Randy’s POV Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit ako nakapagsalita ng masakit kay Belle. Kung tutuusin, wala naman siyang kasalanan, sino ba naman ang gustong magkasakit ang anak namin? Kaninang umaga, nakita ko sa isang magazine article ang tungkol sa birthday ni Damon Marcellus, pinsan ni Calix, isa sa mga kilalang negosyante at mayayaman dito sa bansa. May litrato doon… si Calix at si Belle. Nakalagay pa sa caption na “bagay na bagay ang batang CEO at ang kanyang nobya, isa sa mga pinakamahusay na chef sa Pilipinas, kampeon pa sa isang international competition.” Nakahawak si Calix sa baywang ni Belle, at sa sandaling iyon, parang may kumurot sa dibdib ko. Ang ganda-ganda niya sa litrato, masaya, kumikislap ang mga mata. Hindi ko lubos maisip na ang dating asawa kong minahal at binab

