyang matumba. “Ay!” gulat niyang sigaw, sabay hawak sa braso. Pero imbes na tumingin kung sino ang binangga niya, tumakbo na lang siya papunta sa nurse’s station. “Naku, late na ako!” bulong niya habang kumakaripas ng takbo. Nanatili namang nakatayo ang lalaki, bahagyang hawak ang dibdib na tinamaan. Napakunot ang noo niya. Hindi man lang nag-sorry? Bago pa siya makagalaw, napansin niyang may nahulog mula sa bag n

