Chapter 36

1338 Words

Pagpasok ni Calix sa bahay, halos mabitawan niya ang hawak na susi nang makita ang pamilyar na ngiti ng kanyang ina sa sala. “Mommy?” gulat na wika niya, agad lumapit at niyakap ito. “Bakit hindi ka nagpasabi na luluwas ka? Sana nasundo na kita.” Napangiti ang ginang, hinaplos ang pisngi ng anak. “Namiss na kasi kita, anak. Alam mo namang kahit gaano ka ka-busy, hinahanap-hanap pa rin kita.” Kumunot ang noo ni Calix pero napangiti rin. “Ako rin po, Ma.” “Bukas,” dagdag ng ina, “samahan mo ako magpa-check up. Nandoon kasi si Almira sa hospital. Gusto mo ba siyang makita? Nurse siya ngayon sa Saint Benedict.” Tumango lamang si Calix. Hindi niya alam kung ano ang dapat isagot. Mahal na mahal ng kanyang Mommy si Almira—hindi lang siya, halos lahat ng nakakakilala kay Almira ay ganoon. Ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD