"Talagang gagawin mo ang lahat mapapayag lang ako, ah. Magaling ka rin talaga, Lira." He smirk. Tinitigan niya ang mga mata ko ngunit hindi ako nagpatinag dahil nakipagtitigan din ako sa kanya. "Okay. Papayagan na kita. Pero huwag na huwag kang magpapakita sa kahit na sino dun. Makikita mo pa rin naman sila pero sa malayo lang. Sa gabi ay gagawa na ako ng paraan para makalapit ka. Naintindihan mo?" Hindi na ako nagsalita at pumayag ba lang ako. Tanghali kinabukasan ay bumyahe na kami. Hapon na ng makarating kami kung saan nakaburol ang parents ko. Sa malayo lang ako nakapwesto habang nakatanaw sa mga kulay puti nilang kabaong. Ilang sandali pa ay nakita ko na si Kuya Bryle mula sa malayo. Gustong-gusto ko na siyang lapitan at yakapin ngunit hindi ko magawa dahil may bantay ako at a

