Calix POV
Nakakunot ang noo niya nang makita si Randy at Chloe na magkasabay. Hindi siya nagpahalata pero ramdam niya ang sweetness ng dalawa. There’s definitely something going on between them, bulong niya sa sarili.
Parang detective si Calix na patago na nagmamasid sa dalawang empleyado. Sinundan niya ang mga ito hanggang parking area, doon sa isang tagong sulok. At doon niya nakita – naghahalikan ang dalawa.
Biglang sumulak ang dugo niya sa galit . Niloloko niya si Belle?
What the hell am I doing? napahinto siya. Since when did I start caring about my employees’ personal lives? I don’t give a damn about anyone’s business... but because Randy is Belle’s husband—Belle, the woman who caught my attention—I can’t just ignore this.
Naramdaman ni Calix ang gigil niya sa dalawa, para bang gusto niyang sugurin si Randy. Pero pinigilan niya ang sarili.
Calm down, Calix. Don’t lose it. Not here, not now.
Belle’s POV
Napakunot ang noo niya nang makita si Calix sa tapat ng bahay nila, alas-otso na ng gabi.
“Hello, Sir. Natatandaan niyo pa po ba ako? Ako po si Belle, yung nagtitinda ng ulam.” Nakangiting bati ni Belle. Matagal-tagal na rin niyang hindi nakikita si Calix, siguro mga isang buwan na. Naisip niya tuloy kung baka nakalimutan na siya nito.
Medyo kinabahan siya nang titigan siya ni Calix. Malalim kasi ang tingin nito, parang binabasa ang kaluluwa niya.
Ngumiti si Calix. “Of course. Ikaw pa.”
“Napadaan lang po kayo?” tanong niya, pilit pinapakalma ang sarili.
“Yes, I just dropped by my office,” sagot ni Calix, kahit ang totoo’y nami-miss na niya makita ang mukha ni Belle.
Ngumiti si Belle at marahang tumango. “Sige po, papasok na ako sa loob.” Paalam niya at tumalikod na sana.
Pero biglang hinawakan ni Calix ang kamay niya.
“Wait. Kumusta? Nandiyan na ba si Randy? Si Lira, how is she?” tanong nito.
Pasimpleng binawi ni Belle ang kamay niya, ramdam ang kakaibang kaba sa dibdib. “Okay naman po si Lira. Wala pa si Randy… lagi po siyang O.T. sa company niyo. Busy masyado.”
Nagulat si Calix. “What? Well, I don’t know. I mean, they have their own departments and managers. I’ll ask around bakit lagi siyang overtime.”
Umiling si Belle, pilit ngumiti. “Naku, Sir, wag na po. Okay lang po. Baka makaabala pa.”
Pero sa loob-loob niya, biglang sumagi sa isip ang tanong, totoo kaya ang mga sinasabi ni Randy tungkol sa trabaho?
Belle, gusto mo bang magtrabaho? Hiring sa company ko. Para naman hindi ka lang patinda-tinda ng ulam, puwede mong magamit ang skills mo sa pagluluto para umasenso ka at ma-improve ang sarili mo. Hindi puwede na sa bahay ka lang habang bata ka pa. Build your own career. Maari kitang tulungan.” sabi ni Calix.
Natigilan si Belle. In a way, tama naman ang lalaki. Napaisip siya ,lagi nga iyon ang sinasabi sa kanya ni Randy, na huwag lang siyang manatili sa bahay.
“Pero yung skills ko na ‘yon ay pangtinda lang,” maingat niyang sagot.
“Puwede kang mag-aral para ma-improve ang cooking skills mo,” nakangiti si Calix. “At the same time, magwo-work ka sa company ko bilang isa sa staff ni Mrs. Mica, ang aking nutritionist.”
Alanganin siyang ngumiti. “Sige, pag-iisipan ko. Salamat.”
Tumango si Calix. “Pag-isipan mong mabuti. Sige, late na, mauna na ako.” paalam nito.
Calix POV
Habang nagda-drive pauwi, I kept thinking about Belle.
I really want her to join my company — not just to give her a decent job, but so she can also keep an eye on Randy. I’ve seen the way that guy moves, and honestly, I don’t trust him. Something tells me he’s hiding things from her.
Sayang si Belle if she just stays home. She has talent, passion, and drive. With the right opportunity, she could really go far — farther than Randy probably gives her credit for.
Napangiti ako nang bahagya. There’s something about helping her that feels… right. Maybe I just don’t like the idea of her wasting her time waiting for a husband who might not even deserve her.
Napabuntong-hininga ako. I just hope she takes my offer seriously. This isn’t just about a job — it’s about her seeing her own worth. And maybe… I just want to be the reason she smiles, not him.
Humanda ka, Randy. Sinasabi mo lang na may OT ka sa office ko, ha? I can manipulate that. I can talk to your sales manager, make sure na may totoong OT ka — para hindi ka makagawa ng kalokohan.
Napangisi ako habang nakatingin sa kalsada. If you think you can keep playing around behind Belle’s back, you’re wrong. Hindi ko hahayaan na masaktan pa siya.
Sayang si Belle kung palaging ganito ang buhay niya — naghihintay, nagtitiis. She deserves better. She deserves to see her own worth.
Humigpit ang hawak ko sa manibela. I want her in my company. I want her where I can see her, where I can make sure she’s okay. Maybe I’m crossing a line, but I don’t care. I just don’t want to see her cry because of that guy again.
Masaya si Belle nang salubungin si Randy pag-uwi nito sa bahay.
“Randy, may sasabihin ako sa ’yo… alam mo ba—” nakangiti niyang bungad, sabik ikwento ang nangyari sa kanya.
“Sorry, Belle. Bukas na lang, I’m so tired,” putol agad ni Randy. “Matutulog na ako, magpapalit lang ako ng damit. Paki-ready na lang ang damit ko. Magwa-wash lang ako ng katawan.”
“Nasan si Lira?” tanong pa nito habang papunta sa kuwarto.
Natigilan si Belle. “Tulog na…” mahinang sagot niya.
Tumango lang si Randy at tinalikuran siya.
Napatingin na lang si Belle habang papalayo ang asawa. Unti-unting nawala ang saya sa mukha niya, at napalitan ng bigat sa dibdib.
Ganito na lang ba palagi? bulong niya sa sarili. Lagi siyang nauuna na masabik, pero laging nabibitin. Naalala niya bigla ang sinabi ni Calix kanina — “Build your own career… habang bata ka pa.”
Napabuntong-hininga siya. Siguro tama si Calix. Hindi puwedeng ganito lang palagi, naghihintay sa gabi, umaasa na may oras si Randy. Kailangan ko ring isipin ang sarili ko.
Dahan-dahan siyang tumalikod at pumasok sa kusina, tahimik na naghanda ng damit ng asawa. Pero sa loob-loob niya, parang may nagbago.
Siguro tama si Calix. Hindi puwedeng ganito na lang palagi. Kailangan ko ring isipin ang sarili ko — ang future ko. Kung hindi ko ito gagawin para sa sarili ko, sino pa ang gagawa?
Matapos maihanda ang damit, tahimik siyang umupo sa gilid ng kama. Ramdam niya ang bigat sa dibdib, pero sa ilalim nito, may kaunting pag-asa.
Bukas… tatawag ako kay Calix
Calix POV
Nasa opisina ako nang tumawag si Belle.
“Sir Calix… about your offer,” mahina pero malinaw ang boses niya sa kabilang linya. “I’ve decided… I want to try. Gusto kong magtrabaho sa company ninyo.”
Napangiti ako at napasandal sa upuan. Finally.
“That’s good news, Belle,” sagot ko, pinipigil ang sobrang tuwa sa boses ko. “You made the right choice. I’ll have Mrs. Mica prepare everything. You can start next week.”
“Salamat po,” sabi niya, may halong kaba at saya.
“Don’t thank me yet,” sagot ko, medyo napangisi. “You’ll thank me when you see what you can do.”
Pagkababa ko ng telepono, hindi ko mapigilang ngumiti. Masaya ako — hindi lang dahil natulungan ko siya, kundi dahil mas makikita ko na siya. Mas maaalagaan.
Good move, Belle, bulong ko sa sarili ko. This time, you won’t just be waiting at home. This time, I’ll make sure you shine… and that Randy won’t have a chance to hurt you again.