Mabilis akong umiwas sa kanya at tumakbo ako pabalik sa loob ng aming bahay!
"No! Please! Leave me alone!" Sigaw ko pagkapasok kong muli sa aking kwarto. Labis-labis na ang kaba ko. Hindi ko na alam ang maari niyang gawin kapag nahuli pa niya ako.
Nataranta pa akong lalo ng makita kong gumagalaw ang doorknob ko! Pinipilit niyang buksan iyon. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko at kung papaano pa ako makakatakas!
"What to do! What to do! Mag-isip ka, Lira!" Tila ba nahihibang na sabi ko dahil nagsasalita na akong mag-isa! Kasalanan talaga 'to ng lalakeng yun!
Hindi ko alam kung saan pa ako magtatago. Hindi naman na pwedeng sa bintana na naman ako dumaan! Hindi rin pwedeng sa ilalim ng aking kama kaya naman dumiretso na lang ako papasok ng aking banyo!
May maliit na butas doon paitaas! Pwede akong dumaan doon!
"Open the door or else pasasabugin ko ito!" I know he mad right now. Angry like a mad dog. Ang boses niyang malalim ang lalong nakakapagpakaba sa akin. Panay ang tunog ng pintuan ko dahil sa ginagawa niyang pagsipa rito.
"Bahala na!" Sa isip-isip ko!
Nagkulong muna ako sa aking malaking cr habang naghahanap akonng pwede kong tapakan para makaakyat sa butas nito na pwede kong daanan papunta sa atique namin. Gagawin ko ang lahat para hindi niya lang ako maabutan dito! Ayaw ko pang mamatay! Ayaw ko pang sumunod sa mommy at daddy ko. At bigla ko na naman nakita ang hitsura nila habang nakahandusay sa sahig. Napapikit ako. Hindi pwedeng maging mahina ako ngayong araw! Kahit ngayon lang ay maging malakas ako para mailigtas ang sarili ko laban sa lalakeng yun!
Napapikit ako ng marinig ko ang malakas na lagabog ng pintuan ko!
I knew it!
Nabuksan na niya ito.
"Oh, God! Please help me na makatakas sa masamang taong yun!"
Wala akong mahanap na pwede kong tapakan para maanot ang butas at maalis ng takip nito kaya naman tumapak na ako sa ibabaw ng flush ng bowl nito. Nahihirapan pa akong abutin ang takip nito kaya naman mas tumingkayad pa ako.
Sa wakas! Naabot ko rin! Kaya lang ay ang pintuan n ang cr ang pinipilit niyang buksan!
"Oh! No! Please! Bilisan mo ang kilos mo, Lira!"
Sa wakas! Nabuksan ko na ang maliit na kwadradong takip. Itinuntong ko pa ulit ang paa ko sa tapat ng flush! At nagflush pa nga ito. Kaya nagmadali ako lalo!
Shit! Mas narinig niya! Pesting flush 'to! Pahamak!
"Oh, Miss Virgin. Ganito ba ang gusto mong laro? Taguan, huh?! Kapag hindi mo binuksan ang pintuang ito ay hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo!" Ramdam ko na ang labis na galit niya. Alam kong nauubusan na siya ng pasensya ngunit wala akong pake!
Hindiko na pinansin ang pag-iingay niya sa labas ng cr ko. Mas lalo pa akong nagpumilit na makaakyat at sa wakas! Malapit na ako dahil naiangat ko na ang katawan ko. Naipasok ko na ang kalahati nito. I'm almost there!
But!
Shit!
He opened that god damn door!
"So you love doing escaping huh!" Nanlaki ang mga mata ko ng hawakan niya ang binti ko!
Hinila niya ulit ako pababa! It hurts! Nagasgasan yata ang parte ng tummy ko!
Akala ko ay babagsak ang mukha ko sa tiles ngunit hindi! Buti na lang at sinalo niya ako! Tumama ang mukha ko sa dibdib niya at hindi ko inaasahan na sintigas pala iyon ng bato!
Lira naman! Nasa bingit ka na ng kamatayan pero yan pa talaga ang naisip mo?
"May sa unggoy ka ba? Bakit ba ang hilig mong lumambitin at umakyat?"
Nasabi pa talaga niya yun? Ang kapal din ng mukha ng killer na 'to eh!
Itinulak niya ako palayo sa kanya.
"You smell like... augh! Bakit ka ba kasi umakyat pa?" Aniya na tila nandidiri pa sa akin! Hindi ba niya naisip na kaya ako umakyat dun ay dahil sa kakahabol niya?
Tatakbo sana ako palabas ng banyo ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ko na nagawa dahil nahawakan na niya ako sa braso.
"Trying to escape with me again, huh?" He smirked again.
"P-please... S-spare me. D-don't kill me..." lumuhod na ako sa harapan niya habang garalgal na ang boses ko. Labis na nagmamakaawa ako at nanginginig na rin ang katawan ko dahil sa labis na takot ko na.
Nakasunod ako ng tingin sa kanya habang dahan-dahan siyang umupo at pumantay ang mukha niya sa mukha ko. Bahagyang inilapit ang mukha niya sa akin. As in sobrang lapit at para bang isang pagkakamali ko lang ay maglalapat agad ang aming mga labi!
"Sino bang nagsabi sa'yo na papatayin kita? Hmm?" Rinig na rinig ko ang malagong niyang boses. Amoy na amoy ko rin ang hininga niyang pinaghalo ang sigarilyo at mint candy. Halos maduling na ako dahil sa pagtingin ko sa mga mata niya kaya naman pumikit na ako.
"Hindi ako pumapatay ng birhen, Miss Virgin. Sayang naman kung mamamatay kang hindi mo pa natitikman ang langit..."
At sa sinabi niya ay agad akong napamulat! At nanlaki na lang ang mga mata ko ng lumapat ang labi niya sa labi ko!
Agad ko siyang itinulak!
"Bastos!"
"Pervert!"
"Patayin mo na lang ako kaysa naman ibigay ko ang virginity ko sa'yo!" Lakas loob na sigaw ko!
"Oh really?"
Nagulat ako ng tumayo siya at hubarin ang suot niyang t-shirt!
Tama nga ako. Bato-bato nga ang katawan niya. s**t! Lira! Stop fantazising!!!
Napaurong ako habang nakaupo ng unti-unti na siyang naglakad papalapit sa akin.
"A-anong gagawin mo sa akin?"
"Ano pa? E di papatayin? Your wish is my command, honey..." he's smiling like an evil. Papatayin? Pero bakit kailangan pa niyang maghubad ng damit niya? Para ipakita sa akin na dapat akong manghinayang? No way!
"P-papatayin mo ako?"
"Oo. Hindi ba't yan ang gusto mo?"
"Oo! Patayin mo na ako ngayon din!" Tapang-tapangan ko pang sabi. Sinusubukan ko talaga kung papatayin niya ako pero nanlaki ang mga mata ko ng ikasa niya ang baril!
Por Dyos, Por Santo! Itutuloy niya!
Napatungo ako at napapikit!
Hindi naman talaga yun ang ibig kong sabihin. Hindi ko pa talaga gustong mamatay. Pero diba sabi naman niya ay hindi siya pumapatol sa virgin? At hindi rin siya pumapatay ng virgin? E di hindi niya ako magagwang patayin!
"That's not what I meant! A-ano bang gusto mo? P-pera? Marami ako niyan!"
Ipagkakanulo ko na lang ang natitirang kayaman ng daddy ko. Kahit na maghirap ako at tumira sa lansangan. Kahit na maging pulubi ako ay okay lang. Basta ang mahalaga ay buhay ako at humihinga!
"Pera? If I know, wala ng pera ang mga Silvestre?" Mayabang pang saad niya.
"Hindi totoo yan! Marami akong pera! Nasa drawer ko! Bigay pa yun ni Daddy sa akin!" Taas noong sabi ko na.
