Calix’s POV Naisipan niyang mag-unwind muna, makapag-isip-isip. Kanina lang ay nagkuwento si Belle tungkol sa pagkikita nila ni Randy. Humingi raw ito ng tawad at gusto muling makipag-ugnayan—hindi para sa kanila, kundi para sa anak nilang si Liran. Nang marinig niya iyon, tila may kung anong kumurot sa dibdib ni Calix. Gusto man niyang magselos, alam niyang wala siyang karapatan. Tama naman si Randy na ayusin ang relasyon nila ni Belle bilang mga magulang. Anak pa rin nila si Liran, at kahit matagal nang hiwalay ang dalawa, may koneksyon pa ring hindi dapat maputol. Kaya heto siya ngayon, mag-isa sa isang resto-bar. Sa harap niya, kalahating baso ng whisky, tahimik na saksi sa mga tanong na ayaw niyang sagutin. Tahimik siyang nakaupo sa sulok ng resto-bar, hawak ang baso ng whisky ha

