Chapter 16

1360 Words
Randy’s POV Inabangan ni Randy si Chloe sa parking area kung saan nakaparada ang kotse nito. “Yes?” seryosong tanong ni Chloe. Agad siyang niyakap ni Randy at palihim na dinakma ang pagitan ng hita nito. “Namiss ko na ’to… kainin,” bulong niya, habang nagmamasid muna sa paligid upang matiyak na walang nakakakita. Alam niyang iba ang init ni Chloe kumpara kay Belle, hindi niya puwedeng gawin ang ganitong klaseng lambing sa asawa dahil baka sampalin lang siya nito. Kay Belle, kailangan laging maingat; kay Chloe, walang preno. Inis na itinulak siya ni Chloe. “Hindi mo makukuha ’to, Randy. Naiinis pa rin ako sa’yo.” Napakunot ang noo niya. “Bakit, anong nagawa ko?” “Hindi ka sumipot kagabi. Namuti na mga mata ko sa kakahintay!” mataray na sagot ni Chloe. Napatawa si Randy. “Ah, ’yun ba? Kasi naman, nagtatampo sa’kin si Belle. Kailangan ko siyang lambingin.” “Belle na naman!” iritadong sagot ni Chloe, sabay irap. “Asawa mong baduy. Randy, gusto ko ako ang priority mo. Mas higit pa ako kaysa sa asawa mong tindera, ewan ko nga kung bakit mo pa pinatulan ’yon.” Huminga nang malalim si Randy, halatang naiinis. “Chloe, asawa ko si Belle. Kapag nakahalata siya, baka hiwalayan ako. Saka sabi mo dati no strings attached, ’di ba? Eh bakit ngayon parang sobra ka namang demanding?” “Ah, ganun?” Ngumiti si Chloe, may halong tukso sa mga mata. Dahan-dahan niyang hinila si Randy papasok sa loob ng kotse. Nang maisara ang pinto, bahagya siyang yumuko at sinimulang kalasin ang sinturon ni Randy. Nagulat siya sa bilis ng kilos ni Chloe, pero hindi na siya nakatanggi. Ang mainit na hininga nito ay dumampi sa p*********i niya, at ramdam niya ang bawat dulas ng dila nito na parang apoy na dumadaloy sa katawan niya. Napapikit si Randy, napaungol, at halos mapasabunot sa buhok ng babae. Ibang klase si Chloe, mapangahas, walang takot. Lahat ng bagay na hindi niya nararanasan kay Belle, dito niya natitikman. Sa bawat galaw, parang kinukulong siya ni Chloe sa isang mundo na sila lang dalawa ang naroon. Napalunok siya, nanikip ang dibdib, at bago pa man niya mapigilan ang sarili ay tuluyan siyang binalot ng matinding sarap. At nailabas na niya ang kanyang katas. Huminto si Chloe, ngumiting mapang-akit habang nagpupunas ng tissue, at pinanood ang mukha ni Randy na halatang lutang sa sensasyon. “Grabe…” bulong ni Randy, hingal pa rin. Ngumisi si Chloe, nakataas ang kilay. “Sabi ko na nga ba, wala kang makukuha ng ganito sa asawa mo.” Pagkatapos ng lahat, napasandal si Randy, habol ang hininga. Pero bago pa siya makapagsalita, dumiretso si Chloe sa punto. “Ngayon, mamili ka na ng priority mo,” malamig pero mapang-akit ang tono nito. “Si Belle o ako? Kasi kung hindi, ihihinto na natin ’to, Randy.” Nakatitig siya nang diretso, may halong hamon at lambing sa mga mata. Napakunot ang noo ni Randy, tila natauhan. Pero hindi nagpatinag si Chloe. “Maraming lalaking naghahabol sa’kin, alam mo ’yan. Hindi ko naman sinasabi na hiwalayan mo ang asawa mo, pero dapat alam mo kung sino ang bibigyan mo ng atensyon. Kung sino ang tunay na makakapagbigay sa’yo ng saya.” Bahagyang lumapit si Chloe, hinaplos ang pisngi niya bago dahan-dahang gumuhit ang mapang-akit na ngiti. “Ikaw lang ang pinili ko, Randy… pero kung hindi mo kayang pumili, baka oras na para akong pumili ng iba.” Natahimik ako sa sinabi ni Chloe. Para bang biglang bumigat ang hangin sa loob ng kotse. Ramdam ko pa rin ang init ng ginawa niya kanina, pero mas nangingibabaw ngayon ang tensyon sa mga salita niya. “Priority…” bulong ko sa sarili, napapikit. Si Belle, asawa ko, apat na taon naming pinundar ang buhay namin. Pero sa kanya, laging may limitasyon. Mahigpit, malamig, at hindi kayang ibigay ang mga bagay na hinahanap ko bilang lalaki. Si Chloe naman… bawal, mapanganib, pero parang droga. Masarap, nakaka-adik, hindi ko kayang bitawan. Sa tuwing kasama ko siya, pakiramdam ko buhay na buhay ako. Napatingin ako sa kanya, naka-lean