Chapter 1
Jamie
"Hi Drake, uhmm here , I made a sandwich for you, that was just a plain tuna with tomatoes and i did not put onions on there 'cause I know you dont like onions," he just looked at me and gave a short glance at the sandwich and turned his gaze back to his teammates.
Medyo napahiya ako don girl kaya i did not insist the sandwich instead...
" Here , have some water, i know you don't like any sodas or sweetened drinks so i just bought you water"
Well, you all probably say that I knew a lot pagdating kay baby Drake ko but you can't blame me, I am so madly inlove with this guy for almost 5 years already! Pero heto, mukhang di pa rin niya knows ang existence ko. Gosh!
At kagaya ng nangyari sa sandwich ko, deadma rin si tubig.
Nagulat na lang ako ng may biglang kumuha ng sandwich at tubig na dapat kay Drake.
" Akin na to ha? Mukhang ayaw naman tanggapin ni Drake eh"
That's Liam Alvarez , bestfriend ni Drake. Pogi rin to , maganda katawan, but nah! My heart and body only belongs to my baby Drake.
Sinimangutan ko lang 'yong epal saka bumaling ulit kay drake na nag sisimula ng maglakad patungong shower room kaya hindi ko na rin siya nasundan.
Ganon palagi ang routine ko, pupuntang practice nila , isa kasing soccer player ang baby ko, and siya ang team captain? Diba? Dagdag pogi points!
Btw I am Jamie, Jamie Evan Lim, a sophomore of Emerald University ( please read weirdos by ashtone guys.. sobrang ganda promise ) and I'm proud to say that I am a Unicorn! A beautiful pony with silky white skin, Pointed short nose, kissable pouty butterfly lips and a pretty chinky eyes, androgynous gay ika nga. Pero kahit mas maganda pa ako kay sa ibang babae dito sa school, Hinding hindi talaga ako napapansin ni Drake nyeta! Kulang na kulang na ako sa dilig, tigang na tigang na si flower, di na nadidiligan for 21 years already kakahintay mapansin lang ng baby drake ko.
Siya si Drake Yvan Montecillo, pangalan pa lang lalabasan ka na .. harot! Makapal na kilay, Matangos na ilong, strong jaw line, manipis na labi na kay sarap halikan, ugh! Heaven talaga pag kami'y magkatuluyan.
I've met him when I was in grade 9, transferee siya non galing states, and gosh! Believe me mga beshies, kahit grade 9 pa lang siya hindi siya mukhang totoy, kaya most of the population of girls and gays of our school ay talagang nahuhumaling sa kaniya at isa na ako doon.
Ginawa ko na lahat para magpapansin sa kaniya, nariyan 'yong tinulungan ko ang student assistant na dalhin yung sangkatutak na libro saka paper works dahil magkakasalubungan kami ni Drake pero kahit na anong parinig ko na nabibigatan ako, ni tapunan ng tingin e ayaw nyang gawin, nagkanda-kuba na ako sa pagbitbit ny punyetang papeles , kahit isang tulong wala akong nakuha sa kaniya.
Hindi lang 'yon .. tuwing pupunta siyang librabry para maghanap ng libro , ako naman e kunwari naghahanap din ng libro, kunwari nasa pinaka taas ng shelf yung libro kaya tumingkayad ako ng todong todo, pero sa tingin ko sa w*****d lang talaga yung may tutulong sa iyo para abutin yung libro, kasi naman mga besh? Yung baby ko hindi man lang ako tinulungan, napunit lang yung kili-kili ko pero walang tulong na dumating.
Araw-araw din akong pumupunta sa practice nila para bigyan siya ng pagkain at maiinom pero, knowing drake, straight pa sa ruler mga besh ni ayaw akong pansinin.
Dahil sa yamot at epic fail na pagpapapansin kay Drake e pumunta na lang ako sa canteen kung nasaan ang bestfriend ko kasama yung boyfriend niya.
" oh? Mukhang pinagsakluban yung mukha mo aa? Guess what? Di ka na naman pinansin ng baby mo noh? " sabi sa akin ni Erica? Bestfriend ko.
" hay ano pa nga ba? Kulang na lang ata mag split at mag ala wowowin dancer pako sa harap niya tanggapin niya lang yong inalok ko na pagkain. Hay!" Pagmamaktol ko.
" eh kasi naman jaime straight 'yang si Drake, at masyiadong seryoso sa buhay, wala ka talagang pag-asa don" sabat ng walang hiyang boyfriend ni erica, si Jayson.
" hindi! Hinding hindi ako titigil hanggang sa mapansin niya ako, kung araw-araw ko siyang liligawan ay gagawin ko, makuha ko lang yung matamis niyang oo.".. sagot ko sa kanila na ikina-iling ng kanilang ulo.
Maya-maya ay umalis na 'ko at iniwan yung dalawang love birds, naiinis lang ako eh, bitter na kung bitter char! Of course I am also happy for them, yun nga lang naiinggit lang ako kasi hello? Heto ako't single at tuyo na ang halamang bukid ko.
Maganda naman ako aa? Di sa pagmamayabang pero marami ng nanliligaw sa akin, kaso nga lang occupied na ni Drake yung puso ko kaya sinasabihan ko na sila kaagad na wala silang pag-asa sa akin.
Papunta ako ngayon sa susunod kong klase, which is Laboratory sa Cooking.. btw I am an HRM student , because I really love to cook, and we all know the saying that, a way to a man's heart is through his stomach right? Kaso nga lang, e ayaw kainin ni tanggapin ang mga pagkaing binibigay ko kay Drake. But I won't lose hope, kasi alam kong balang araw , kakainin niya rin ako,i mean yung mga luto ko..hihihi...
******************************************
"I love you Jamie, will you be my boyfriend?" Drake asked while looking at me as if I am the most beautiful creature here on earth.
"Yes! Yes of course I would love to be your boyfriend, I really love you " I replied , not hiding the overflowing joy I am feeling right now.
He stood up and lean his handsome face closer to mine,
We are almost there,
He will kiss me
I can't imagine that this is really happening to me now, not in my wildest dream!
Dream...
Dream....
Riiiiiiiiiiiing!!!
The loud ringing of my alarm clock woke me up fast in bed! Damn! Punyeta ! Malapit na eh! Ayon na e!e-kikiss nako. Shuta!
Gustuhin ko mang matulog ulit at ipagpatuloy ang naudlot naming paghahalikan ng prince charming ko e hindi ko na ginawa dahil nyemas ! Ma le late na pala ako. Kaya minadali ko na yung pagaayos ko and did not bother to eat breakfast. Medyo sanay na ako na mag skip ng meal which is very unhealthy because based on research, every meal that was skipped is equivalent to the lost of a single brain cell.
Pagkadating ko ng school ay halos takbuhin ko na ang HRM department huwag lang ma late because hindi ko gugustuhing pagalitan ng bakulaw na si Ms. Hernandez.
Pawis na pawis ako kakatakbo, shete, umagang umaga haggardo versosa na ang ate gurl nyo.
Dahil sa pagmamadali ko , katulad rin ng nga clichè story sa wattpad...
I Accidentaly bumped into someone...
P*ta...
Di lang pala someone,
Nagkabungguan kami ni baby loves sweetipie gummy bear Drake ko. Shet!
Nakapatong ako sa kaniya at shuta..
Sobrang lapit ng face ko sa kaniya, our faces are almost an inch away bago kami tuluyang maghalikan.
OMG , heto na ba? Maipagpatuloy na ba namin yung naudlot naming halikan sa panaginip ko kanina?
He just closed his eyes, and I do the same thing. Waiting for that soft, lucious lips to devour mine.
