Calix POV Nagulat ako nang lumapit sa akin si Randy. Nasa labas kami ng ospital, malamig ang simoy ng hangin pero ramdam ko ang bigat ng tensyon sa pagitan namin. Hindi ko alam kung ano ang pakay niya, pero sa mga mata pa lang niya, halata kong mabigat ang loob. “Musta?” tanong ko, sinusubukang gawing normal ang boses ko kahit kabado ako sa kung saan mauuwi ang usapan namin. “Ito, okay naman. Naghahanap ako ng trabaho,” sagot niya, iwas ang tingin. “Puwede ka naman sa office,” sabi ko. “Hindi ko naman pinapakialaman kung anong trabaho mo ro’n. May manager ka naman sa department mo.” Umiling siya, mapait ang ngiti. “Ayoko na kasi makita si Chloe. At gusto kong ibangon ang pride ko, na kaya kong mabuhay kahit hindi ako nagtatrabaho sa kumpanya mo. No offense ha, pero siguro naiintindiha

