Tumalikod siya sa akin. Naglakad siya papalapit sa mga damit na isinampay niya kanina kaya nakikita ko ang pang-upo niya. Napatampal tuloy ako sa aking noo dahil ngayon ko lang napagtanto na wala nga pala siyang saplot kahit isa! Mabuti na lang talaga at hindi ako napatingin dun sa ano niya kundi ay katapusan ko na! Kinuha niya ang kanyang boxer short. Yun lang muna ang isinuot niya bago siya bumalik at humarap sa akin. Mabuti na lang talaga at naisip niya yun. "Let's go." Iniabot niya ang kamay niya sa akin. "Where are we going?" "I'm going to teach you how to swim?" "Really? Sa tingin mo ay matututuna ko agad ko sa sandaling oras?" Inabot ko na ang kamay niya. Tumayo na ako at sumabay ako sa paglalakad niya papunta sa tubig. Nang makarating kami sa hanggang bewang ng tubig

