Hindi mawala ang ngiti nina Calix at Belle habang nagtatrabaho. Si Calix ang nag-aasikaso ng mga dapat bigyang-priority para sa mga catering events, habang si Belle naman ay abala sa restaurant. Kahit na pag-aari ni Belle ang lugar, hindi pa rin maiwasan ni Calix na tumulong, kahit gaano pa siya ka-busy. Pagsapit ng tanghalian, sobra ang pag-aasikaso ni Belle kay Calix. Siya mismo ang naghain ng pagkain nito, at siya rin ang naglagay sa plato ng kakainin ng binata. Ganun talaga siya magmahal—lahat ng paraan para maipakita ang pag-aalaga, ginagawa niya. Saglit siyang natigilan. Naalala niya si Randy, kung paanong dati ay siya rin ang gumagawa ng lahat, pero unti-unti itong naging tamad, pati sa simpleng pagkain at pagbibihis. At sa huli, iniwan din silang mag-ina. Napakapit siya sa gilid