Minutes of waiting e wala pa ring nangyayari.. and a deep baritone, hot voice ,woke me up that bring me back to my senses.
" Done fantasizing? Damn! Get off of me! you're so heavy" kaya dali dali akong bumangon baka kasi suntukin niya ako .
But dang! I was expecting for the kiss huhuhuhu!.
" uhmmm I- I'm very sorry , i wast just in a hurry at hindi kita nakita kaagad , the blame was on me I am really sorry, are you okay? I can accompany you to the clinic if..." naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang sumabat.
" No need, sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo, you do not own the hallway " Saka siya umalis.
Totoo to diba?
I am not dreaming, am I?
Kinausap ako ni baby loves sweetipie gummybear cupcake strawberry cake ko??
Gusto ko nang mamataaaaaaay! Oh my gosh! Sa ilang taong pagpapapansin sa baby ko e nagawa niya na akong kausapin!
I cannot believe this.
Lutang pa rin ako habang naglalakad papuntang room. I did not even bother kung ilang munites na akong late, I am still mesmerized by the fact that my ultimate crush and the love of my life really talked to me..like for reaaaaal! Alam kong masiyadong Over Acting na pero gosh! You cannot blame me! 5 years ko siyang crush at ngayon lang kami nagkaroon ng conversation , well you cannot really tell that it was a conversation but at least! To the mere fact that he talked to me, it really means a lot! It really does!
Pagkarating ko sa room ay sangkatutak na sermon ang inabutan ko sa halimaw naming guro. Asking me why I am late .. ang sabi ko lang ay
'It's better to be late than sorry but it is much better to be late when you make landi muna and i am not sorry'
Kaya ayon, di na ako pinapasok at sinipa ako palabas ng pinto.. not literelly of course
Andito ako ngayon sa cafeteria waiting for my bestfriend kasi nga napalabas ako ng room kanina. By the way, magkaklase pala kami ni Erica, kaya kami naging mag bestfriend e dahil kaklase ko na to mula junior and senior high hanggang ngayong college.
Minutes later, dumating na si Erica, hindi niya kasama yung jowables niya dahil iba yung course ni jayson, BSBM ata, buti naman at baka ilang irap magawa ko dahil you all know naman, sobrang lalandi ng mag jowa na to.
"Hoy bakla! Bakit ka pala na late kanina? At gaga ka! Sobrang lutang ng sagot mo kanina sa kay miss bakulaw ha! Naku galit na galit sa iyo, kesyo daw wag kang tularan, mga katulad mo raw di makakapagtapos ng pag-aaral etcetera etcetera., ano ba kasi nangyari?"
" You know Drake diba? Oh my gosh beshie! Tanginuuuuuuuuh to the highest level.!!" At kinuwento ko na sa kaniya ang simula ng aming love story ni baby loves drake ko. Simula ng magkabunggu-an kami , yung muntikan na naming paghahalikan at yung munting conversation namin shet. Alalang alala ko pa yung mga salitang binitawan niya.
" OA bakla ha? Isang sentence lang yung sagot sa'yo maka react ka akala mo kinuwento niya na sa'yo yung talambuhay niya"
" Masisisi mo ba ako beshie? Si Drake yun! Ang ubod na gwapo at super yummy na si Drake! Oh my gosh.. feeling ko any time gurl magpapabuntis na ako sa kaniya!"
Sabi ko habang nag dedaydream na niroromansa ako ni baby love Drake ko. Gosh..hohoho..
" Gaga bakla. Wala kang kepay! Di pechay yang sa iyo! Tumbong yan gaga! "
" Gaga parehong butas pa rin naman 'yon ! Hay basta! Masaya talaga ako ngayong araw! Feeling ko heto na talaga ang simula ng aming love story beshie. " sagot ko sa walanghiyang unsupportive friend ko.
Napailing na lamang ito.
Basta! Gagawin ko ang lahat mahulog lang ang loob sa akin ni Drake Yvan Montecillo! Itaga nyo pa sa Buwan ni Sailor moon!
******************************************
NOONG sinabi kong gagawin ko ang lahat para mapalapit kay Drake eh hindi ko talaga ginawang biro. Katulad na lang ngayon, magpapalista ako sa soccer team at guys, seriously speaking, WALA AKONG ALAM SA PAG SOSOCCER! pero para kay baby Drake ko ay gagawin ko ang lahat kahit pa akyatin ang pinagsamang mount everest at mount fuji.
" Hi, uhmm can I ask where is the registration for those aspiring students who wants to join the soccer team?" Tanong ko sa lalaking mukhang mama.
" Bakit magpapalista ka?" May pang uuyam na tanong neto. Aba! Ano ang tingin niya sa akin? Malamya? well totoo naman, pero I can practice! Gusto kong matuto noh ! Dzuh! Unang rason ay dahil ofcourse sa baby loves ko, pangalawa i need to join some recreational activities para naman makapag ehersisyo ako, and lasty i would like to have fun!
" Oo kuya" maikling sagot ko, baka kasi pag pilosopohin ko to ay di na ako makakasali.
" Andon sa unang canope , puntahan mo na lang, sigurado ka talagang magpapalista ka? Bawal lalamya lamya sa soccer, baka pagtawanan ka lang" naiinis na 'ko dito ha!
" Don't worry kuya , I can manage!" Sabi ko na lang at tinungo yung kinalalagyan ng registration area.
Actually first year pa lang ay gusto ko na talagang sumali sa soccer team kaso nga lang wala pa akong lakas ng loob. Gustong gusto ko kasi talagang sundan si Drake, follow your dreams ika nga. Stalker na stalker ang datingan pero mas prefer ko ang tawaging admirer. Dzuh! Sa ganda kong to magiging stalker lang? Like dzuh!.
Habang papalit ako ng papalapit sa registration area ay may naaaninag akong anghel, isang matipunong anghel,
Ohhhh myyy gulaaaaay!
Si baby drake pala ang nakatoka sa Registration Area sheeeeet!
May kasama nga lang na asungot, si Liam
Dali dali kong pinuntahan ang Love of my Life at pumila para magpalista
Noong turn ko na...
" Uhmmm, excuse me, kyah? pwede pe beng megpeleste ?" OMG , I dont sound like a pabebe naman diba? Didn't I?
" Just write your name here, contact number , course , year and section and we'll just call you for the orientation that will be held tomorrow." Sabi ni baby Drake at hindi man lang ako tinapunan ng tingin..
Gosh! Paano niya natitiis hindi tingnan ang mukha ng isang dyosa? dapat sa malamya ko pa lang na boses ay napa-angat na 'yung mukha niya! Drake ha! Masyadong mababa standards mo! char!
" Wait? Diba ikaw yung stalker ni Drake? Yung parating nagbibigay ng pagkain at nagpapansin sa kaniya?" Sabi ng asungot sa gilid.
Gago to aa! I know that I am pretty obvious sa mga pagpapapansin ko kay Drake pero really? Kailangan niya pa talagang sabihin yon? Pero knowing me, wala na akong pake, wala ng hiya hiya kung para naman sa baby ko. Tiningnan ko naman ito at saka inirapan, dzuh! fierce kaya tong dyosa niyo.
Pagkasabi ng asungot na yon ay iyon din ang pag angat ng poging fes ni Drake. Sabay pinagningkitan ako ng mata. Napalunok naman aki ng modta, charot, napalunok naman ako ng laway dahil sobrang pogi talaga nito!
" Hindi ka ba talaga titigil ng kakasunod sa akin? " sabi niya, irritation is very evident on his voice. Parang ayaw niya talaga akong makasama dito. Nakaramdam naman ako ng kirot, pero very light lang naman! Don't worry, keri lang!
"Ahh hindi aa! " kunwari pagtanggi ko sa paratang niya pero ang totoo talaga ay sinundan ko sia dito haha! "Gusto ko talagang sumali dahil you know, gusto kong matuto mag soccer at kailangan natin palagi ang maging healthy kaya kailangan ko ng sport na to at." At di niya na naman ako pinatapos mga besh nong magsalita siya.
"This is not an interview, so just please shut up, NEXT!" Sabi niya using his cold , hot, baritone voice.
Nanlumo akong umalis ng registration area at rinig ko pa ang sabi ng asungot na si Liam na "ang harsh mo naman pre"
Hay.. isinawalang bahala ko na lang yung nangyari at inisip ko na lang na at least! Magkikita na kami araw araw sa practice at talagang gagawin ko ang lahat mapalapit lang sa kaniya. Sabihin niyo nang obsessed at kung ano pa, eh sobrang mahal ko talaga eh.
Pagbalik ko ng room namin para sa next subject ay kinuwento ko kaagad kay Erica yung nangyari kanina.
"GAGA KA BAKLA? BAKIT KA SUMALI DON E ANG SUPER LAMPA MO?" pasigaw na sabi ng walanghiya kong bestfriend!
"EH diba sabi nila you should chase your dream? Kaya ayan hinabol ko na" paliwanag ko
" HOY! DI KA ASO PARA MAGHABOL! Dogstyle lang alam mo sa pagiging aso di yung naghabol kaya wag ako!" At talagang napakaburara ng bunganga netong punyetang to
"HOY! para sabihin ko sa iyo virgin pako! Daliri ko pa lang ang naipapasok ko ditk at saka noon ko pa naman hinahabol habol tong si Drake ah? Bakit ganiyan ka maka react?" Sabi ko dito
" Kadiri ka baklaaaa! Pucha seryoso nag pipinger ka? " at yon talaga yung tumatak sa kaniya.
"Siyempre biro lang ! Gagang to!" Pagdipensa ko naman sa kaniya.
" pero kasi bakla, lalamya lamya ka, lalampa lampa at tatanga tanga, marami namang paraan para magpapansin pa sa kaniya bakit ka pa sumali diyan? Naghahanap ka lang talaga ng sakit ng katawan. " seryosong sabi nito at mababanaag yung concer sa himig nito.
" gurl! Ginawa ko na lahat ng pagpapapansin, kulang na lang magpapako ako sa krus para tingnan niya, maging itim na nazareno para lang punasan niya at maging paaralan para pasukin niya" madrama kong sabi kay Erica.
" hay! Ewan ko sa iyo bakla! Buhay mo yan , ikaw ang bahala, jusko! Obssesed ka na talaga sa Drake na iyan! Baka ikapahamak mo na iyan ha! Payong kaibigan lang, magtira ka pa rin ng para sa sarili mo , wag buhos lahat nakuuu!," sabi nito at umalis na ng room kasi tinatawagan na ng boyfriend niya, sakto wala na rin kaming klase kaya umalis na rin ako para umuwi.
Hay, basta, bukas na gaganapin ang unang yugto ng aming pagiibigan ni baby loves Drake ko, hindi na ako makapaghintay para sa orientation bukas, siya ang team captain kaya sigurado akong babatiin niya kaming mga baguhan sa larangan ng soccer. Sana may pa hug or pakiss sa mga new member hihihihi..mag iisip na rin ako kung ano ang pwedeng ibigay or ipakain sa kaniya , lagyan ko kaya ng gayuma? Charot ..di ako ganon haha.. mamahalin niya ako dahil sa mahal niya ako. At titiyakin kong mangyayari yon! Itaga nyo sa diamond!
Kailangan kong mag beauty rest ngayong gabi, set aside ang mga negative thoughts and dream for my baby Loves Drake, alam kong ang lahat ng mga ginagawa ko ay mag pa-paid off, not now, but I bet in the near future, malapit na talaga..
itutuloy...