Vladimir's Point Of View "Tatang Anselmo?" Malakas na tawag ko sa kanya. Alam kong may hindi magandang nangyari dito ng umalis ako kaya nag-aalala ako ng sobra. Pagpasok ko sa loob ng kubo ay walang tao. Wala si Lira at wala din si Tatang. Napasapo ako sa aking noo habang sinisisi ang sarili ko na sana ay sinunod ko ang gusto niya, na isama ko na lang siya sa pag-alis ko. Butas-butas ang kubo ni Tatang. Butas na nga ito ay mas binutas pa nila gamit ang bala ng baril. "Tatang Anselmo!" Malakas na tawag ko sa kanya habang binabaybay ko ang daan na maari nilang puntahan. Alam kong sa paunahang direksyon sila pumunta. Opposite ng mga kalalakihan na nakarating dito. Napapaisip ako kung sino na naman ang nangahas na pasukin ang gubat na ito. Sinikap kong mas lumalim pa sa paghahanap, hi

