Sumama ako ng kusa para sa kaligtasan ni Tatang Anselmo. I don't even know then kaya nag-iingat rin ako ng bawat kilos ko. Naaawa ako kay Tatang. Alam ko naman na kaya sana niya ang sarili niya pero dahil gusto niya akong iligtas at mapatakas ay nagkaganun siya. "Sino ba kayo at anong kailangan nyo sa akin?" Galit na tanong ko na ng maisakay na nila ako sa kanilang sasakyan. Tatlong sasakyan sila at punong-puno ng mga kalalakihan. Lahat sila ay naka-itim na suot. Pakiramdam ko tuloy ay ibuburol ako dahil ako lang ang nakaputi ng damit sa kanilang lahat. "Wala ka ng marami pang tanong, okay? Just keep your mouth shut!" Masungit na sabi sa akin nung isang lalake na nagtutok ng baril kay Tatang. I gave him a death glare pero nginisian lang ako ng loko. Matapang na ako ngayon dahil alam ko

