Chapter 1

1016 Words
Nasa study room ako ng makarinig ako ng putok ng baril! Agad akong tumayo. Iniwan ko ang aking ginagawa sa laptop ko at lumabas ako ng akong silid kahit na nakasuot lang ako ng manipis na pantulog. At paglabas ko ay nakita ko agad ang aking mga magulang na duguan at nakahandusay sa sahig! "Mommy! Daddy!" Umiiyak na sambit ko at agad ko silang nilapitan at magkasabay na niyakap sa parehong oras. "Mommy! Daddy! Sinong gumawa nito sa inyo!" Umiiyak na sigaw ko at pakiramdam ko ba ay mababaliw ako sa aking nakikita. Walang tigil ang pag-iyak at pagsigaw ko na tila ba magigising sila sa klase ng paraan na ginagawa ko. Yugyog dito! Yugyog doon! Hanggang sa magulat na lang ako ng may isang taong hinila ako palayo sa kanila! Agad ko siyang itinulak! Dumiretso ako sa kusina at kumuha ako ng kutsilyo! Agad ko yung itinutok sa kanya hanggang sa walang takot akong sumugod sa kanya habang nakatutok pa rin ang kutsilyo! Ngunit isang putok ng baril ang nakapagpahinto sa akin. Akala ko ay patay na ako ngunit wala ni isang bala ang tumama sa akin. At pagtingin ko sa gilid ko ay nakahandusay ang yaya ko! He killed my Yaya! "You killed my Yaya! Napakahayop mo!" Wala akong pakialam kung ano pang maari niyang gawin sa akin! Lumapit ako sa kanya at pinagsusuntok ko siya! Wala akong pakialam kahit saan pa siya tamaan ng suntok ko dahil mas lalong sumilakbo ang galit ko ng malaman kong siya nga ang killer na pumasok dito sa pamamahay namin! "Kapag hindi ka tumigil ay ikaw ang isusunod ko sa Yaya mo!" Natigilan ako ng marinig ko ang baritonong boses niya! Binalak kong tumakbo ngunit mas naging mabilis ang kilos niya! Binuhat niya ako na parang isang sako ng bigas! Ipinasok ako sa aking kwarto. Inihagis ako sa kama at ini-lock ang pinto! At tila ba dito na kumabog ng sobra ang dibdib ko. "A-anong gagawin mo sa akin?!" Pagalit ang boses ko ngunit mahahalataan na ng takot. Paurong akong gumapang hanggang sa makarating ako sa dulo ng aking higaan. He smirked kaya mas lalo akong kinilabutan. "Bakit bigla yatang nawala ang tapang mo?" Napahigpit ang hawak ko sa bedsheet ko ng makita kong isa-isa niyang hinuhubad ang kanyang mga saplot. She looks like a cop pero alam kong masama siya! "Subukan mo lang na galawin ako! Mananagot ka talaga sa akin!" Tapang-tapangan ko pa kahit na nangangatog na ang tuhod ko sa takot. "Really?" Nanunubok pang saad niya. Tuluyan na niyang nahubad ang pang-itaas niyang damit at ngayon nga ay kitang-kita ko ang matipuno niyang katawan. "Huwag kang lalapit!" Mariing utos ko ngunit patuloy pa rin siya sa paglapit! "P-please! Huwag kang lalapit! V-virgin pa ako at hindi ko kayang ibigay ito sa kung sino lang--" Natigilan ako ng tumawa siya. Nakakatakot na tawa. "Virgin, huh? I'm sorry, miss, pero hindi ako nagnanasa sa virgin. In short... wala akong pakialam sa mga taong walang alam sa kama, okay? So, Shut up your mouth! At baka hindi ako makapagtimpi sa'yo!" Halos mapatalon ako at napapikit ng marinig ko ang malakas na boses niya. Malaki kasi at malalim ang boses niya kaya naman talagang makakaramdam ka ng takot at kilabot. Nanlaki ang mga mata ko ng maglabas siya ng isang posas! "A-anong gagawin mo sa akin?" "Didn't I say, shut up your mouth, huh!?" Natigilan na lang ako ng hilahin niya ang kamay ko at ilapit sa bakal ng aking kama. "Huwag mong sabihing--" "Shut! Up! Your! Mouth!" Muli akong napapikit dahil sa sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko. At ang huling narinig ko na lang ay ang pag-click ng posas sa kamay ko. "Ano ba?! Bakit mo pa ako ipinosas dito kung pwede mo namang patayin na din ako!" "Ang ingay mo!" Nauubusan ng pasensya na sigaw niya! Pinunit niya ang damit niya at muling lumapit s akin. "No! Ahh--" at nakulong na lang ang boses ko ng lagyan niya ako ng takip sa aking bibig. Para akong ngongo rito na panay ang sigaw kahit hindi ako nakakapagsalita. Pinagmamasdan ko lang ang bawat kilos niya. Maya-maya lang ay naglabas siya ng baril at lumabas na sa kwarto ko. Kaya naman nag-isip ako ng paraan para makawala sa posas na inilagay niya. "Tama! May hairpin ako!" Bigla kong naisip ang hairpin na nasa buhok ko. At dahil isang kamay ko lang ang nakaposas ay nagawa ko itong kunin. Sinubukan kong ipasok ang hairpin sa butas ng posas at boom! Bumukas ito kaya agad akong nakawala! Si daddy ang nagturo nito sa akin. Mabuti na lang at mabilis ko agad na natutunan. Medyo bumakat pa sa pulsuhan ko ang posas dahil may kasikipan ito. Agad akong bumangon. Dumiretso ako sa bintana upang silipin ang nangyayari sa labas. Napansin kong tahimik na ngunit marami ang nakahigang duguan. Maiiyak na lang ako dahil pati na rin ang mga katiwala namin ay wala naring buhay. Pero wala ng panahon para umiyak pa ako ngayon. Kailangang kong makaisip kung paano ako tatakas bago pa makabalik ang lalakeng yun! Medyo may kataasan ang bintana kaya kumuha na lang ako ng dalawang kumot. Pinagbuhol ko at itinali ito sa bintana pababa. "Bahala na!" Bigla ay nasambit ko saka ako umakyat sa bintana at dahan-dahan akong bumaba. Hindi ko na ininda ang takot ko kahit na nag-mistulang ninja turtles ang hitsura ko rito. Ang mahalaga ay makarating ako sa ibaba at makatakas ako. Nang mapadaan ako sa kwarto ni Daddy ay nakita ko siya roon na para bang may hinahanap kaya naman agad akong nagtago sa gilid! Mabuti na lang at hindi niya ako nakita! Nang makalampas ako ay lumambitin ulit ako. Nagdiriwang na ang puso ko dahil malapit ko ng marating ang lupa! "Diyos ko... Patnubayan nyo po ako..." mahina at taimtim na dalangin ko. Malapit na nga ang dulo ng kumot! At sa wakas! Nakababa na rin ako! Nagpalinga-linga ako sa paligid! Walang tao kaya dumiretso na ako palabas ng gate! Ngunit pagbukas ko ay siya agad ang bumungad sa akin habang nakangisi. "Where do you think you're going, Miss Virgin?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD