"Ano ba? Pakawalan mo nga ako rito!" Gigil na sigaw ko sa kanya. Iposas ba naman ako rito sa bakal ng headboard ng kama? "Hangga't hindi ka nagtitino ay diyan ka mananatili. Ang ayaw ko sa lahat ay matigas ang ulo! Kaya magtiis ka dyan." Lumayo siya sa akin at sumandal siya sa pader sa may unahan ko. "Kapag iniwan mo ako rito. Magugutom ako. Hindi ako makakainom o makakain. Mamamatay ako rito, Vladimir. Sige na. Pakawalan mo na ako rito..." Binago ko na ang tono ng boses ko. Tunog nagmamakaawa na ako. Mamaya kasi ay iwan niya talaga ako rito. Paano pa ako mabubuhay nito? "Huwag mo akong daanin diyan sa lambing mo yan, ha? Hindi na ako naniniwala. Nagawa mo na yan dati, hindi na ako magpapauto sa'yo, Lira." Napalabi ako. Talaga yatang hindi ko na mababago ang isip niya. Pero ano

