Belle POV Lumipas ang mga linggo, at unti-unti na kaming nadadala ng wedding preparations. Hindi ko alam kung excitement ba o kaba ‘yung nararamdaman ko, siguro pareho. “Belle, subukan mo na ‘tong gown,” sabi ni Lyka habang inaayos niya ang laylayan ng tela. Siya ang tumulong sa akin maghanap ng designer, at sa totoo lang, siya rin ang pinaka-excited sa aming lahat. Nakatitig ako sa salamin habang dahan-dahang isinusuot ko ang gown. Simple lang, walang sobra, walang kulang. Off-white, may lace sa neckline, at swabe lang ang bagsak ng tela. Pagharap ko, napahawak ako sa dibdib ko. “Hindi ko akalain…” mahina kong sabi. “Ano?” tanong ni Lyka, nakangiti. “Na magsusuot ulit ako ng wedding gown. Pero ngayon, iba na. Wala nang takot, wala nang luha. Ang gaan lang.” Ngumiti siya, nilapitan

