Mahigpit kong ibinalot sa katawan ko ang tuwalya pagkatapos kong maligo. At ngayon nga ay hindi ko alam kung paano ako magbibihis dahil wala man lang akong kadala-dalang damit.
Paglabas ko ay nakita ko siyang nakaupo sa tabi ng kama. Nang mapatingin siya sa akin ay mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa aking tuwalya. Nag-aalalang baka bumagsak itong bigla sa harapan niya at makita na naman niya ang buong katawan ko.
Tumayo siya at lumapit sa akin na may bitbit na paper bag.
"Get dress," aniya. Iniabot niya sa akin ang paper bag.
"S-salamat," tanging nasambit ko bago ako dumiretso papasok ulit sa banyo. Hindi ko kasi kayang magbihis sa loob ng kwarto habang naroroon siya. I mean, kahit nakita na niya ang lahat sa akin ay hindi pa rin ako kumportable. Hindi naman kasi ako bold star para basta-basta na lang maghubad sa harap ng kung sinu-sinong lalake.
Sinilip ko muna ang laman ng paper bag at isa-isang inalis mula sa loob nito. Panty at Bra na Victoria's secret ang tatak nito at dress na alam kong hindi biro ang halaga dahil may tag price pa. Sa isip-isip ko ay baka may dinadala din siya ditong ibang babae kaya may nakaready na siyang ganitong klase ng damit. Hindi naman na nakakapagtaka yun dahil ako nga diba? Bigla na lang niya akong dinala dito.
Isa-isa ko na itong isinuot. Sakto ang cup size ng bra sa akin. Pati narin ang panty ay sakto lang din ang sukat. Lalong-lalo na ang long dress na kulay light pink pa.
Hindi na masama. May taste naman siya sa mga gamit.
Tinuyo ko lang ang buhok ko gamit ang tuwalya. Sinuklay ko na rin ang buhok ko at lumabas na ako ng cr.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko siyang wala dito sa kwarto. Hindi na ako maiilang kumilos dahil wala ng nagbabantay sa akin.
Nagpalinga-linga ako sa loob ng kwarto. Nagawi ang panginin ko sa bintanang nakasarado kaya naman lumapit ako rito at dahan-dahan kong binuksan.
Madilim na paligid ang bumulaga sa akin. May dim light sa bawat gilid nito na hindi sapat upang makita ko ang nais kong makita sa labas.
"Gabi na pala." Naisatinig ko kasabay ng aking pagbuntong-hininga.
Kamusta na kaya sina mommy at daddy? Naasikaso kaya ang mga bangkay nila? Paano ang libing nila?
Sigurado ako na ngayon ay nalaman na ni Kuya ang nangyari. At sigurado akong uuwi siya dito sa Pilipinas. Parang bigla tuloy akong nag-alala para sa buhay niya. Paano kung malaman ng kaaway na may buhay pa sa family namin?
Bigla akong napatingin ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Biglang pumasok si Vladimir kaya napaayos ako ng pwesto sa may bintana.
"Close the window. They might see you or us." Utos niya sa akin. Napabuntong hininga naman ako at isang sulyap pa ang ginawa ko sa labas bago ko tuluyang isinarado ang bintana.
Naglakad ako papalapit sa kanya at naglakas-loob akong i-open up ang tungkol kina mommy at daddy.
"Uhm, Vladimir? Pwede ba akong makiusap sa'yo?"
"Makiusap ng ano?" Aniya. Inalis ang jacket niya at isinabit sa rack na nasa likod ng pintuan bago niya ito tuluyang isinarado.
"Pwede ba akong pumunta sa burol ng mommy at daddy ko--"
"No."
Hindi pa ako tapos magsalita ay yun na agad ang sagot niya.
"P-pero--"
"I said no, okay? Delikado para sa'yo ang pumunta dun."
"Paano mo nasabing delikado? Hindi ba't mas delikado ako kapag ikaw ang kasama ko?"