"Bigay ng daddy mo sa'yo?" Nangungutyang sabi niya kaya naman napakunot ang noo ko. Nang iinsulto ba siya? Anong tingin niya sa akin? Poor girl?
"O-oo! One hundred thousand yun. Pang-shopping ko sana ng mga damit! Dress! Panty! Bra! At kung anu-ano pa!"
"One hundred thousand? Nagpapatawa ka ba? Pera ba yun?"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Sa isip-isip ko ay ang yabang naman nito. Nila-lang niya lang ang perang isang daang libo? Aba! Ang hirap kayang kitain nun!
Eh, ano na pala ngayon ang tawag sa one hundred thousand? Hindi na pera?
"M-mayaman ka pala? Bakit narito ka? At bakit mo pinatay ang mommy at daddy ko? Kung hindi pera ng kailangan mo ay makakaalis ka na! Leave me alone! Killer!"
Pinapahaba ko ang usapan namin kaya naman naglalakas loob akong tanungin siya. Isa pa, gusto ko rin talagang malaman ang dahilan kung bakit niya pinatay ang mga magulang ko.
Mabait ang mommy at daddy ko. Matulungin sa kapwa kaya hindi ko alam na may mga tao na palang may galit sa kanila at nagawa silang pasukin at patayin sa sarili nilang pamamahay. Kung mapapanood ko lang sana ng buo ang cctv namin dito ay malalaman ko at mapapanood ang buong pangyayari. Maaring makita ko rin ang lahat ng mukha ng killer pero heto at na-trap ako sa isang 'to! Ayaw pa talaga niyang magdamit!
"Do you really think na sasagutin ko ang tanong mo, Lira Silvestre?"
Natigilan ako. He knows me. He knows my full name. Is he stalking me?
"How did you know my full name?" Taas-noong tanong ko.
"Oh, come on. Kilala ka dahil sa kayamanan ng pamilya mo. The only daughter of Gaston Silvestre and Rose Silvestre." Confident pang sabi niya.
Kung gayon ay ako lang ang alam niyang anak nina mommy at daddy. Hindi niya kilala si Kuya Bryle. Pero hindi na niya kailangan malaman pa dahil ayaw ko rin mapahamak ang kapatid ko.
May kinuha siya sa bulsa niya at nagsindi ng sigarilyo. At sa pagbuga niya nga ng usok ay agad akong napaubo. Ni minsan ay hindi pa ako nakalanghap ng usok ng sigarilyo, ngayon pa lang!
"Ano ba? Balak mo ba akong patayin sa usok ng sigarilyo mo?" Umurong pa ako pero napasandal na ako sa pader. Piste talaga! Pati pader ba naman ay tutol na makalayo ako sa lalakeng 'to?
Napatingin ako ng itapon niya yung bigla sa sahig at tapakan ng kanyang paa.
"You know what? I have a proposal to you. At bawal kang tumanggi."
Proposal? Ang kapal talaga ng mukha ng lalakeng ito! Siya pa ang may ganang magbigay ng proposal? Pero malay natin. Baka pumabor sa akin.
"Spill it!" Ako na itong papatayin pero ako pa itong matapang!
Kinakabahan ako pero ano pa bang choice ko? Napatitig ako sa kanya habang hinihintay ang proposal na sasabihin niya.
"Come to me and be my woman..."
Nagulat ako sa sinabi niya kaya naman tumayo akong bigla at hinarap siya ng mas may tapang pa!
"Ano? Nahihibang ka na ba--"
Protesta ko sana ngunit bigla niya akong hinawakan sa batok ko sana ako siniil ng mariing halik. Bago niya ako binitawan ay halos hindi na ako makahingi.
"Don't say no. Kung ayaw mong magaya sa malamig na bangkay ng mga magulang mo..." nakakatakot na bulong niya sa puno ng tainga ko. Hindi ko tuloy maiwasan na magtaasan ang balahibo ng buong katawan ko! Yes! Tama ang iniisip nyo! Kasama na syempre yung...