Sarap na sarap ako sa saging na kinakain ko habang naglalakad kami. Bitbit niya kasi ang isang buwig. Ipinadala ko talaga sa kanya yun para hindi kami magutom sa paglalakad. "Pahingi pa nga ako." Sabi ko pa sa kanya. Huminto naman siya sa paglalakad at pumitas ako ng isa. Nakakalimang saging na yata ako dahil sa sobrang gutom ko na. "Saging ko, ayaw mo ba?" Napahinto naman ako sa pagkain ko at pinanliitan ko siya ng mga mata. "Huwag ka ngang bastos! Kumakain yung tao, oh?" "Tao? You're not even a human. Maybe you're a monkey before. Imagine? Ipadala mo ba naman 'tong isang buwig ng saging sa akin?" "Monkey na kung monkey! Sa nagugutom yung tao eh! Saka ikaw naman ang may kasalanan nito. Dinala mo ba naman ako sa gubat! Anong inaasahan mong kakainin ko?" Inirapan ko siya at ipin