siya palapit, nakakunot ang noo, pero sa mga mata niya ay may halong lambing at pag-aangkin. “Hindi ko naman sinasadya na iparamdam sa’yo na pangalawa ka lang, Chloe…” Humawak siya sa balikat ko, mariing pinisil. “Pero ganun ang nararamdaman ko, Randy. Ayokong makipag-agawan sa asawa mo. Gusto ko, kapag tinawag kita, darating ka. Kapag kailangan kita, pipiliin mo ako.” Napalunok ako. Kung pipiliin ko si Belle, tiyak na matatapos na ito kay Chloe. Pero kung si Chloe ang mas bibigyan ko ng oras, baka tuluyang madurog ang buhay na itinayo ko kasama ng asawa ko. Dalawa lang ang malinaw: Si Belle ang tahanan ko. Si Chloe ang apoy na hindi ko kayang patayin. Wala na akong choice. Ayaw kong mawala si Chloe. Kahit anong mangyari, kahit gaano pa kasakit para kay Belle kung sakaling malaman niya, hinding-hindi ko bibitawan si Chloe. Tumitig ako sa kanya, diretso at mariin. “Ikaw ang pipiliin ko, Chloe. Ikaw ang priority ko.” Napangiti siya, tagumpay ang itsura, at dahan-dahan siyang umupo sa kandungan ko. Amoy ko ang pabango niya, ramdam ko ang init ng katawan niya. Sa mga oras na ’to, parang wala na talagang puwang si Belle sa isip ko. “Good boy,” bulong ni Chloe habang hinahaplos ang pisngi ko. “’Yan ang gusto kong marinig.” Humigpit ang hawak ko sa bewang niya, sabay pikit ng mata. Bahala na. Kayang-kaya kong paikutin si Belle. Matagal ko na siyang napapaniwala, at hindi niya alam ang mga ginagawa ko sa likod niya. Habang hinahalikan ako ni Chloe, ang tanging naiisip ko lang: Siya ang apoy na hindi ko hahayaang mamatay. Belle’s POV Tahimik akong nakaupo sa kusina, hawak ang tasa ng kape habang nakatitig sa sahig. Napansin ko nitong mga ilang araw, iba na ang kilos ni Randy. Lagi siyang may dahilan para umalis—overtime, meeting, minsan simpleng “gimik” lang daw ng mga kaibigan. Sa apat na taon naming mag-asawa, kabisado ko na siya. Hindi naman siya ganito dati. Pag-uwi niya kagabi, napansin kong may kakaiba sa amoy ng damit niya. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nag-iisip nang sobra, pero parang may ibang pabango… hindi akin, hindi rin sa kanya. “Randy?” mahinahon kong tanong habang pinagmamasdan siyang kumakalikot ng cellphone. “Hm?” sagot niya, hindi man lang tumitingin sa akin. “Okay ka lang ba? Parang ang layo ng isip mo nitong mga araw.” Napangiti siya, pilit, at marahang hinaplos ang balikat ko. “Pagod lang sa trabaho. Don’t worry.” Tumango ako, pero hindi nawala ang bigat sa dibdib ko. Kung pagod lang, bakit parang may tinatago? Natahimik ako sandali. Sa likod ng isip ko, may bumubulong na baka… baka may iba. Pero ayokong maniwala. Randy is my husband. Hindi niya magagawa sa’kin ’yon. Pinisil ko ang tasa ng kape, pilit inaalo ang sarili. Siguro nga, pagod lang siya. Siguro nga… Masaya naman kami nung nakarang linggo at may nangyari pa nga sa amin. Mainit pa rin naman si Randy pagdating sa kama. Tinuloy ko na lang ang mga gawain sa bahay. Naglaba ako, naglinis ng sala, at nagluto ng hapunan na paborito niya. Pinilit kong huwag intindihin ang mga iniisip ko tungkol kay Randy. Ayokong magmukhang praning. Ayokong isipin na baka may ibang babae siya. Habang nagwawalis, nasulyapan ko si Randy sa sofa, nakahiga, abala sa cellphone niya, abot hanggang tenga ang ngiti. Para bang wala akong katabi, para bang may kausap siyang ibang tao na hindi ako. Huminga ako nang malalim at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Bahala na. Kung may tinatago man siya, darating din ang araw na malalaman ko. Pero sa kaloob-looban ko, ramdam ko ang kirot. Gusto kong magtanong, gusto kong mag-usisa. Pero pinili ko na lang manahimik. Sa apat na taon naming mag-asawa, natutunan kong minsan mas mabuti ang tumahimik kaysa mag-away. Lumapit ako sa kusina at inasikaso ang niluluto. Hindi ko na pinansin si Randy. Kung may mali man, siya mismo ang aamin. At kung hindi… mas mabuti sigurong manatili akong tahimik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD