Jamie
" Let's pretend to be a couple. Tingnan lang natin kung hanggang saan dadalhin ng selos si captain. " ang seryosong sagot nito sa akin. Bigla naman ako napahalagapak ng tawa dahil sa biro nito.
" Nag-jojoke ka ba? Infairness ang havey ha! Si Drake? Magseselos? Para mo na ring sinabing puputi pa ang uwak! Tama na friend! Alam kong pinapagaan mo lang ang loob ko pero ayaw ko na talaga. " ang sabi ko naman sa kaniya.
" Okay look, kung nakita mo lang kasi kanina ang mga mata niya. I can sense that he is really jealous! Ang sakit tumitig nito sa akin! " ang pagpipilit niya pa. Napatutop naman ako sa aking bibig nang mapagtanto ang mga nangyayari.
" Holy! Shet! Walangya ka Leo! Baka ikaw 'yung gusto ni captain? Fudge kaaaa! " ang hindi makapaniwalang singhal ko sa kaniya. Baka galit nga si Drake sa akin sa kadahilanang madalas kaming nagkakasama ni Leo tapos sweet pa namin sa isa't isa. Baka nga may gusto ito kay Leo! Shet! Pano yun? Sino ang bottom?
Napatigil lamang ako sa pag o-overthink ng bigla ako nitong pinitik sa noo na ikinahiyaw ko naman.
" Baliw! Nakakadiri 'yang mga iniisip mo! Pero seryoso! Sakyan mo lang 'tong trip ko. Tingnan lang natin kung gagana. Kung hindi edi stop mo na talaga ang paghahabol mo sa kaniya. " pagkumbinsi pa nito sa akin. Napaisip naman ako. There is no harm in trying ika nga nila. Baka pwede ko ring subukan.
" Okay! Pero one week lang ha! Iniisip ko pa lang na magiging boyfriend kita ng isang linggo ay parang masusuka ako! Gosh! Incest lang teh? " ang pang-aasar ko sa kaniya.
" Wow ha! as if naman! Parang gustong gusto mo nga eh! Kunwari ka pa! " balik na asar din nito sa akin.
" So paano? Simulan na natin? " tanong nito sa akin bigla.
" Anong simulan? " ang balik kong tanong naman sa kaniya.
" Punta na tayong motel. " napakunot naman ang noo ko dahil sa naging sagot nito. Naka drugs ba 'to?
" Ano naman ang gagawin natin don? " tanong ko sa kaniya.
" Edi papagurin kita, diba sabi ko kay captain --- araaay! Haha tama na! "Hindi ko na ito pinatapos at pinaghahampas ko na ito.
" Nakakadiri kang hinayupak ka! Manyak! Papatayin talaga kitaaaaa! " sigaw ko dito at naghabulan na kami sa labas ng school.
***
Andito ako ngayon nakatayo siguro mga sampung metro sa pinagpapraktisan ng team. Sinabi na rin ni coach doug na hindi ako makakapagpractice sa loob ng isang linggo dahil daw nagkafracture ang paa ko. Yun ay ang sabi ni Leo. Kaya no choice ako kundi magpilay-pilayan.
Hindi sana ako pupunta dito ngayon pero dahil sa pakulo ni Leo ay sapilitan niya akong napapunta rito. Gagawin na daw namin ang Oplan: Make Drake Montecillo Jealous. Diba? Title pa lang waley na. Ang kakornihan talaga ni Leo.
Magsisimula na sana akong maglakad papalapit sa kanila nang biglang sumigaw si Leo.
" Babe! " ano daw? Nakangiti ito habang nakatingin sa akin. Ako ba ang tinatawag nito? Pero babe daw eh. Napalingon naman ako sa paligid baka sakaling hindi ako ang tinawag nito pero wala naman akong kasama.
Nang makalapit na ito sa akin ay agad itong bumulong sa tenga ko.
" Babe yung endearment natin! Tawagin mo rin akong babe! " what?
" Ano? Kailangan ba talaga 'yon? " ganti kong bulong sa kaniya.
