Belle POV
Kinabahan ako pagpasok sa lobby ng kumpanya ni Calix. Ang lalaki ng building, ang linis, at ang mga empleyado ang gaganda ng suot. Para akong naligaw.
“Belle!” Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Calix. Nakangiti siya habang papalapit.
“Good morning,” mahina kong bati, halos hindi makatingin sa kanya.
“Relax,” natatawang sabi niya. “You’ll be fine. Halika, I’ll introduce you to Mrs. Mica.”
Habang naglalakad kami, ramdam kong nakatingin sa amin ang ibang empleyado. Parang lalo akong ninerbiyos.
“You don’t have to be nervous,” bulong ni Calix habang bahagyang yumuko sa akin. “You’re here because I believe you can do this.”
Napatingin ako sa kanya, nagulat sa sinabi niya. Napangiti lang siya, tapos tumingin ulit sa harap.
Ipinakilala niya ako kay Mrs. Mica, isang eleganteng babae na agad akong binati.
“Belle will be working with you starting today,” sabi ni Calix. “She’s good with food, so make sure you teach her everything.”
“Of course,” sagot ni Mrs. Mica na nakangiti rin.
Bago siya umalis, lumingon muna si Calix sa akin. “You’ll do great. Call me if you need anything.”
Habang papalayo siya, hindi ko maiwasang mapatingin. For some reason, parang gumaan ang kaba ko.
Randy POV
Nagulat ako nang makita si Belle sa kumpanya. Hindi ko in-expect na nandito siya, naka-ID pa at kasama ni Mrs. Mica.
“Belle?!” halos pabulong pero may diin ang boses ko. “Anong ginagawa mo dito?”
Humarap siya sa akin, kalmado pero matatag.
“Sinasabi ko naman sa ’yo dati, Randy. Ayaw mo makinig. Ngayon, nandito na ako.”
Napakamot ako ng ulo. Paano ’to?
Kung malalaman ni Chloe na nandito na si Belle, patay ako. Pero… ibang department naman si Chloe. Baka hindi sila magkita.
“Hindi ka man lang nagpaalam,” sabi ko sa kanya, pero wala nang inis sa boses ko, parang pagod na lang.
“Pinag-usapan na natin dati, Randy. Ayoko sa bahay lang. Ngayon, desisyon ko na ’to.”
Napabuntong-hininga ako. Bahala na… Sana lang hindi magkrus ang landas nila ni Chloe.
Randy POV
Nagpatawag ng biglaang meeting ang Head Sales Manager.
“Team, we have a big project coming in,” seryosong sabi nito. “We need everyone to stay tonight for overtime. Kailangan nating pag-aralan ito para makuha natin ang account.”
Narinig ko ang bulungan ng mga kasamahan ko, halatang ayaw din nilang ma-late umuwi. Pero wala kaming choice, malaking project ito.
Napatingin ako kay Chloe sa kabilang mesa. Nagkatinginan kami pareho, parehong may kaba sa mata. Patay, naisip ko. Hindi na tayo makakapagkita ngayon.
At nandito pa si Belle sa kabilang department — wala akong lusot.
Tahimik lang akong umupo habang nakikinig sa meeting. Pero sa loob-loob ko, nag-aalala ako. Hindi ko alam kung paano ko mamanage ang gabi — Belle is here, Chloe is here, at may overtime pa kami.
Calix POV
Nasa office ako at tinitingnan ang CCTV feed ng production floor nang mapansin ko si Randy at Chloe. Halata sa body language nila, parehong stressed, parang nag-aaway nang pabulong. Napailing ako at napangisi.
“Tsk, tsk…” bulong ko sa sarili ko. “You’re digging your own grave, Randy.”
Hindi ko napigilang matawa. Ang saya kong makita na, kahit paano, hindi na siya makakagalaw ng malaya.
Lumipat ako ng feed at nakita ko si Belle sa canteen, tahimik na kumakain habang nagbabasa sa phone niya. Napahinto ako at napangiti.
She looks calmer now… good.
Tumayo ako at kinuha ang coat ko. “Baba nga ako,” mahina kong sabi. “Kamustahin ko siya.”
Belle POV
Nagulat ako nang makita si Calix na papalapit.
“Belle,” bati niya, nakangiti. “How’s your first day?”
“Okay naman po,” mahinang sagot ko, medyo nahihiya.
