Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako sa isang masuyong haplos sa aking buhok. "Hey... sleepy head. You need to eat." Wika ni Vladimir. "Mamaya na... antok pa ako eh..." inaantok na sabi ko bago ko siya talikuran. "But you need to eat first, okay?" "Five minutes pa. Gusto ko lang talagang matulog ngayon..." ungot ko pa pero wala na akong nagawa ng pilitin niya akong bumangon. "No. Baka magkasakit ka kapag nalipasan ka ng gutom. I told you to wait for me pero hindi mo ako hinintay." "Kasi nga inantok na ako." Halos buhatin na niya ako patayo. Hila-hila niya ako sa aking kamay hanggang sa makarating kami sa kusina. Pagkarating ko ay nakahain na ang pagkain ko at uupo na lang ako para kumain. "Eat first. Aalis kasi ako mamaya maya kailangan kong mapakai

