Jamie
Gigil akong naglalakad habang nagtitimpi sa eksenang nasasaksihan ko ngayon.
Wow ha! May patawa tawa na sila ngayon tapos kung makahampas 'tong bruhilda na 'to kay Drake, punyeta! Pa simpleng chansing pa!
Ang sarap sumigaw ng 'get your filthy hands off my man! " pero siyempre hindi ko kayang gawin 'yon.
" kumalma ka lang, huwag pahalatang nagseselos. " rinig ko pang bulong ng hinayupak na Leo.
Pagkarating namin sa kanilang harapan ay tila nawalan ako ng boses at di ko alam yung sasabihin ko. Pero parang may sariling mga mundo ang mga ito at kahit nakalapit na kami ni Leo ay hindi pa rin nila ramdam ang presensya namin.
" Ehem. " tikhim ni Leo na agarang nakuha ang atensyon ng dalawang malalandi.
Nang napagawi ang tingin ni Drake sa amin ni Leo ay agad na nanlaki ang mga mata nito sabay tanggal ng kamay ng babaeng linta sa kanyang braso.
Tama yan! Masindak ka! Huling huli ka sa akto Drake!
" Ah, captain kasi kompleto na kami, magsisimula na po ba kami sa pag-eensayo? " tanong ni Leo kay Drake. Naks! Minsan may kwenta rin itong si leo eh.
" Ahh, o-ofcourse. Y-you can start already. I'll b-be there in a minute. " nauutal na sabi nito habang nakatingin sa akin. Siyempre dahil fierce ako ay sobrang sama talaga ng titig ko kay Drake.
" Drakeyyy! Are you not going to introduce me to your teammates? " what the fvck? DRAKEY? Ewwwwyyyy!
" Ah, o-ofcourse. Ahm, amber- these are my teammates, Leo and Jamie. " okay teammates, accepted, charot.
" And g-guys, this is Amber--- " hindi na nito natapos ang sasabihin ng biglang sumabat ang pugitang linta na ikinapantig ng tenga ko.
" His girlfriend, nice to meet you! " at plastic na ngumiti sa amin.
Nang tingnan ko si Drake ay kita ko rin sa mga mata nito ang gulat pero hindi man lang ito nagsalita na nagpakirot ng aking puso.
" Ay wait! I know you! Diba ikaw yung patay na patay kay Drake noong highschool tayo? Tama! Drakey! This gay is one of your stalker back then right? " ang sabi ng walanghiya habang tinuturo pa ako. Magsasalita na sana ako ng biglang sumabat si Leo.
" Mali ka siguro ng tinutukoy miss. Magkaklase kami ni Jamie since kinder at hindi namin naging schoolmate so captain. So if you'll excuse us. Nice to meet you by the way. Sige captain, una na kami ni Jamie. " sabi ni Leo sabay hila sa akin. Hay! Life saver talaga 'tong bestie ko.
" Oh, huwag iiyak ha. " gago talaga to. Ang lakas mang-asar. Di naman ako naiiyak eh. Medyo na hurt lang, char.
" Humanda talaga sa akin 'yang Drake na 'yan. Akala niya makakakiss pa siya sakin! Asa siya! " gigil kong bulong na narinig din ata ni Leo kaya ito napatawa.
Nagsimula na kaming magpractice, at sa buong dalawang oras na 'yon ay gigil ako sa pagsipa ng bola. Natamaan ko pa nga si Rose eh, at ako pa yung galit! Haha. Ano ba! Sobrang bad mood ko kaya!
Hindi ko rin kinakausap si Drake kahit kanina pa ito nagpapapansin sa akin sa practice, pero tila hindi lamang pagiging linta ang katangian nitong si amber at may pagka-aso rin pala. Kanina pa kasi ito sunod ng sunod kay Drake.
" Magpalamig ka muna, hindi halatang mainit ang ulo mo ngayon eh. " sabi ni Leo sabay bigay sa akin ng cold na tubig at saka umupo sa tabi ko. Agad ko rin naman itong nilagok at inubos sa isang inuman lang.
" Manloloko, taksil! Magsama silang dalawa. " inis kong bulong habang masamang tinitingnan ang bruhildang linta habang pinupunasan ang pawis sa mukha at leeg ni Drake. At noong magtama ang mga mata namin ni Drake ay aba't ang hinayupak! Inalis ba naman agad ang tingin nito sa akin. Guilty masiyado eh!
Punyeta! Kanina pa 'ko ginigigil nito ah!
" Ganti tayo? " rinig kong bulong ni Leo.
" ha? " hakdog.
" Gumanti tayo, kanina pa namumuro si captain sa iyo eh, sa tingin mo ba ay papayag lang ako na api-apihin 'tong bestfriend ko? " wow? Tayo na lang kaya Leo? Chos!
" Ano bang plano mo? " tanong ko dito. Laking pagtataka ko naman ng abutan ako nito ng towel.
" Gagawin ko dito? " sabay turo ko sa towel na nasa aking kamay.
" Kainin mo-- char! Huwag kang mangurot masakit! " akmang kukurutin ko kasi sana ito. Hahaha shet! Ang kyut niya mag-char. Masiyadong nakakabakla sa katulad niyang maskulado.
" Punasan mo likod ko. " sagot nito sa akin.
" Aba't gagawin mo lang pala akong muchacha mo? Edi sana sinabi mo na agad! Hindi yung may paganti-ganti ka pang nalalaman! " walangyang vaklang twoh!
" Ano ka ba! Siyempre lagyan mo rin ng sweetness! Sus! Pagseselosin din natin si captain! " ahhhh!
" Ahhh, di mo kasi agad sinabi eh! Oh talikod ka na! " agad naman itong tumalikod sa akin at agad na hinubad ang suot na jersey.
Siyempre, show off na naman itong bestfriend ko! Palibhasa maganda katawan.
Agad ko nang pinunasan malapad na likuran nito. Mangin ang kaniyang leeg ay di ko pinalampas. Tapos ay biglang humarap ito sa akin kaga tumambad sa akin ang nangingintab nitong dibdib at abs.
Jusko! Magkakasala ata ko punyeta!
" Huwag masiyadong titigan, baka matunaw ang katawan ko niyan. " ngising asong pang-aasar nito sa akin. Kinurot ko naman ang tiyan nito. Siyempre mga bakla! Pasimpleng chansing din noh.
Nang akmang pupunasan ko na ang katawan nito ay nagulat na lang ako ng may biglang humablot ng kamay ko at mabilis akong hinila papalayo kay Leo.
Nang tingnan ko ang taong humihila sa akin ay agad akong napalunok nang makita ko ang pagdilim ng kaniyang mukha.
Siyet! DRAKE! Mukhang masa-spank hard na naman ako ni Dadeeeh!
******************************************
" S-sandali Drake, ano ba! " Hila hila pa rin ako nito at dahil sa mahaba ang biyas nito ay siyempre parang kinakaladkad na rin ako nito.
Kanina pa rin siya tinatawag ni Amber pero tila wala itong pake at walang naririnig at patuloy lamang ito sa paghila sa akin.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa office niya at agad niyang sinara ang pintuan.
Shet. Made-divirginize na naman ba ako? Charot.
Agad ako nitong sinandal sa pader at ikinulong sa mga braso nito.
" H-huwag po k-kuya. " Nangunot naman ang noo nito sa tinuran ko.
" How many times do I have to tell you not to make me jealous using that asshole? Are you really testing my patience Jamie? " Nandidilim na mukhang sambit nito sa akin.
Napalunok naman ako at napa-fierce. Dzuh! Siya kaya tong nauna!
" At ikaw? Pwede lang makipag-flirt sa hitad na Amber na 'yon? " Balik kong sumbat sa kaniya. Kita ko naman ang paniningkit ng mga mata nito bago ako sinagot.
" I just accompanied her through out the school. Hinabilin siya sa akin ng mga magulang niya, alangan namang iwanan ko siyang palaboy-laboy dito sa school? " May kalakasang sagot nito sa akin.
Teka? Ba't parang kasalanan ko?
" Edi don ka sa kaniya. Tabi nga CAPTAIN at babalik na ang TEAMMATE mo sa practice. " Inemphasize ko talaga para alam niya kung ano ang ikinapuputok ng butsi ko.
Pilit kong inaalis ang braso nitong kumulong sa akin sa pader pero matigas si brader! Ayaw paawat!
" Is that the reason why you're sulking during our practice? Damn Jamie! I told you that I am not ready yet right? Why can't you under--- "
" Naiintindihan ko! Okay? I get it! Sige na. Padaanin mo na 'ko. " Shet. Para na akong maiiyak.
Lumusot ako sa ilalim ng mga braso nito para makalabas ako sa pagkakakulong sa kaniya.
Pero bago pa man ako makalayo ay hinila na ako nito pabalik at agad na niyakap ng mahigpit. Doon na tumulo yung mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
" I'm sorry. " Paumanhin nito sa akin. Hinampas hampas ko naman ang malapad na dibdib nito, ano ba! Libreng chansing na kaya 'to, don't waste the opportunity chos!
" Nakakainis ka kasi eh. Doon ka na lang sa Amber na 'yon tutal magjowa naman kayo diba? " Inis kong sambit habang nakasubsob ako sa dibdib ni Drake.
" Assuming lang 'yon. We are not together and will never be dahil andito ka na. " Hinawakan naman nito ang magkabila kong pisngi at inangat ang mukha ko saka pinagdaop ang aming mga noo.
" Ikaw lang yung mahal ko, okay? " Pag-a-assure nito sa akin.
Nananatiling nakabusangot pa rin ako habang nakatingin sa kaniya.
" What? " Natatawang tanong nito sa akin.
" Papunas punas ka pa ng pawis sa kaniya eh may kamay ka naman! " Akala niya siguro nakalimutan ko!
" Tsk. At least I did not wipe her body unlike you. Mukhang enjoy na enjoy mo 'yung katawan ng gagong 'yun eh. " Ay? Shet. Mali! Mali! Mali! Ayan tuloy, bumalik pa sa akin.
" Eh ikaw yung nauna eh!! Gumanti lang kami ni Leo! " Dipensa ko naman.
" Kahit na! And because you became a naughty cat again, do you want your punishment now? " He told me dangerously. Shet! Nag wet naman ako bigla. Charot!
" Depende sa parusa. " I said then smiled seductively.
" You, naughty naughty you. " Nagulat na lang ako ng hawiin nito ang mga files sa kaniyang lamesa at agad akong pinahiga doon.
Shet na malagkit! Huwag naman muna!
" D-drake! Biro lang naman 'yun ano ba! " Walangya! Nakadagan na kasi sa akin yung hinayupak!
" This is my way of punishing you babe. Rest assure, you will like it. " Ay tengene! Kumindat pa talaga!. Wala na! I'm lost! I am lost baby boy!
Wala naman na itong inaksayang oras at agad na sinunggaban ng halik ang aking mga labi.
Fowta talaga.
Andami na naming laplapan na ginawa sa office niya! Jusko!
Marahas ang pagkakahalik nito sa akin na para bang mapupunit na ang mga labi ko. Di ko naman masabayan ang mga labi nito dahil my gosh! Sobrang expert ng hunghang humalik!
Noong mainis ito dahil hindi ko naibuka ang bibig ko ay kinagat niya ang pang-ibabang labi ko na ikinasinghap ko. Kinuha niya naman ang pagkakataon na 'yon para galugurin ng kaniyang dila ang kaloob looban ng aking bunganga na ikinaungol ko naman ng husto.
Nang magsawa na sa aking bibig ay dumapo naman ang mga labi nito sa aking leeg at saka iyon pinaghahalik-halikan.
" D-drake ahh! Sandali shet! Di p-pako nakakaligo! Fudgeee bar ahh! " Ungol ko ng marahas niya itong kinakagat at saka sinisipsip! Fowta! Kakapractice lang namin eh! Baka maalat pa yung balat ko!
Pero tila wala naman itong narinig at patuloy pa rin sa paghalik sa aking leeg.
Napasabunot ako sa kaniyang buhok at napaarko ang aking katawan ng lamasin nito ang aking dibdib. Nakapasok na pala ang mga kamay nito sa loob ng aking damit.
Ilang minuto pa at bumalik muli ito sa aking mga labi at hinalikan na naman ako. Pero hindi katulad ng kanina, ang halik niya ngayon ay malamyos, maingat at puno ng pagmamahal. Otomatikong napapulupot ang mga braso ko sa lerg nito to pull him closer to me as we shared the most passionate kiss we ever had.
Nasa kalagitnaan kami ng sarap ng biglang may narinig kaming boses ng babae.
" What the hell!! " Matinis na sigaw nito na nagpabalikwas sa amin no Drake.
Nang tingnan ko kung sino yung sumigaw ay nanlaki ang aking mga mata nang mapagtantong si Amber ito. Nakanganga at hindi makapaniwala sa kaniyang nakita.
" B-bakla ka Drake? Oh my gosh! Bakla kaaaa? " Exaggerated nitong sigaw. Dahil sa taranta ay nilapitan ko ito at saka tinakpan ang kaniyang bibig. Baka kasi may makarinig sa kaniya. As much as I wanted everybody to know my relationship with Drake ay mabuti pang itago muna ito dahil hindi pa handa si Drake.
Agad kong nilock ang pintuan gamit ang libre kong kamay bago ko binitawan ang bibig ni Amber. Shet. May laway pa ata sa kamay ko. Pasimple ko namang pinunasan ang palad kk, baka kasi ma offend ito pag nakita ako nitong pinunasan ang kamay ko. Lol!
" Get away from me fag! Holy s**t! " Inis ako nitong tinulak pero dahil sa babae ito ay hindi naman masiyadong kalakasan pero napaatras naman kaagad ako.
" What's the meaning of this Drake? " Tanong nito kay Drake.
I readied my self getting denied for the second time pero nagulat na lang ako nang hapitin ako ni Drake papalapit sa kaniya bago sinagot ang tanong ni Amber.
" We are together, and yes, I am gay. So please, from now on, distance your self from me 'cause I don't want to make my baby jealous again, understand? "
****************************************
Jamie
" D-drake " oh my gosh! Na shookt ako mga besh!
" What? A-are you nuts? Kailan ka pa naging bakla ha drake?! " Eksaheradang tanong ng linta sa bebe ko.
" Since this cute little thing entered my life. So if you'll excuse us, may gagawin pa kami dito sa loob, and if you want to watch us make-out then stay. " Cold na sambit ni Drake bago ako nito hinila papalapit sa kaniya saka hinalikan ng mariin.
Opo! Tinorrid kiss ako ni mayor jusko! Tinorrid niya 'ko sa harapan ni amber.
Dinig ko pa ang pagsigaw ni Amber bago padabog na sinara ang pintuan ng office.
Nang makalabas na ito ay humiwalay na rin agad si Drake sa akin. Tsk. Sayang! Gusto ko pa eh!
" H-hindi mo naman kailangang gawin 'yon eh. P-paano kung, paano kung malaman ng lahat? Masisira yung imag--- " he did not let me finish talking when he devoured my lips once again. Nakakarami na ito ah!
But honestly, I am really overwhelmed sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko inaasahan na sasabihin 'yon ni Drake. I thought he's not yet ready to come out.
Nang maghiwalay na ang mga labi namin ay dumistansiya ito nang kaunti saka hinawakan ang aking mukha.
" While kissing you earlier, Napag-isip-isip ko na I am being unfair to your side. You are vocal of what you feel towards me and yet, here I am, acting like a jerk that kept on denying you in public. Let me make it up to you babe, I want to show my love to you and this will be my first step on showing it. Fvck with those judgemental people, all I want is you and I don't care about what they are going to say about this relationship. I just know that it feels right to be with you and tp love you endlessly. " Oh! Ano ma say nyo! Char!
Pero seryoso naiiyak ako. Sobrang na touch ako sa sinabi niya.
" T-thank you Drake. This really means a lot to me. " Napakagat ako ng labi ko nang tumulo yung luhang kanina ko pa pinipigilan.
" Stop crying. Come on. Labas na tayo. Let me brag you to those jerks para malaman nilang pagmamay-ari na kita, especially to that fvcking Leo. " Wala talagang kawala ang bestfriend ko dito. Napatawa na lang ako at saka tumango.
Nabigla naman ako ng hawakan nito ang aking kamay bago ako iginaya palabas.
Tiningnan ko naman ito ng may pagtatanong pero nginitian lang ako nito kaya napangiti na rin ako.
Pagkabalik namin sa field ay pinagtitinginan na kami kaagad ng mga kasamahan namin sa team, specifically sa magkahawak naming mga kamay.
Wala na rin si Amber, marahil ay nakauwi na, nang tingnan ko naman si Leo ay nakangiti na ito saka ako binigyan ng isang thumbs up.
Pupuntahan ko na sana si Leo nang bigla akong hapitin ni Drake papalapit sa kaniya.
" Stay here. " Grabe. Ano ako aso? Marunong lang mag dogstyle pero di aso! Charot. My gosh! My mouth!
Punalakpak ito ng tatlong beses para tawagin ang mga kalapati charot, para kunin yung atensyon ng mga ka team namin at agad namang nagkumpulan ang mga ito sa harapan namin ni Drake.
Promise medyo nakakahiya, nakapulupot kasi ang kamay ni Drake sa beywang ko at ipit na ipit ako nito.
" I don't know if you'll find this cringe or disgusting but I just want to tell all of you that Jamie is my partner, my love, my boyfriend. So kung sino man ang may pagnanasa dito, better stop it right here, right now if you don't want me to be your enemy. Sana nagkakaintindihan tayo. And that would be all for today. Pwede na kayong umuwi. "
Akala ko ay magbubulungan ang mga ito o di kaya ay mandidiri sa kanilang narinig pero nagulat na lamang ako nang maghiyawan ang lahat at nagpalakpakan ng malakas.
" Tangina mo! Akin na yung isang libo! Sabi na may something sa kanila ni captain eh! " Ay puchang Leo! Nakipagpustahan pala kay Rose ang hinayupaaak!
" Madayaaaa! Alam mo na siguro na sila simula pa lang noh? Ansama mo Leo my labs! Modus pala ang ganiyang mukha! Hmph!! " Inis na nag-abot ng isang libo si Rose kay Leo. Mautak din ang kupal na Leo! Haha.
" Masaya ka ba? " Nakangiting tanong ni Drake sa akin. Tinanguan ko naman ito saka ngumiti rin pabalik sa kaniya.
Hindi ko na napigil ang aking malanding sarili at walang hiyang tumingkayad at saka hinalikan ko ito sa kaniyang mga labi, sa harap ng aming kapwa manlalaro.
Naghiyawan naman ang lahat dahil sa kanilang nasaksihan.
" Isa ka na lang talaga bakla at kakalbuhin na kita! Masiyadong mahaba ang hair mo! " Dinig ko pang sigaw ni Rose.
Agad din kaming humiwalay sa isa't-isa at nakangiting umalis sa field.
" Uwi na pala ako. " Paalam ko kay Drake nang nakalabas na kami ng school.
" Mamaya na. Mag dinner muna tayo. Saan mo gusto? " Tanong nito sa akin.
" Ikaw bahala. " Siyempre medyo pabebe ako sa lagay na yon.
" If I were to decide, I will bring you to our dorm and cuddle you until morning kahit pa na andoon si Liam, so don't let me make the decision. " Ay okay lang! Okay na okay sa akin! Kahit nga di na tayo mag hapunan basta ikaw lang kakainin ko! Charot!
" S-sige, doon na lang kanto Tinyo, malapit sa dorm ko para lakarin ko na lang mamaya pauwi. " Sagot ko sa kaniya. Naka motor kasi ito at balak ako nitong isakay dito.
" Okay, pero ihahatid pa rin kita mamaya sa inyo. Here. " Sabay abot nito sa akin ng extrang helmet.
Actually ngayon lang kami nakalabas na magkasama. It's either kasama namin si Liam or Leo para di daw halata na magkasintahan kami. Pero ngayon ay medyo nagulat pa ako nang yayain ako nitong mag hapunan na kaming dalawa lang.
" Stop day dreaming at sumakay ka na. Nagugutom na 'ko, unless you want me to eat you? " Ay punyeta! Gusto ko yan!
Agad naman akong sumampa sa likod ng motor nito at hinintay na paandarin nito ang makina. Pero ilang segundo na ay hindi pa rin nito binubuhay ang makina ng motor niya.
" Bakit? May sira ba? " Tanong ko dito at tiningnan ang gulong, baka kasi flat.
Pero hindi ako nito sinagot at napa 'tsk' na lang bago nito kinuha ang mga kamay ko at ipinalupot sa kaniyang beywang.
Shet abs!
" Hold on tight. You might fell, fell in love with me. " Luh? Bumanat ba 'to? Jusko! Promise di ako kinilig! Napakabaduy jusko! Hahaha!
" Last mo na yun Drake ha? Nakakaasiwa kasi eh hahahahah! " Natatawa kong sabi sa kaniya.
" Tsk, minsan na nga lang bumabanat sinira mo pa. " Sagot nito sa akin bago pinaandar yung motor.
" Huwag masiyadong ibaba ang kamay, baka iba na makapa mo diyan at madisgrasya tayo nang wala sa oras. " Kinurot ko naman ang abs nitong matigas dahil sa sinabi nito.
Hay! Sana ganito na lang kami palagi. I was hoping, really hoping na hindi magbabago ang pakikitungo sa akin ni Drake.
As days passed by ay mas lalo lang akong nahuhulog sa kaniya. Hindi ko ata kaya na mawala ito sa akin.
I've been dreaming of this for long years and I hope he will be my life time, i really do hope.
Itutuloy..