Dumating na ang araw na pinakahihintay ni Liran, ang ika-anim niyang kaarawan. Malaki ang event place, punong-puno ng kulay pink, glitters, at balloons na halos umabot sa kisame. Barbie ang theme ng party dahil iyon ang paborito ng bata. Sa bawat sulok ay may booth: may cotton candy, french fries, milktea, at kahit temporary tattoo corner kung saan puwedeng ipa-drawing ang favorite character mo. Sa bungad pa lang, may mesa ng pica-pica—mini sandwiches, pastries, at cupcakes na parang galing sa fairytale. Lahat ay excited, lalo na si Liran na nakasuot ng pink gown na parang si Princess Barbie mismo. Sa gilid, si Belle ay abala sa pag-aasikaso ng pagkain. Siya mismo ang nagluto ng main course, kaya gusto niyang siguraduhin na maayos lahat. Kita sa mukha niya ang pagod, pero mas nangingibaba

