"Nababaliw na ba si Tatang, Vladimir?" Bulong ko sa mokong na biglang sumulpot sa tabi ko. Paano ba naman? Kanina lang ay sobrang tapang niya tapos ngayon ay nakaluhod sa may harapan ko at panay ang hingi ng tawad! "Tss. Pagpasensyahan mo na dahil matanda na. She doesn't know you kaya niya nagawa yun. Akala ko kasi ay magkikita kami sa gubat kaya iniwan muna saglit. Mabuti na lang at nag-iwan siya ng palatandaan na nakauwi na siya. "At kung hindi ka bumalik agad ay baka sabog na ang ulo ko! Sayang naman itong matalino kong utak kung sasabog lang sa sahig!" "P-patawarin nyo po talaga ako, Miss Silvestre--" rinig kong sabi ni Tatang Anselmo ngunit sinenyasan siya ni Vladimir kaya huminto at pagkatapos ay tumayo na. Ganun? Isang senyas lang ay okay na? "Okay. I'll forgive you thi