Ayaw rin lang naman niya akong payagan ay ilalabas ko na ang galit ko sa kanya.
"Kapag sinabi kong hindi pwede. Hindi pwede! Naiintindihan mo? Wala akong pakialam sa nararamdaman mo, Lira. Kapag sinabi kong hindi ka pupunta ay hindi ka pupunta! Okay? And that's my final decision!" Pasigaw na sabi niya kasabay ng paglabas niyang muli dito sa kwarto.
Sa lakas ng pagsarado niya ay halos mapatalon ako kasabay ng pagpikit ko. Hindi ko na rin napigilan pa ang pagtulo ng luha ko na kaagad na umagos sa pisngi ko.
Muli akong lumapit napatingin sa labas nf bintana!
I need to do something para makaalis ako rito at makapunta ako sa burol ng mommy ko!
Kagaya ng ginawa ko sa bahay ay naghanap ako ng pwede kong gamitin upang makababa ako mula rito sa bintana. Hindi ganun kataas itong kinaroroonan ko kaya nasisigurado kong makakaya kong bumaba rito.
Napatingin ako sa drawer sa isang pintuan pa. Two door ito kaya na-curious akong pasukin. Hindi ko alam kung bakit ito agad ang una kong nakita.
Naglakad ako papalapit rito at pagbukas ko nga ay isa pala itong walk in closet. Napakaraming iba't ibang klase ng damit, mga coat at leather jacket na halos ay kulay itim lang at puti ang kulay. Para bang namangha pa ako sa loob nito kaya pansamantala kong nakalimutan ang pakay ko.
Isa-isa kong binuksan ang drawer. May necktie na naka-organize. Sinturon na organisado rin. Underwear at boxer shorts. Ngunit pagbukas ko ng isang drawer niya ay hindi ko na inaasahan ang nakita ko!
May baril!
May lubid!
Malaking lubid!
Shit!
Bakit meron siyang ganito sa pamamahay niya! Talagang killer yata siya!
Hindi lang lubid dahil meron ding iba pang gamit na hindi ko na alam kung ano ang tawag doon.
Is he a serial killer? Balak ba niya akong patayin at biktihin dito sa pamamahay niya?
Mas lalong lumakas ang loob ko para makalabas sa bahay na ito.
Itinali ko ang lubid sa bakal ng kama at pagkatapos ay inihagis ko sa bintana. Sinimulan ko na agad ang pag-akyat sa bintana at wala na akong sinayang na oras. Sana lang ay hindi agad siya bumalik!
Nang makatapak ako sa edge ng bintana ay humawak na ako sa lubid at dahan-dahan na akong dumauddos pababa!
Shit!
Masakit pala sa kamay kapag lubid ang gamit pero keri lang. Kailangan ko itong tiisin para sa kaligtasan ko.
Ngunit ng malapit na akong makababa ay bigla akong nakabitaw sa lubid!
Napasigaw ako!
"Ahhhh!!!"
Akala ko ay malapad na semento ang babagsakan ko pero hindi! Dahil may sumalong matipunong bisig sa akin mula sa pagbagsak ko.
"Oh, sweetheart. Bakit dyan ka dumaan? May pintuan at hagdanan naman," tila nanunutyang sabi pa niya.
Agad akong napamulat at ang nakita ko nga ay pagmumukha ni Vladimir.
"Ibaba mo na ako!"
"No, sweety..." malumanay na sambit niya at naglakad na habang buhat-buhat ako.
"Don't try to escape with me again, or else... Hindi mo magugustuhan ang maari kong gawin sa'yo, Lira. Ang ayaw ko sa lahat ay pasaway at matigas ang ulo dahil pinaparusahan ko sila."
Hindi ako nagsalita. Hindi ako umimik. Dismayado ako dahil palpak na naman ang ginawa ko. Paano ba ako makakaalis dito ng hindi niya ako nahuhuli o naaabutan?
Ibinaba niya lang ako ng makapasok na kami sa loob ng bahay. Ini-lock niyang mabuti ang pinto. Hindi lang isang lock kundi hindi mabilang na lock ang naroroon. Sa tingin ba niya ay magagawa kong makatakas kahit pa iisang lock lang ang gawin niya?
"Come here. Let's eat. I'm hungry." Aya niya. Himalang naging kalmado ang boses niya at hindi na galit. Ganun ba talaga yun kapag kakain na siya ay bigla siyang bumabait?
Pagtingin ko sa kanya ay nakaupo na siya sa upuan sa mahabang hapag-kainan. Dadalawa lang kami pero ang daming putahe ang nakahain. Nakakapagtaka naman na siya ang nagluto sa dami niyon.
"May kasama ba tayo rito? I mean, maid?"
"Wala."
"Kung ganun, sino ang nagluto ng lahat ng yan?" Usisa ko pa.
"Lira. Ang sabi ko ay kumain tayo. Hindi ko sinabing interogahin mo ako at tanungin ng kung anu-ano." Aroganteng sagot na naman niya.
"Okay. Hindi na ako magtatanong pa..." wika ko kasabay ng pagbuntong hininga. Gutom na rin naman ako kaya lulubos-lubusin ko na ito.
Umupo na ako sa may tabi ngunit may pagitan na isang upuan dahil nasa edge siya ng table at nakaupo na parang isang hari.
"Eat." Mariing utos na niya. I rolled my eyes pero hindi ko ipinakita sa kanya.
"Okay-okay? I'll eat!"
Nagugutom naman na talaga ako kaya naman hindi ko na siya pinansin at nagsimula na akong kumuha ng pagkain ko. Konting kanin at konting ulam lang ang kinuha ko. Sabihin ng gutom ako pero wala pa rin akong gana. Gusto ko lang talagang magkaroon ng laman ang tiyan ko.
Nagsimula na akong kumain. At ilang minuto nga lang ay tapos na akong kumain. Uminom na ako ng tubig at nagpunas ng tissue sa aking bibig.
"Why did you eat so little? Don't you like the food on the table?"
"Hindi naman sa ganun. Wala pa kasi akong ganang kumain..."
"Okay..." aniya.
Tinapos na rin ang pagkain niya. Uminom na rin siya ng tubig at nagpunas ng tissue sa bibig kagaya ng ginawa ko. Bawat galaw niya talaga ay pinagmamasdan ko.
Napatingin ako sa napakaraming pagkain na nakahain sa mesa. Will he just throw it all away?
"Uhm, Vladimir?"
"What is it?"
Nakakunot na agad ang noo niya samantalang pangalan pa lang niya ang binabanggit ko.
"Please, payagan mo na akong makita ng burol nina mommy and daddy--"
"Lira--"
"P-promise!" Itinaas ko ang aking kanang kamay, "H-hindi ako magpapakita. Gusto ko lang makita kung nasa ayos sila..."
"Wala akong tiwala sa'yo pero pag-iisipan ko, Lira."
Paalis na sana siya ngunit bigla akong lumapit sa kanya para hawakan ang braso niya. Napasulyap naman siya sa ginawang paghawak ko.
"Please, Vladimir. Promise! Susunod ako sa sasabihin mo. M-magtatago ako. Hindi ako magpapakita." Pagmamakaawa ko pa.
"Really? Susunod ka sa lahat ng sasabihin ko?"
"O-oo."
"Gagawin mo ang lahat ng gusto ko?"
"H-ha? O-oo..."
Nagdadalwang isip akong sumagot pero kung ito ang tanging paraan upang makita ko sina mommy hanggang sa huling hantungan nila ay gagawin ko.
"Kahit angkinin kita ngayon?"
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong ihiga sa ibabaw ng dining table!