Inabot na kami ng malakas na ulan sa kakatakbo kaya naman pumasok muna kami sa isang malaking kweba. Kinakabahan pa ako dahil ang mga nakikita kong kweba sa palabas ay maraming nakakatakot na nakatira sa loob. Iniisip ko pa na baka pagpasok namin ay may anaconda o kaya naman ay mabangis na hayop at kainin agad kami. "Wala bang paniki rito? You know? Diba sa kweba sila nakatira?" Tanong ko pa habang sumisilip-silip. Madilim sa loob. Halos wala nga akong makita. "Tapang mong yan? Takot ka sa paniki?" Pang-aasar pa niya. "Syempre! Paniki yun, nuh! Mabaho at tsaka mapanghi! Mamaya kagatin ako nun! Edi nagkasakit pa ako ng wala sa oras?" Matapang na sagot ko sa kanya. Akala yata ay uurungan ko na naman siya! "See? Nagtatapang ka na naman?" Sabi pa niya! "Paano kasi--ay!" Napatalon ako

