Belle POV Pagbalik namin mula sa honeymoon, parang bago ang lahat. Iba ang gising ko sa umaga, hindi na alarm clock, kundi halik ni Calix sa noo ko. “Good morning, Mrs. Salazar,” bulong niya. Napangiti ako kahit nakapikit pa. “Good morning, Mr. Salazar. Ang aga mo naman.” “Na-miss ko kasing gisingin ka,” sabi niya habang inaabot ang kamay ko. “Kahit kahapon lang tayo magkasama buong araw.” “Clingy,” biro ko, pero hindi ko rin binitiwan ang kamay niya. Sa unang linggo namin bilang mag-asawa, may halong adjustment at kilig. Si Liran, tuwang-tuwa pa rin. “Mommy, I have two last names now!” sabi niya minsang kumakain kami ng almusal. “Liran Salazar!” “Tama ka d’yan, anak,” sabi ni Calix, proud na proud. “Officially Team Salazar na tayo.” “Team Salazar!” sabay naming sigaw, sabay taw

