Belle’s POV Pag-uwi niya galing sa restaurant, tahimik lang si Belle habang nag-aalis ng alahas sa harap ng salamin. Dapat masaya siya, maayos na ulit ang usapan nila ni Randy tungkol kay Liran. Pero bakit parang may kung anong bigat sa dibdib niya? Napabuntong-hininga siya. Calix. Naalala niya ang mukha nito kanina, ang paraan ng pagsulyap, laging may bahid ng pag-aalala kahit hindi nito sabihin. Si Calix na laging nariyan kapag kailangan niya ng kasama, pero marunong ding lumayo kapag alam niyang hindi na siya dapat manatili. Hindi niya alam kung kailan nagsimulang maging komplikado ang lahat. Ang gusto lang naman niya noon ay maayos ang buhay nila ni Liran. Pero nang dumating si Calix, parang unti-unting nagbago ang mundo niya. Pero may hangganan ang lahat, bulong niya sa sarili.

