Randy’s POV Para akong nabingi sa mga sinabi ni Belle. “Si Calix… siya ang mahal ko.” Paulit-ulit ‘yon sa isip ko habang nakatingin ako sa kanya. Ramdam kong kumirot ang dibdib ko, hindi lang dahil sa mga salita, kundi dahil alam kong totoo ang bawat isa sa mga ‘yon. Gusto kong magsalita, pero parang may nakabara sa lalamunan ko. Ang dami kong gustong sabihin, na nagsisisi ako, na gusto kong bumawi, na sana bigyan pa ako ng isa pang pagkakataon. Pero alam kong huli na. Nakita ko sa mga mata niya na buo na ang desisyon niya. Tumingin ako kay Liran. Mapayapa siyang natutulog, walang kamalay-malay sa bigat ng mundo ng mga magulang niya. Hinaplos ko ang maliit niyang kamay, marahan lang, parang baka magising siya. “Magiging mabuting ama pa rin ako sa’yo,” bulong ko sa isip ko. “Kahit hin