" Kung gusto mong maging kapani-paniwala 'tong pagpapanggap natin ay sumakay ka na lang at huwag nang magreklamo! " ang sabi nito sa akin bago ako binigyan ng isang pilit na ngiti. Hinapit naman ako nito sa beywang at inalalayan 'kuno' papuntang bench para manuod sa kanilang practice.
Ah! Gets ko na ang gusto nitong mangyari kaya pinapunta ako nito dito. Oo nga naman noh? Dahil partner niya 'raw' ako ay dapat suportahan ko ito.
Napunta naman sa amin ang atensyon ng lahat kabilang na si drake. Oh! Baka sabihin niyong siya agad ang hinanap ng mga mata ko! Hoy! Tama kayo! Chos!
" Diyan ka lang babe ha! Sabi ko naman kasi sa 'yo eh huwag ka nang pumunta dito dahil masakit pa 'yang paa mo! " dzuh! Ikaw kaya ang nagpapunta sa akin dito. Binigyan ko naman ito ng pilit na ngiti bago ko sinakyan ang paglalandi nito sa akin.
" S-siyempre naman b-babe! Hehe. H-hindi ko kasi kayang m-mawalay sa 'yo ng mahabang oras. Hehehe " yuck!
Para naman akong masusuka dahil sa mga pinagsasabi ko.
" Okay, diyan ka lang muna babe ha! Magpa-practice lang kami. " nagulat ako nang bigla ako nitong halikan sa pisngi! Punyetang Leo to ah! Mapagsamantalaaa! Mamaya talaga 'to sa akin.
Hindi nakalagpas sa aking pandinig ang pagkantiyaw ng mga kasamahan namin kay Leo. Kahit nga ako ay inaasar din nila. Narinig ko pa ngang sumigaw si Rose ng 'sana all'.
Habang nanonood ako ng practice nila ay napansin kong parang pinahihirapan masiyado ni Drake si Leo. Hindi sa paga-assume ha pero kasi yung iba nagsisimula na sa footwork pero si Leo ay pinatakbo pa ni Drake ng one-hundred laps. Ganoon ba talaga ito kagalit dahil may relasyon kami ni Leo?
Nang maramdaman kong parang sasabog na ang pantog ko ay agad akong tumayo papuntang CR para umihi. Siyempre, todo acting pa ring ang beshie niyo at paika-ika pa ako kung maglakad.
Pagkarating ko sa CR ay agad akong nagbawas ng tubig sa katawan pagkatapos ay pumunta ako sa gripo para maghugas ng kamay.
Habang naghuhugas ako ay may biglang pumasok sa loob at laking gulat ko nang mapagtantong si Drake ito. Lumapit din ito sa sink at nagsimulang maghugas. Kahit pa nahihiya ako ay binati ko pa rin ito bilang respeto dahil team captain pa rin namin ito kahit papaano.
" M-magandang hapon c-captain. " nauutal kong bati sa kaniya pero hindi naman ako nito tinugon.
Dahil sa sobrang awkwardness ay binilisan ko na lamang ang paghuhugas at siyempre. Paika-ika rin akong maglakad palabas ng comfort room. Pero bago pa man ako tuluyang makalabas ay narinig ko pa itong nagsalita na labis ikinapunit ng aking puso.
" Is his d*ck better than mine? Malaki ba masiyado at paika-ika kang lumakad? Tsk! What do I expect from a gay like you? Sabik sa tit1 "
" Ganiyan ba talaga kababa ang tingin mo sa akin Drake? Oo nga naman. Hindi naman talaga kita masisisi kung ganiyan ang akala mo sa akin. Malandi nga kasi ako diba. Nagawa nga kitang gapangin dahil sa kalandian ko. " hindi ko mapigilang sagot sa kaniya.
" There you go! So inamin mo rin na ginapang mo talaga ako! You---"
" Dahil 'yan ang gusto mong marinig mula sa akin! " sigaw ko sa kaniya. Wow! For the first time, nagawa kong sigawan ito.
" Oo! Inaamin ko! Gusto kita matagal na! Kahit nagmumukha na akong aso sa kakasunod sa 'yo ay hindi pa rin ako tumitigil dahil ikaw 'yung kasiyahan ko! Kahit na alam kong maliit lamang ang tiyansa na maging tayo, o kahit na maging magkaibigan man lang. Pero hindi ako nagsasawa drake, alam mo kung bakit? Dahil masaya ako sa ginagawa ko! "
"Masaya akong sundan ang pinapangarap ko noon pa man! Masaya na ako kahit masulyapan lang kita ng ilang minuto. Masaya na 'ko na maipagluto kita kahit na bihira mo lang itong tanggapin at tinatapon lang sa basurahan. Masaya ako na sinundan kita dito sa soccer team kahit na hindi ako marunong maglaro nito. Masaya ako kasi kasama kita! Masaya ako kasi kahit papaano ay napapalapit ako sa pinakamamahal ko. "
" Pero tila nawala na ang kasiyahang 'yon magbuhat nang may mangyari sa ating dalawa. Alam ng Diyos kung gaano ako nagsisisi kahit pa na wala rin akong alam! Sabihin na nating may mali ako dahil naging marupok ako pagdating sa 'yo, pero hindi 'non mababago ang tunay na pagkatao ko. Dahil lang sa isang pagkakamali ay pinamukha mo na sa akin kung gaano ako ka imoral at kawalang kwentang bakla! Inapak-apakan mo ang confidence ko drake. Kung alam mo lang kung gaano ako nanghihinayang dahil kahit na itanggi mo man ay itinuring na kitang kaibigan! And there is no agenda behind me befriending you! Masakit na makarinig ng masasamang salita galing sa 'yo. Pero I think I deserved this. " tumitigil muna ako sa pagsasalita para punasan ang mga luhang kanina pa pumapatak sa aking mga mata. Nakatingin lamang ito sa akin at tila hinahayaan lang ako nitong magsalita. But there is no emotion evident in his face.
" Don't worry, after this ay titigil na 'ko sa paghahabol sa 'yo. Bakit ko nga ba inaaksaya ang panahon ko sa taong malabo rin naman akong mahalin pabalik. Sasabihan ko na rin si Ms. Abrera na itigil na ang pagtututor mo sa 'kin. I'd rather have a failing grade kaysa makasama ang isang homophobic na kagaya mo. Pero sorry at hindi ako makakaalis ng soccer team dahil ayaw akong payagan ni coach doug pero huwag kang mag-alala. I will be professional at sana ganoon ka rin. I won't tell you to just forget what happened between us kasi baka naging bangungot mo na 'yung nangyari sa atin, pero rest assured na kakalimutan ko na ang nangyari noon, wala akong pagsasabihan and I'll just forget my feelings for you. For good. " hindi ko na ito hinintay na magsalita at agad na akong lumabas ng comfort room.
Gustuhin ko mang huwag dumaan sa mga nagpapractice ay wala akong choice dahil doon lamang ang daanan paalis ng field dahil sa mga barricade na nakaharang at hindi nakatakas sa paningin ni Leo ang umiiyak kong mukha. Agad ako nitong sinundan hanggang sa makalayo kami ng field.
Tahimik pa rin ito na nakasunod sa akin hanggang sa makarating kami sa building ng aming dorm.
" D-dito na lang Leo. Salamat sa p-pagsama. B-bumalik ka n-na don. " sumisigok kong sambit sa kaniya pero nagulat na lang ako ng hawakan ako nito sa palapulsuhan at hinila.
" S-san mo -ko dadalhin? " tanong ko sa kaniya nang mapagtantong hindi kami umakyat sa second floor kung saan nandoon ang dorm ko.
Nahinto lamang kami sa paglalakad ng huminto kami sa dorm ni Leo. Tiningnan ko naman ito at kasalukuyan itong kumakatok sa pintuan. Agad na niluwa ang isang lalaking first year din ata. Mukhang ito ang dormmate ni Leo.
" Pre, pwede ko bang mahiram sandali ang room? Promise mabilis lang 'to. " sabi ni Leo sa dormmate niya.
Nagtataka man ay tumango naman ang lalaki at walang anong lumabas ng room.
Pagkapasok namin sa loob ay agad itong naghubad ng pang-itaas na damit kaya agad akong tumalikod dito. Noon ay hindi naman ako naasiwa na makita si Leo na naka-topless pero iba pala talaga ang epekto ng sinabi ni Drake sa akin. Parang kahit ako mismo ay hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa masasakit na sinabi nito sa akin.
Pinaglalaruan ko ang mga daliri ko sa kamay habang hinihintay itong matapos sa pagbihis. Nagulat na lamang ako ng bigla ako nitong hapitin papalapit sa kaniya at niyakap ng mahigpit.
Nang dahil sa ginawa niya ay hindi ko na mapigilan at muli na naman akong umiyak. I cried till my heart's content. Nilabas ko lahat ng mabigat na nararamdaman ng puso ko ngayon.
" Just let it out. Iiyak mo lang. " Dinig kong sambit ni Leo habang marahan na hinihimas ang aking likuran. Napahigpit naman ang yakap ko sa kaniya at hinayaan lamang ako nito.
" Ayoko na Leo. Ayoko na. Ang sakit sakit na. " humahagulgol kong atungal sa kaniya.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiyak sa dibdib niya. Umiyak lamang ako nang umiyak hanggang sa makatulog na lamang ako.
***
Drake
Masiyado ba 'kong naging marahas at ganoon na lamang ang naging reksiyon niya? I was shocked when I heard his sentiments. Did I go hard towards him? Hindi ko naman masisisi ang sarili ko kung bakit ko nasabi 'yon sa kaniya. I was overcame by rage that I cannot even think of much better words. And I really feel guilty right now! Fvck!
I was just fvcking angry by the thought of him having a good time with that m*therfvcking Leo! Iniisip ko pa lang na may nangyari sa kanila ay parang mababaliw ako.
Wait.
What the hell am I thinking?! This is not myself! I should not feel guilty dahil deserve naman talaga ng baklang 'yon. Noong isang araw ay may nangyari sa amin then the following day ay dineklara agad ng p*tanginang Leo na 'yon na magkasintahan sila? That was just so unbelievable knowing that Jamie is head over heels with me!
The way how that m*therfvcking Leo looked at Jamie, and he even kissed his cheeks earlier! Hindi man lang ba sila nahiya? Na maraming makakita at maaasiwa sa mga galaw nila?
Teka? Why am I acting so weird right now?
Damn!
If they are really happy with each other then so be it! I don't give a damn!
Ano ngayon kung kakalimutan na ako ng baklang 'yon? Atleast wala nang aaligid sa akin.
Yep.
Afterall ay may magandang naidulot din pala ang nangyari sa amin. At least hindi na ako nito susundan like a freakin stalker does.
But why did my heart says otherwise?
Bakit masiyadong mabigat ang loob ko ngayon knowing na titigil na ito sa paghahabol sa akin?
Fvck!
I don't fvcing know anymore! I am really confused right now!
Damn it!
******************************************
Jamie
Natapos ang isang linggong pahinga na binigay sa akin ni coach. Kahit ayaw ko pa man na bumalik sa practice ay wala akong magawa sapagkat napag-usapan na namin ito noong nakaraan.
" Just be professional. Huwag mo na lang siyang pansinin, okay? Relax! " sabi ni Leo.
Hindi na rin namin pinagpatuloy 'yung oplan seduce keme namin kay Drake. Para ano pa?
Pagkarating namin sa field ay sinalubong agad ako ng mga teammates namin. Tinatanong kung okay lang daw ba ako. At siyempre hindi pa rin nawawala ang pagkantiyaw sa amin dalawa ni Leo. Nang tinanong ko naman si Leo kung bakit inaasar pa rin kami ng mga ito ay dahil hindi niya pa pala nasasabi na nag jo-joke time lang kami last week at mukhang wala rin siyang planong mag explain sa kanila kaya hinayaan ko na rin lang ito.
I feel uneasy habang nagwa-warm-up ako. Para bang may tumitingin sa bawat galaw ko kaya naman luminga-linga ako and then I caught Drake looking at me. Tila nataranta naman ito at agad na binaling ang tingin sa kaniyang tinuturuan.
So what now?
Nagsimula na rin kami sa aming practice at mukhang napapansin ko na parang hindi na ako pinapahirapan ni Drake masiyado sa practice. Madalas kasi ako nitong pinag-iinitan tuwing practice kaya nakapagtataka lang ang mga kilos nito ngayon. Palagi ko rin itong nahuhuling nakatingin sa akin. Hindi sa binabantayan ko rin ang bawat galaw niya ha! Sadyang malalaman mo lang talaga if someone's looking at you.
" Oh, ginawa mo na talaga akong katulong. Akala ko ba boyfriend mo 'ko? " Leo told me as he handed me a bottle of water.
" Eh sa masakit na paa ko bes eh! At ganoon naman talaga ginagawa ng boyfriend sa mga kasintahan nila diba? Pinagsisilbihan nila ito. Kaya huwag ka nang magreklamo! Ginusto mo rin naman ito ah! " sabi ko sa kaniya at marahang nilagok ang laman ng bottled water.
" Wow ha! So parang may utang na loob pa pala ako sa 'yo. Iba ka rin Jamie, salamat ha?! " sarcastic na sambit nito sa akin. Nginitian ko naman ito.
" Thank you Leo, loveyou muaaah! " diba? Ang talandi ko lang. Kaya ako napapahamak eh haha.
" Nope, hindi ako tumatanggap ng pasasalamat. " ang sambit niya sa akin na kinakunot ng noo ko. Ano na naman ba ang trip nito?
" Luh? Eh ano bang gusto mo? Tinatamad pa 'kong lumakad kaya mamaya na lang kung may ipapabili ka. " I told him pero umiling-iling lamang ito.
" So ano nga? " I helplessly asked him.
" Kiss mo 'ko " hala? Naka drugs ba 'to?
" Adik ka ba? Ba't ko naman 'yun gagawin? " singhal ko sa kaniya.
" Damot mo naman! Pagkatapos ng lahat! Simpleng kiss lang naman hinihingi ko ah! " he said sulking. Aba't ang isip bata talaga.
" oh siya, siya, " akmang hahalikan ko na ang pisingi nito nang bigla itong pumihit paharap sa akin kaya imbes na pisngi ang mahalikan ko ay ang malambot na labi nito ang dumampi sa labi ko.
Hinampas ko naman ito ng todo dahil sa pagiging pilyo nito. Gag*ng to ah?
" Walangya ka talagang lalaki ka! Papatayin kitang punyeta ka! " gigil kong pinaghahampas ang malaking braso nito pero agad din naman nitong nahuli ang aking mga kamay.
" Hahaha, tama na! Parang lugi ka naman! Sa pogi kong to? " may pataas-baba pa ng kilay 'tong punyetang 'to. Sarap bigwasan!
" Infairness ha, your lips are so sweet. Pwede isa pa? " malandi! Tinadyakan ko naman ito sa tuhod na ikinangiwi niya. Serve him right!
Hahampasin ko pa sana ito ulit nang may biglang nagsalita.
" We are having our practice seriously here. Pwede bang mamaya na lang 'yang landian niyo? Fifteen minutes had been already finished and yet the both of you did not go back to practice. 30 laps for the both of you. NOW! " napabuntong hininga na lang ako at agad na hinila si Leo para masimulan na namin ang pagtakbo. Ayaw ko na rin kasing makipag-argue dito kahit na alam kong hindi pa tapos ang fifteen minutes na break.
" Hahaha, nagseselos ata si captain! Nakita siguro tayong naghalikan. " tumatawang sambit ni Leo habang kami ay tumatakbo.
" Punyeta ka kasi. Asa ka namang magseselos 'yun. Stop giving me false hope 'kay? " sagot ko sa kaniya.
" Ito naman! Di mabiro. Kaya hindi ka tumataas eh! " aba't! Inasar pa 'ko ng hinayupak!
" I am not short! You are just tall compared to me! " dipensa ko naman. Sumosobra na 'to ha!
" Nye,nye,nye! Whatever yaya! " ang hilig talagang mang-asar nito. Kaya kahit sa pagtakbo ay hindi ko pinalampas na hampasin ito. At natapos lang ang thirty laps namin na puro pang-aasar ang ginawa ni Leo sa akin at puro hampas naman ang ganti ko sa kaniya.
itutuloy...