“Good. I just wanted to check on you,” sabi niya, nakatingin sa akin na parang tinitiyak na ayos lang ako. “Kung may kailangan ka, just tell me.”
“Salamat po,” sabi ko, at hindi ko alam kung bakit pero gumaan ang loob ko.
Habang umaalis siya, hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero parang mas safe ako kapag nandyan siya.
Belle POV
Okay naman ang first day ko sa kumpanya ni Calix. Mababait ang mga kasamahan ko, at marami akong natutunan kay Ms. Mica. Masaya ako na kahit first day ko pa lang, tinuturuan na nila ako nang maayos.
Bago ako umuwi, nagpaalam muna ako kay Calix.
“Sir, uuwi na po ako. Salamat sa lahat ng tulong n’yo today.”
Nakangiti siya. “Good job today, Belle. Get some rest — you have a long week ahead.”
Sandali siyang natigilan, halatang gusto niya akong ihatid. Pero umiling siya. “Ingat ka pauwi.”
Tumango ako at ngumiti. “Opo.”
Habang naglalakad palabas ng building, napatingin ako sa salamin at napansin kong nakangiti pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit pero parang magaan ang pakiramdam ko.
Calix POV
Pinanood ko siyang palabas ng building mula sa CCTV. Napabuntong-hininga ako.
Gusto ko sanang ihatid ka, Belle, bulong ko sa sarili ko, pero hindi pwede. I’m still your boss — at may asawa ka pa.
Umupo ako pabalik sa upuan ko, pero hindi mawala sa isip ko ang ngiti niya bago siya umalis.
Belle POV
Masaya akong umuwi ng bahay. Excited akong ikwento kay Randy ang unang araw ko sa company ni Calix.
“Randy! Ang dami kong natutunan kay Ms. Mica kanina,” sabik kong bungad habang inaalis ang sapatos. “Tinuruan niya ako kung paano gumawa ng meal plan at kung paano i-balance ang nutrition para sa mga clients nila. Ang saya! Tapos ang bait ng mga kasama ko—”
Pero hindi man lang siya lumingon mula sa sofa. Nakahiga lang siya doon, hawak ang phone, halatang pagod.
“Hmm. Good for you,” malamig niyang sagot. “Pakikuha na lang ng makakain. Gutom na ako. Ang haba ng OT namin kanina.”
Natigilan ako. Sandali akong tumingin sa kanya, hinihintay na baka magtanong man lang siya kung kumusta ako. Pero wala.
“O… sige.” mahina kong sabi, at dumiretso sa kusina.
Habang naghahain ako ng pagkain, unti-unting nawala ang ngiti ko. Ni hindi man lang siya interesado… kahit first day ko kanina.
Tahimik kaming kumain nang gabing iyon. Siya, abala sa phone; ako naman, nag-iisip kung tama ba ang nararamdaman kong lungkot at pagkadismaya.
Belle POV
Kinabukasan, bago pumasok sa opisina, dumaan muna ako sa bahay ng pinsan kong si Amara.
“Amara,” tawag ko habang nakaupo siya sa balkonahe, tahimik lang at walang kibo.
“Ate Belle,” tipid niyang bati. Kita sa mukha niya ang bigat ng pinagdadaanan.
“Kinamusta kita,” sabi ko habang umupo sa tabi niya. “Narinig ko na nahinto ka muna sa pag-aaral…”
Napayuko siya. “Oo ate. Wala na po kasi kaming pang-tuition. Ang dami pang utang ni Daddy dahil sa pagsusugal… simula nang mamatay si Mama, parang nawalan na siya ng direksyon.”
Naramdaman ko ang kurot sa puso ko. Hinawakan ko ang kamay ni Amara.
“Alam mo, kung gusto mo… dito ka muna sa amin. Magbantay ka kay Lira habang nasa trabaho ako. At least may gagawin ka, makakatulong ka sa amin, at hindi ka lang mai-stress sa bahay ninyo.”
Nagulat siya, pero nakita ko ang bahagyang pag-asa sa mata niya. “Talaga, Ate Belle?”
“Oo naman,” ngumiti ako. “Gusto ko rin na may kasama si Lira na maaasahan ko. Tiwala ako sa ’yo.”
Tumango siya at napangiti, unang beses ko siyang nakitang ngumiti ulit matapos ang matagal.
Habang pauwi ako, kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. At least, isa itong bagay na maayos ko sa ngayon.